Celine
Nang makarating ako sa bahay nila Mika, kinuha ko na yung bag ko na puno na mga damit ko at handa na sanang umalis kaso naabutan ako nila Mika, "Ano bang problema Celine?"
"Gusto ko na umuwi."
"Sabihin mo, handa kaming makinig sayo" napansin ko na wala si Jem.
Umiling ako at pinunasan yung luhang bumabagsak sa mata ko, "Sana maintindihan niyo ako kung bakit ko to tinatago sa inyo, ayokong masaktan yung kayong mga kaibigan ko."
"Natatakot na ako Celine, sige na sabihin mo na" -Isabel.
Tumahimik ako saglit bago nagsalita, "Mika, Isabel, Yhesya, Ian, John, Eric, baklang Ashley at Paeng, thank you at naging kaibigan ko kayo. Salamat sa kasiyahan, sa pag-comfort sa akin kapag may problema ako, sa pagunawa ng kabaliwan ko, sa lahat. Hinding-hindi ko kayo makakalimutan" niyakap sila isa-isa.
"Celine, bakit parang nagpapaalam ka?" nauutal na tanong ni Yhesya.
"Pakabait kayo ha? Kapag may problema yung barkada, ayusin niyo agad, sabi niyo nga, walang iwanan."
Umalis na ako sa kanila. Naiiyak na yung iba at ayokong makita yun.
W
alang iwanan pero bakit mo sila iiwan Celine?
~~~~~
"O ang aga mo naman umuwi" salubong sa akin ni papa. Nasa labas siya ngayon at nagiinuman sila nila tito.
"Kailangan po eh" dumiretsyo na ako sa loob ng bahay.
"O kamusta?" tanong sa akin ni mama.
"Okay naman po, hindi ko pala kayang magtagal doon" niyakap ako ni mama, "matutulog na po ako."
362 days to go...
"Bakit ba biglaan kang nagyayaya?" tanong sa akin ni Mayne.
"Oo nga. Miss mo na kami no?" -Kian.
"Gusto ko lang magkaroon ng bonding time sa inyo, mami-miss ko kaya kayo ng sobra. Yung kakulitan niyo, kalokohan, kabaliwan."
"Ayieee" nagtawanan kami.
"Bakit maga-abroad ka ba kaya mo kami mami-miss?" tanong ni Mayne.
"Pupunta ako sa malayo, malayong-malayo."
"Sama mo naman kami jan" -Kian.
"Hindi pwede, hindi niyo pa oras para pumunta din doon."
"Daya naman."
Gusto kong mag-overnight dito sa bahay nila Jhermayne kasama si Kian. Isang araw na may bonding kami.
Hindi kami yung magkakaibigan na mas masaya kung pupunta sa mall, magkasama lang kaming tatlo masaya na kami, marami na kaming kalokohan na nagagawa.
"Buti pinayagan ako, may test kasi kami bukas eh."
"Sus Kian matalino ka na" -ako.
"Kailangan ko pa rin mag-aral" -Kian
"Pero jumo-jowa" -Mayne.
"Wow akala mo siya" -ako at Kian.
"May naisip ako, mag-vlog tayo" masayang sabi ko.