Celine
"Bye na Celine. Mami-miss ka namin" ngayon na ang araw ng alis nila Mika.
"See you soon. Ingat" ngumiti ako hanggang kaya kong ipakita na ngumingiti talaga ako.
May dalawang ibig sabihin ang ngiti. Yung isa dahil masaya ka. Yung isa naman dahil malungkot ka.
Niyakap ko si Mika, Yhesya, Isabel, John, Eric, Ian, Ashley, Paeng at si Jem. Hay mami-miss ko na naman sila ng sobra.
"Kapag malungkot ka, may problema, mag-chat ka lang sa G.C" ~Ian.
"Nandito kami lagi sayo. Baby girl ka namin eh" kahapon pa ako tinatawag na baby girl ni John. Hindi na ako baby 'no.
"Oo na po. Basta mag-ingat kayo" nagpadala yung Mama ni Isabel ng magsusundo sa kanila. Van. Iba na talaga pag mayaman haha.
"Last hug!" sabi ni Paeng kaya nag-group hug kami.
"I love you Celiiiiine!" sigaw ni Ashley.
"I love you Celiiiiine!" sigaw naman nilang lahat.
"I love too guys" sabi ko naman.
Sumakay na sila sa Van pero nagpahuli si Jem. Nung pasakay na siya, lumingon siya sa akin, lumapit at niyakap ako ng mahigpit. Niyakap ko din siya.
"One four three" bulong niya. Hindi ako sumagot.
Oo masaya ako kapag kasama ko siya. Oo sinabi kong mahal ko na siya pero hindi pa rin ako sure. So bakit ko sinabi na mahal ko na siya kung hindi pa naman ako sigurado?
Humiwalay na siya sa akin at hindi ako tinignan ng sumakay na siya sa van.
Nakita ko na hinawakan niya yung mukha niya. Umiiyak siya?
Pinanood ko yung sasakyan nila na lumayo sa akin.
Mag-isa na naman ako.
Back to school...
"Bheeeeeb" sigaw ko kanila Mayne, Kian at Danny ng makadating ako sa school namin.
"Bheeeeeb" sigaw din nila at nag-group hug kami.
"Bheb hindi sila na-surprise" nakasimangot na sabi ni Kian. Sabi niya kasi kanila Mayne na hindi na siya dito ma-aaral pero surprise lang yun kasi dito talaga siya mag-aaral. Ako lang nakakaalam nung surprise niya.
"Eh may nag-post kasi na babalik ka na dito" ~Danny.
"Okay lang yan bheb kasi kompleto na ulit tayo."
"Ahm... Bheb," humarap sa akin si Kian. "Condolences nga pala sa lola mo."
"Sus okay na yun."
"Condolences din Celine. Sorry hindi kami nakapunta."
"Nagugutom ako bheb. Kain muna tayo maaga pa naman" hinila ko si Kian kaya hinila niya na din sila Mayne.
-At Canteen-
"Kian na-miss talaga kita. Sobra."
"Ano ikaw lang? Kami din no."
"Hahaha wag na kayo mag-away. Na-miss ko din kayo."
"Anong oras na?" tanong ko habang kumakain ng hamburger.
"Hala klase na natin" napa-hala din kami at tumawa. Hahaha late na kami.
"Ang galing no? Buti ngayon mag-classmate pa rin tayo" sabi ni Mayne. Nagpalakpakan kami sa sinabi niya. Hahaha ang saya niya lang asarin. Sa aming apat, siya yung pikon pero malakas mang-asar.
Nang makarating na kami sa 4th floor, dumiretsyo na kami sa classroom namin. Syempre saan pa ba.
Sumilip muna kami bago kami pumasok pero wala pa yung adviser namin kasi ang ingay ng mga tao sa loob.
"Bakit yung ibang classroom may adviser na, tayo wala?" tanong ni Kian. Um-upo kami sa dulo.
"Ibahin naman natin yung advance. Belated si Ma'am" nagtawanan kami.
