20: Nagbago ka na

14 2 0
                                    

Jemmery

"Celine."

"O?"

"Sungit" bulong niya.

"Bata" ganti ko naman.

Huminga ako, "May tatanong lang ako."

"Ano ba yun?" tanong niya habang nagdo-drawing.

"Bakit sinabi mong mahal mo na ako? Parang ang bilis kasi."

"Mahal na kita matagal na pero ngayon lang ako nakasigurado," hindi ako sumagot kaya tinignan niya ako, nakatalikod ako sa kanya at nakangiti. "Kinilig ka naman."

"Hehe syempre" humarap ako sa kanya at busy pa rin siya sa dino-drawing niya, "Ano ba yan at busy ka?" kinuha ko yung papel at nagulat ako sa nakita ko, "Celine! Bakit ka nagdo-drawing ng ganto?" pasigaw na sabi ko.

Kinuha niya sa akin yung papel, "Bakit ba?"

"Gusto mo na ba mamatay ha? Hindi mo ba gusto na makasama ako ng panghabang buhay?"

"Jem mahal kita, walang ibig sabihin to."

"Sa lahat ng pwede mong i-drawing, yung taong nagbigti pa?"

"Bakit mo ba ko sinisigawan?! Parang drawing lang nagagalit ka na."

"Sinabi mo na mahal mo ako pero bakit hindi ko maramdaman? Simula ng sinabi mong mahal mo ako, nagbago ka na, lagi ka ng nagsusungit, laging nakakunot yung noo mo, ni hindi ko nga alam kung kailan yung huling ngiti mo eh" pinunasan ko yung luha ko, "Sana hindi mo na lang sinabi na mahal mo ako kasi mas gusto ko yung Celine na nakilala ko dati eh. Celine, nagbago ka na."

"Sorry Jem ha? Ako din eh, hindi ko alam kung kailan yung huling ngiti ko, yung totoong ngiti, yung abot hanggang tenga. Sorry din kasi lagi na lang akong nagsusungit, hindi ko na kasi alam kung paano kumausap ng maayos, hindi ko na alam kung kailan ako magiging okay. Sorry din Jem kung bihira na lang ako makipag-bonding sa inyo nila Mayne, pakiramdam ko kasi iiwan niyo din naman ako kaya ako na yung lumalayo. Mas masakit kasi kapag ako yung iwan niyo. Saka Jem totoo yung sinabi ko na mahal kita. Mahal na mahal kita Jem" pinunasan ko yung luha niya.

"May pupuntahan tayo."

~~~~~

Celine

Pinunta ako ni Jem sa isang kwarto. Workship. Winelcome ako ng mga tao, pinakilala ako ni Jem sa mga kaibigan niya dito. Kahit papaano, napawi yung lungkot ko.

Kinakausap nila ako na parang ang tagal na naming magkakilala. May bago na naman akong kaibigan.

Nag-start na yung kantahan, sumayaw din kami. Pero nung huling kanta na, napaiyak ako sa kanta.

Hindi ako mag-isa kasi kapag may problema ako, si Jesus Christ yung tumutulong sa akin, kapag hindi ko na kaya at susuko na ako, si Jesus Christ yung nagbibigay ng lakas sa akin para kayanin ko yun, kapag nalulungkot ako, gumagawa ng paraan si Jesus Christ para pasayahin ako.

Ang swerte ko pala, kompleto pamilya ko, marami akong kaibigan at eto lang yung pinagdadaanan ko.

Kasi yung iba diyan broken family at wala masyadong kaibigan.

Mas maraming tao yung mas malala na pinagdaan kaysa akin pero nakayanan nila yun samantalang ako, eto pa lang yung pinagdadaanan ko pero gusto ko ng sumuko.

~~~~~

"Buti naman at nag-enjoy ka, nakangiti ka na eh" sabi ni Jem habang naglalakad kami.

"Haha oo naman. Thank you Jem" niyakap ko siya.

"Hmm yakap lang?"

"Bakit? Ano bang gusto mo?" ngumuso siya sa akin at pumikit siya. Ang cute niyaaaaa.

Dahan-dahan kong kinuha yung phone ko sa bulsa ko at pinicturan siya. Dumilat siya dahil sa flash, "Celine burahin mo yan!" pilit niyang kinukuha sa akin yung phone ko, ni-lock ko na ito kaya binigay ko na sa kanya.

"Ang panget ko sa lock screen mo o. Bakit mo winallpaper?"

"Ang cute mo kaya jan" um-upo siya sa bench dito sa park at nag-pout na naman siya. Um-upo din ako sa tabi niya, "I love you Jem" pangsusuyo ko.

"Hmp" sabi niya.

"Para ka talagang bata. Ang cute-cute mo" pinisil ko yung dalawang pisngi niya.

"Aah tumigil ka nga. Ang sakit."

"Sorry na" niyakap ko ulit siya.

Niyakap niya din ako, "Pasalamat ka na hindi kita matiis. I love you too."

Tahimik, malamig, puro puno yung nasa paligid namin, nagsisilbing ilaw yung mga light bulb sa paligid namin at kami lang yung tao dito.

Magkayakap pa rin kami ni Jem. Kapag mahal mo talaga yung taong kayakap ko, alam mo na safe ka, ganun yung nararamdaman ko.

"Pwedeng mangako ka sa akin Cel?"

"Sige."

"Kapag may problema ka, nago-overthink, nade-depress, nalulungkot, sabihin mo sa akin ha? Pangako?"

Ngumiti ako, "Pangako."

Kahit kami na ni Jem, natatakot pa rin akong magtiwala, natatakot akong ituloy tong namamagitan sa amin... Kailangan ko tong sabihin sa kanya.

"Jem."

"Hmm?"

"Natatakot ako."

"Saan?"

"Baka iwan mo din ako, baka magsawa ka sa akin, baka mabaliwala na naman yung tiwala ko sayo, baka--"

"What if's?" tumango ako sa kanya.

"Hindi kita matutulungan diyan Cel kasi hindi ko naman kontrolado utak mo na isipin na hindi kita iiwan, hindi ako magsasawa sayo, hindi mababaliwala yung tiwala mo sa akin at marami pang iba. Mas matutulungan ni Lord Cel. Mas mahal ka niya kaysa pamilya mo, mas mahal ka niya kaysa sa aming mga kaibigan mo at mas mahal ka niya kaysa sa pagmamahal ko sayo."

"Thank you Jem. Kung wala ka sa buhay ko baka hindi ko na-realize na maswerte pala ako, na may nagmamahal pala sa akin, na may magmamahal pala sa akin na kagaya mo."

"Wala ng gagaya sa pagmamahal ko sayo ano."

"Hahaha oo naman" sana si Jem na lang yung makakasama ko ng panghabang buhay, sana siya na lang yung hinihiling ko kay Lord.

Pinapasaya ako ni Jem, kahit na sinusungitan ko siya hindi niya ako pinagsawaan, kapag may sakit ako mas maalaga pa siya kay Mama, kahit na sabihin kong "okay lang ako" alam niyang hindi, sabihin ko mang "kumain na ako" alam niyang gutom ako.

Kilala ni Jem si Celine Sanderson.

Mahal ni Jem si Celine Sanderson.

Ang swerte ko kay Jemmery Sedmon.

NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon