19: I love you too

14 2 0
                                    

Celine

"Celine sige na. Samahan mo na ako."

"Jem ano ba. Kanina ka pa. Ayoko nga."

"Ikaw ha.  Lagi mo na lang akong sinusungitan. Hindi mo na ba ako mahal Celine?"

"Kailan ba kita minahal?" inalis niya na yung dalawang braso niya na nakayakap sa akin. Nung tinignan ko siya, para siyang iiyak tapos naka-pout pa yung labi niya.

"Bata" bulong ko.

"May iba ka ng mahal Celine? Sabihin mo sa akin."

Tinanggal ko yung earphone ko. Bwiset to. Kahit na naka-high volume yung phone ko, rinig ko pa rin yung boses niya.

Kanina pa siya nandito sa kwarto ko at nangungulit na samahan ko daw siya.

"Hindi ka titigil?" umiling siya, "Hindi? Okay. Break na tayo. Hindi ko kaya na magkaroon ng boyfriend na katulad mo."

Akala ko titigil na siya dahil sa sinabi ko pero umiyak siya sa harapan ko. As in nilakasan niya yung boses niya. Para talaga siyang bata.

"Hayst bahala ka diyan" nakinig na ulit ako ng kanta at humiga.

"Ili-libre kita basta samahan mo lang ako" hinihila niya yung braso ko.

Kung bomba lang ako kanina pa ako sumabog sa harapan nito.

"Eto na" tumayo na ako at naglakad na kami palabas ng pintuan. Nung nasa pintuan na kami, tinulak ko siya palabas at ni-lock ko yung door knob.

"Celine! Buksan mo to!" kinakalabog niya yung pintuan ko.

Alam ko naman na kaya niya ako kinukulit dahil sa nangyari sa akin nung nakaraan.

Flashback

"Ma pupunta lang ako sa classmate ko ha?"

"Sige basta umuwi ka ng maaga."

"Opo."

"Lin isama mo si Jem. Kung sakali na gabihin ka, may kasama ka" sabi ni Papa.

"Hindi na po. Saglit lang naman ako dun" umalis na agad ako ng bahay namin.

Pupunta ako sa bahay nila Karen. Classmate ko nung grade 9.

"Bakit mo ba gustong tumambay dito? Bakit hindi dun sa bestfriend mo?"

"Hoy binayaran na kita. Nasaan na?"

"Ano bang problema mo at gusto mong maglasing?"

"Hay ang daming dada. Bilis" um-upo ako sa kama niya at hinintay siyang ibigay sa akin yun.

NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon