Celine
1 friend request
Ayan yung bumungad sa akin ng mag-online ako. Nung pindutin ko yun...
Jemmery Sedmon
Babae? Pero nung tignan ko yung profile niya lalake. Gwapo, maputi, katamtaman lang ang katawan at single.
Nacurious ako sa kanya kaya in-accept ko. Familiar kasi siya sa akin.
"'Nak kain na" sabi sa akin ni Papa.
Nagkulitan kami dahil sa bunso kong kapatid. Madalas kasi siya ang nagpapatawa sa amin. Kaya pati yung Papa kong strikto ay nakikisali na rin.
Hindi kami close ni Papa dahil strikto siya. Nagke-kwentuhan kami ni Mama pero hindi ako nakakapaglabas ng problema sa kanya.
Pagbalik ko sa kwarto ko, minu-minutong nagva-vibrate yung phone ko. Nung tignan ko ito...
"Hi :)" seen 8:05 p.m.
"Sungit :'(" seen 8:30 p.m.
"Kamusta ka na Celine?" seen 9:17 p.m.
"Hey naaalala mo pa ba ako?" seen 9:20 p.m.
"Goodnight Cel (sleeping emoji) :'(" seen 10:00 p.m.
Cel? Walang tumatawag sa akin nun. Sino ka ba?
Ini-stalk ko siya. December 25. 2002 siya pinanganak. Kasing edad ko siya. Mahilig siya sa coffee, color black, at mag piano.
"Hmm unique siya ha" sabi ko sa sarili ko.
Nag pop sa taas ng phone ko na online siya.
"Hi. Magkakilala ba tayo?" ...send
Typing... Ang bilis haha.
"Aww di mo na ako kilala :(" seen 10:58 p.m.
"Magtatanong pa ba ako kung kilala naman kita" duh. Commonsense naman.
"Magpapakilala na lang ulit ako. Hi :) Jemmery Sedmon nga pala. Magkaibigan tayo nung nakatira ka pa dito sa Malaya Street natin"
Malaya. Street? May ganun bang---
"Jem? Ikaw na ba yan?" Naalala ko na siya. Siya yung kababata ko. Bestfriend nga kami eh. Hindi ko siya nakilala sa profile niya kasi ang gawapo niya na tapos ang puti pa e hindi naman siya ganyan dati. Choco siya gatas naman ako, madungis siya malinis naman ako. "Hindi kita nakilala. Grabe pinagbago mo :D" nagsend ulit ako sa kanya kasi di talaga ako makapaniwala haha.
"Grabe nakalimutan mo ako :( saka intsura lang naman nagbago sa akin kasi yung pagmamahal ko sayo hindi nagbago <3"
"HAHAHAHAHA" madalas niya kasi ako asarin na may gusto daw siya sa akin. Kaya madalas tinutukso kami ng mga kaibigan namin.
"Kamusta na nga pala yung mga kaibigan natin jan?" Nakalimutan ko na rin kasi sila. Mabilis kasi akong makalimot. Halimbawa, hinahanap ko yung panyo ko pero hawak ko pala.
Wala na ako dun sa Malaya. Street kasi lumipat kami nila Mama. Nasunog yung bahay namin nun.
"Okay lang. Naglalaro pa rin kami kahit papaano. Kahit mga dalaga't-binata na kami hahaha"
"Ano nga palang mga pangalan nila?"
"Hays ang hina mo talaga pagdating sa mga pangalan. Sila Mika, John, Yhesya, Eric, Isabel, Ian, Ashley, Paeng. Kami-kami pa rin :)"
"Grabe nami-miss ko na kayo :'("
"Magho-holiday ng isang linggo next week. Ikaw na mag-adjust hahaha bisita ka dito :D"
"Hahaha sige. Pero may plano ako."
"Ano yun?"