Onti lang yung mga pumasok na teacher sa amin. Nag-introduce your self at nagpa-assignment lang.
"Kain naman tayo saglit" yaya ni Danny.
"Street food!" sabi nila Mayne at Kian.
Street food. Naalala ko na naman sila Mika. Kailan kaya ulit kami magkikita?
"Kung sino nagyaya siya manlilibre" sabi ko. Yung bilihan ng kikiam malapit lang sa school namin.
"Hahaha sige na nga. Ngayon lang to."
"Yehey!"
Kikiam sa amin ni Kian at fishball naman kanila Danny at Mayne.
Nagkulitan kami, nan-trip ng hindi kakilala at naghilahan ng bag. Sa gantong bonding lang masaya na ako.
"Grabe ang saya ngayon. Sana lagi."
"Sana nga."
Umuwi na sila Kian at Danny. Kami naman ni Mayne ay sabay na umuwi. Nag-jeep lang kami.
"Grabe ang saya no?"
"Haha oo nga."
Nag-kwentuhan kami kaya kami lang yung maingay sa jeep. Buti nga hindi kami pinababa eh kasi yung mga driver ngayon ng jeep ang aarte. Hindi naman kasi lahat ng estudyante hindi magbabayad. Excuse me may barya naman kami no.
"Bye na bheb. Ingat," bineso ako ni Mayne. "Para po!" at bumaba na siya.
Mga 3 minutes lang at nakauwi na din ako.
"O kumain ka pa. Pauwi na din si Celine" narinig kong sabi ni Mama. May bisita ata kami.
Pagbukas ko ng pintuan, napatulala ako sa taong nasa lamesa ngayon at kumakain.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko agad sa kanya. Um-upo ako sa tapat niya.
"Ahm... Kumakain?"
"Baliw ang ibig kong sabihin, bakit ka nanditom? Wala ka bang pasok?"
"Na-miss kasi kita kaya ako nandito" tinulak ko ng kaunti yung ulo niya, "Bola!" sabi ko.
"Dito daw siya mag-aaral. Kinausap ko na din yung Mama niya kung totoo ba at totoo nga."
"Eh saan ka titira eh hindi ka naman kasya dito sa bahay?"
"Edi sa kwarto nila Kyle. Kahit sa sahig na lang ako."
Nandito lang naman sa bahay namin si Jem. Bakit ba siya nandito? Paano yung pag-aaral niya?
"Iniisip mo siguro yung pag-aaral ko. Cel kaya nga ako nandito kasi dito ako mag-aaral. Saka gusto din kita makasama."
"Sus may video call naman" grabe naman yung pagka-miss niya sa akin hahaha.
"Alam ko pero iba pa rin kapag nakikita kita ng personal" titig na titig siya sa mata ko at nagsasabi nga talaga siya ng totoo.
"Hon ang laki ng langgam no" pinapagpag nila Papa yung binti nila. Umiling ako, "Magbibihis lang ako" sabi ko kay Jem at pumasok na ako ng kwarto ko.
Seryoso talaga siya na dito muna siya? Paano sila Tita? Sila Mika? Yung mga schoolmate niya?
Naisip ko ulit na ginawa niya to para sa akin. Siguro nag-aalala na naman siya sa pagkawala ni Nanay. At oo, malungkot pa rin ako. Nade-depress. Nananaginip ng mga kinakatakutan ko katulad ng may mawala na naman sa akin.
Hindi ko akalain na may magma-mahal talaga sa akin ng totoo. Oo si Jesus mahal na mahal ako nun ng totoo, pamilya ko din mahal ako pero si Jem, iba yung pagmamahal niya.
Lagi kong pinagdadasal kay Lord na wag muna ngayon ibigay sa akin yung para sa akin kasi gusto ko muna mag-aral. May mga nanliligaw pero hindi naman seryoso.
Mahal nga talaga ako ni Jem. Eh ako, mahal ko na ba siya?
