Celine
"Wag mong sigawan."
"Oo nga."
"Kalabitin lang natin si Celine?"
"Oo ganun na lang."
Gising na ako bago pa ako kalabitin ng kung sino.
"Good morning bheb este good afternoon pala" sabi ni Kian.
"Sarap ng tulog ah" -Mayne.
"Ang sweet kamo" -Danny.
Hindi ko sila pinansin sa mga pinagsasabi nila.
Tinapik ko si Jem, "Jem nandito na tayo."
"Wow. Parang galing sa field trip ah" baliw talaga 'to si Mayne.
Tumayo na kami ni Jem at binitbit yung bag namin.
"Uy pakilala naman kami jan o."
"Oo nga."
Nagpaparinig si Kian. Hay nako. Kung anu-ano na naman yung isiisip nitong mga baliw na 'to. Except kay Mayne kasi nakilala na niya si Jem.
"G*g*. Bestfriend ko din to. Jem si Kian at Danny," nakipag-shake hands siya sa kanila, "Bheb si Jemmery Sedmon."
"Hindi porket gwapo yan, pwede na" -Kian.
"Tama. Dapat makilala namin yan" -Kian.
"Told yah" sabi naman ni Mayne. Mag-bestfriend nga sila.
Naglalakad na kami papunta sa classroom namin ng may lalaking kumausap sa amin.
"Jem? Jemmery Sedmon?" namamanghang tanong nung lalaki.
"Oo. Bakit?"
"Tol ako to! Si Jerome."
"Hindi nga? Grabe ang jologs mo pa rin."
"Hahaha" tumigil yung lalaki sa pagtawa ng mapunta yung tingin niya sa akin, "Tol pakilala mo naman ako" mahinang sabi niya kay Jem.
"Kanino?"
"Dun sa maganda."
"Kuya apat kami ditong maganda" nung tinignan ko si Danny at Mayne, halata sa mata nila na nagwa-gwapuhan sila kay... Jerome ba yun?
"Si Mayne, Kian, Danny at..." nakipag-shake hands yung Jerome kanila Mayne pero nung babanggitin niya na yung pangalan ko, parang ayaw niya?
Si Danny na lang yung nagsalita, "Si Celine. Bestfriend namin" nakipag-shake hands ako sa kanya.
"Hi" sabi niya.
"Hi" inalis ko na yung kamay ko na nakahawak sa kamay niya kasi parang ayaw niyang bitawan, "Guys lika na."
Masungit na kung masungit. Naki- creepy-han kasi ako sa ngiti niya sa akin.
Bata pa lang kasi ako takot na ako sa mga lalaki. Kahit kay Papa at sa mga Tito ko.
Tuwing manonood kasi si Papa ng movie sa bahay, yung pinapanood niya ay yung mga babaeng nire-rape yung anak nila. O di kaya hinihipuan nung lalaki sa palabas yung babae.
Simula nun takot na ako.
Pero bakit ako nakipag-shake hands?
Siguro para hindi niya isipin na hindi ako bastos? Lalo na at kaibigan pala siya ni Jem.
Sumabay na sa amin maglakad si Jerome. Kasabay ko si Kian maglakad kasi si Mayne at si Danny kasama sila Jerome at Jem.
"Anong pangalan mo sa fb?
