23: Remember

23 2 0
                                    

Celine

Kakatapos lang namin kumain nila Mayne at 10 minutes bago ang sunod na teacher. Ngayon na namin makikilala yung mang-liligaw kay Mayne.

Nang nasa room na kami, "Asan na siya?"

"Bumaba daw."

"Ano ba yan, bakit niya pinagiintay yung bestfriends mo?"

"Oo nga bheb, dapat nandito na siya" pagsang-ayon ni Kian.

"Chill lang bheb. Saglit lang yun."

Maya-maya lang din ay dumating na yung lalaki.

Maputi, may itsura naman at mukhang mabait.

"Bheb si Prince, Prince si Celine at Kian" pinakilala kami ni Mayne.

"Bakit?" tanong ko agad dun sa Prince.

"Gusto ko sana sabihin sa inyo na gusto kong ligawan ni Mayne."

"Bakit naman?" nagtaka siya sa tanong ko. "Isang buwan pa lang kayo nagkakakilala ha? Paano mo agad siya nagustuhan?"

"Bheb hinay lang. Baka matakot sayo si Prince" natatawang sabi ni Kian.

"Matagal ko ng gusto si Mayne pero hindi ako makalapit sa kanya kasi" hindi niya natuloy yung sasabihin niya kasi inunahan na namin ni Kian, "Torpe ka."

"Ahm oo. Pero ngayon naglakas na ako ng loob na ligawan siya. Pwede ba?"

"Wala naman kaming magagawa. Bestfriend lang naman ako kaya bakit kita pagbabawalan" sa totoo lang ayoko. Syempre kapag nagkaroon na ng boyfriend si Mayne, mawawalan na siya ng time sa amin or sa akin lang, natatakot ako, "Bheb balik na ako. Baka nandoon na si ma'am" bumeso ako sa kanilang dalawa.

"Bheb hindi ako boto" sabi ni Kian.

"Hindi pa okay sa akin" sabi ko naman.

"Naiintindihan ko."

Ang selfish mo Celine. Ngayon na nga lang ulit sasaya si Mayne, binagbabawalan mo pa.

Ako selfish? Kung selfish ako edi sana sinabi ko dun sa Prince na "ayoko kasi mawawalan ng time sa amin si Mayne dahil sayo" diba?

Bestfriend niya lang ako. Hindi ko siya pwedeng pagbawalan. Pangmatagalan yun, pangmadalian lang ako.

Nang nasa room na ako, wala pa yung teacher namin.

Nag-ring yung phone ko, si Jem, nag-earphone ako at sinagot siya. "Bakit?"

"Meron ka?"

"Wala. Bad mood lang ako."

"Bakit? May nang-away ba sayo?"

"Mabait na ako ngayon no. Ano lang kasi..."

"Ano Celine? Sabihin mo na pinapakaba mo ako eh."

NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon