Celine
"Handa ka na ba?" tanong sa akin ng babae pero hindi ko makita yung mukha niya.
Kahit hindi ko siya makita, magaan yung pakiramdam ko sa kanya.
"Ano mangyayari kapag humawag ako sa kamay mo?"
"Magiging masaya ka na, wala ng iniindang problema, mapayapa" ngumiti ako sa kanya.
"Ayoko, wag muna ngayon, marami pang may kailangan sa akin."
~~~~~
Nagising ako dahil sa ilaw na nasa kisame. Hindi ako sanay matulog ng may ilaw.
Naalala ko, nag-himatay ako sa resort.
"Celine anak" nilapitan ako ni mama, "Nagugutom ka ba? Nauuhaw?" tumango ako.
Nakita ko sa kaliwang braso ko na may nakatusok na karayom. Kawawa naman ako. Mauubusan na ata ako ng dugo dahil jan eh.
"Ilang araw na po ako dito?"
"Isang linggo na" isang linggo? Grabe naman yun, wala naman akong sakit.
Nakita ko si mama na parang iiyak.
"Ma" hindi siya tumingin. Nagpapaka-busy siyang maghanda ng pagkain para sa akin.
"Bakit po?"
"'Nak dati ba, may nararamdaman ka na kakaiba? May masakit sayo? Nahihilo ka na ba dati pa? Sumasakit na ba ulo mo dati?"
"Po?" hindi ko maintindihan si mama, "Bakit po ba?"
"'Nak," lumapit siya sa akin at hinawakan yung kanang kamay ko, "May taning na ang buhay mo."
Ano daw?
"Po?"
"May mga tinest sayo yung mga doktor at... may lupus ka" natulala na ako, "matagal na daw yan pero ngayon lang lumabas yung mga sintomas."
*****
Systemic Lupus Erythematosus
: a chronic, inflammatory, variable attoimmune disease of connective tissue that occurs chiefly in women and is typically characterized by fever, skin rash, fatigue and joint pain and often by disorders of the blood, kidneys, heart, lungs and brain (such as hemolytic anemia, nephritis, pleurisy, pericarditis, cognitive dysfunction, or meningitis) — abbreviation SLE — called also lupus.
*****
"Hanggang kailan..."
"Isang taon" humagulgol na naman si mama.
Lord ano ba to.
Niyakap ako ni mama at umiyak siya, umiiyak siya dahil sa akin.
Mamamatay na ako.
Hindi pwede. Kailangan pa ako ng pamilya ko at mga kaibigan ko.
