Nostalgia

24 1 1
                                    

Celine

"Ano ba akala mo kanina? Naglalandian kami?"

"May sinabi ba ako?"

"Nakita ko naman sa mata mo yun eh."

Huminga ako ng malalim, "Sorry na, wag na tayo mag-away."

"Sorry din Moo."

"Ang cheesy mo."

"Bakit ayaw mo?"

"Kailan naman kita hindi ginusto?"

"Tuwing may regala ka."

"Jem!"

Lumabas na kami ng kwarto at pumunta na sa bus ulit. Iche-check up kami, libre daw. Iche-check kung may sakit kami kung meron man, bibigyan kami ng gamot. Ito lang yung gagawin namin ngayong araw.

Hiwalay ang girls sa boys.

~~~~~

Natapos na yung anim na oras at gabi na, kumakain na kami.

"Anong oras daw makikita yung result?" tanong ni Kian habang kumakain.

"Bukas daw ng umaga" sagot naman ni Jem.

Natapos na kaming kumain at oras na ng pagtulog.

Nakahiga na kami nila Kian at Mayne ng may kumatok sa pintuan. Pagbukas ko, may nakita akong isang kulay pulang rose sa sahig na may kasamang note. May nakita din akong sunod-sunod na rose sa kanan ko na nasa sahig din.

Sundan mo yung roses -Moo

Ano na namang ka-chessy-han to?

Sinundan ko nga yung roses. Nyeta ako naman tong uto-uto HAHAHA.

Nung natapos ko ng sundan yung roses, may nakita ako sa harapan ko na lamesa at may pakain. Parang date.

Nakita ko naman doon si Jem na nakatayo at maganda ang suot.

"Ano to?"

"Ahm date?" sarcastic na sabi niya, natawa na lang ako.

Inalalayan niya akong um-upo at um-upo na siya sa harapan ko.

"Ano ba yan, ang panget ng suot ko" pantulog kasi yung damit na suot ko.

"Haha maganda ka pa rin naman eh."

"Sus."

Habang kumakain kami, "Bakit nga may ganto?"

"Gusto kong maging masaya tayo ng isang araw, masulit natin to" hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.

"Jem."

"Isipin mo lang na tayo lang, wala ng iba."

"Parang ano to, bakit nga?"

Lumapit siya sa akin, lumuhod sa gilid ko at hinawakan yung kanang kamay ko, "Isinusuot ko itong singsing na 'to sayo, palatandaan na sayo lang ako habang buhay."

"Oo naman. Panghabang buhay tayong magsasama 'diba?" ngumiti din siya sa akin kaso... parang hindi naman masaya?

"Kahit mawala na ako sa tabi mo, okay lang kung umibig ka ng iba basta maging masaya ka lang."

"Jem ano ba..." naiiyak na ako. Ramdam ko yung kalungkutan niya.

Tuluyan ng bumagsak yung mga luha ko ng sabihin niyang, "Celine mamatay ako."

NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon