03- Surprise

52 5 0
                                    

Celine

"'Nak saan ka naman titira dun ng isang linggo?" Tanong ni Mama habang nagiimpake ako ng mga damit ko. Ngayon na ang araw ng pagpunta ko sa mga kaibigan ko.

"Kanila Mika. 'Ma bestfriend naman kayo ni Tita Shell diba"

"Basta anak mag-ingat ka" pagtingin ko kay Mama parang iiyak siya.

"Haha 'Ma isang linggo lang ako mawawala"

"Basta mag-ingat ka ha"

"Opo"

Nagpaalam na ako sa pamilya ko. Hinatid ako ni Mama sa sakayan ng taxi. Binigyan na rin ako ni Mama ng pansamantalang pera na kakasya sa isang linggo.

Nang makapunta na ako sa Malaya. Street...

"Hay namiss ko to" mahinang sabi ko.

Hinanap ko agad yung tindahan ni aling Chabeng na madalas namin tambayan ng mga kaibigan ko dati pagkatapos namin maglaro. Ang plano kasi namin ni Jem, ililibre niya sila para mapapayag na tumambay sila doon. Si Mika kasi may assignment. Kung hindi lang sinabi ni Jem na manlilibre siya hindi siya sasama eh. Grabe, ang dami na talagang nagbago.

Hindi ko sinabi kay Jem kung anong oras ako pupunta dito, para masurprise na rin siya.

Nakita ko na sila. Nagbago na rin yung tindahan ni aling Chabeng. Dati wala namang bubong yung tapat nun eh, pero ngayon may bubong na, may upuan pa na magkatapat.

Sa pwesto ko, nakatalikod silang lahat. Nakaupo sila. Nagbibiruan pa. Rinig na rinig ko boses ni bakla hahaha.

"Uy kailan kaya makokompleto tong tropa na to? Punyeta kasi si baklang Celine eh. Pinasunog mo yung bahay nila ano kasi hindi ka niya sinagot?" Nakaturo yung kamay niya kay Jem. Nagtawanan pa sila. Buti yung tropa namin hindi nagbago.

"Baliw hindi ko kasalanan yun. Nasunog kasi yung bahay ng kapit bahay nila kaya pati sila nadamay"

Nung nakapunta na ako sa tindahan...

"Hi po aling Chabeeeng. Musta na po?" Masayang bati ko.

"Uy Celen kamusta ka na? Ang laki mo na at ang ganda mo pa lalo" bisaya kasi si aling Chabeng kaya Celen tawag niya sa akin.

"Celiiiiine?" Pasigaw ni tawag sa akin ng tropa.

"Surprise!" At nag group hug kaming lahat except kay...

"Tulala HAHAHAHAHA" nagtawanan silang lahat dahil kay Jem. Pati ako natawa dahil sa ekspresyon niya.

"Woy anong mukha yan? HAHAHAHAHA"

"A-ah Hi"

"Thank you ha"

"Wala yun"

"Hoy anong Thank you yan? Anong nangyari?" May mga nanunuksong tingin sila.

"Hoy bakla magpasalamat kayo kay Jem. Kung hindi dahil sa kanya hindi ko na kayo maaalala at hindi na ulit ako makakapunta dito."

"Edi thank yooooou" sabi nila.

"Hehe" sabi ni Jem.

"Namiss ka namin sobra" sabi ni Mika. Hanggang ngayon isip bata pa rin siya.

Nandito na kami ngayon sa bahay ni Mika. Nakita na ako ni Tita kanina. Nagkakwentuhan na rin kami saglit.

"Ako din. Nga pala, ano ng balita sa inyo?"

"Miss ka namin syempre. Tayo-tayo pa rin. Sila Paeng at Ashley bakla pa rin. Si John may girlfriend---"

"Break na kami" malungkot na saad ni John.

"John wag kang malungkot. Maging thankful ka kasi hindi pa tinatagpo sayo ni God yung babaeng nararapat sayo na mamahalin na forever" nakangiting sambit ko sa kanya.

"Wow may experience hahaha" asar ni Isabel.

"Wala pa rin. Hindi pa siya sa akin pinapakita"

"Malay mo, malapit na sayo hindi mo lang napapansin" sabi ni Ian.

"Huh?" Tumawa ako ng kaunti.

"Si Eric matalino pa rin, si Yhesya bookworm pa rin, ako gusto ko pa rin siya" si Jem yung tinutukoy niya. Bago ako magustuhan ni Jem, gusto na siya ni Mika. Almost bestfriend kami ni Mika kaya hindi ko din sinagot noon si Jem kahit mga bata pa kami nun. Ayokong masaktan yung mga kaibigan ko. But Mika act normal kapag magkakasama kami ng tropa.

"Don't lose hope Mik" hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti.

Lumingon ako kay Jem, "Ikaw Jem musta ka na?"

"Tih wala pa rin yan nagiging jowa" -Paeng.

"Kahit na ang gwapo niyan maraming nagkakagusto, dedma lang siya sa mga girlalu" -Ashley.

"Ikaw ba si Jem?" Matinis na boses ko. Daldal kasi eh.

"Okay lang" okay na siya ngayon kumpara kanina.

"I mean, ano ng balita sayo"

"Wala namang nagbago sa akin eh. Katulad pa rin ng dati" mukhang malungkot siya? Bakit kaya?

"Hindi ka na inaatake ng asthma mo?"

"Ay teh--"

"Hindi na!" Naputol ang sasabihin sana ni Paeng kanina ng magsalita si Jem.

"Ah buti naman" tanging nasabi ko.

"Mga tol laro naman tayo ngayong kumpleto na tayo" masayang nagyaya si Ian.

"Sige simulan niyo na. Magpapalit lang ako" sinamahan ako ni Mika sa kwarto niya. Nang matapos na akong magbihis, nakita ko si Mika na nagpupunas ng mata.

"Woy bakit?" Natawa ako ng kaunti.

"Namiss lang kasi kitaaaaa" tuluyan na siyang umiyak at niyakap ako.

"Lang ha? Eh humahagulgol ka na nga eh haha"

"Ang drama ko hahaha. Lika na nga at maglaro na tayo... Ng kompleto"

NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon