08- Ba-bye

29 3 0
                                    

Celine

Naglakad kami bago nila ako paupuin kung nasaan man kami. Naririnig kong nagbubulungan sila. Siguro nagpapanic? Yun bang hindi sinabi ng techer niyo na may group work pala kayo kaya kayo nagmamadali, parang ganun.

"Ehem ehem. Mic test. One two five ten. Okay" natawa ako sa nagsalita. May nagtanggal na ng piring sa mata ko. Pagka-dilat ko, nasa gym kami ng school. Hala. Eto yung gym ng pinag-aralan namin nung nursery, kinder, at elementary kami. Ang daming memorable moments dito sa gym ng barkada namin.

May tumugtog na puro tono lang. Yun bang maiiyak ka. Hindi ako emotional pero siguro maiiyak ako ? Hahaha.

May T.V. sa harap ko. Black and white lang yun kasi walang signal pero maya-maya may video na. May time and date din sa baba.

Ang una kong nakita si Jem. Nasa harap siya ng camera dahil sa laki ng mukha niya, "Ayan okay na" masiglang sabi niya. Bata pa sila niyan.

Nakahilera sila sa camera, "Hi Celiiiiine" masayang sabi nila.

"Bago ka umalis sinabi mo sa amin na next week bibisita ka dito e ngayon na yung next week na yun e. Papahanda ka diba kasi birthday mo ngayon" -Eric.

"Bago ka makadating gagawa kami ng video. Syempre para sosyal" nagtawanan sila sa sinabi ni Yhesya.

"Alam mo ba? Yung camera na gamit namin ngayon, nagmamay-ari niyan si Isabel. Alam mo na. Yamanin" -John.

"Uy hindi naman" -Isabel.

Yung dati na magkakasama pa kami. Nagkukulitan kami, tuksuhan. Grabe. Nakaka-miss yung kasiyahan namin dati.

Nag-fast forward. 1 oras na yung nakalipas doon sa camera, "Mukhang hindi siya dadating ah?" malungkot na sabi ni Mika. Nakaupo na sila ngayon. Siguro napagod kaka-intay.

"Hayst," lumingon si Ian sa camera. "Bakit hindi ka dumating Celine?"

"Hay nako tumigil nga kayo. Siguro nakalimutan niya lang o di kaya busy sila. Diba nga kakalipat lang nila last week?" -Eric.

"Nag aayos sila ng bagong bahay nila ng dalawang linggo? Ang dami naman nilang gamit" -Ashley.

"Okay lang yan guys. May ibang araw pa naman" -Paeng.

Lumapit si Jem sa camera para patayin yung camera pero bago niya gawin yun, "Bye" isang salita pero napakapait ng ngiti niya.

"Yung pangalawang video naman" excited na sabi ni Yhesya pero naiiyak na siya. Hayst ayoko ng ganyan eh. Nakakaapekto kaya.

Isang taon na yung lumipas. Lumaki na sila ng kaunti. May mga bagong damit na rin. "Hiiii" masiglang sabi nila. Napansin ko na wala si Ashley.

"Happy Birthday. Umaasa kami na pupunta ka na ngayon kasi alam namin na hindi mo naman kami makakalimutan eh" -Isabel.

"Wala nga pala ngayon si Ashley. Nagka-dengue kasi eh pero nagpapagaling na siya" -Mika.

Maraming video nag-play sa T.V. Puro araw ng birthday ko na hindi ako nakapunta. Lagi silang may regalo sa akin. Lagi nila akong binabati.

Wala ako nun. Hindi ako pumunta. Naging masaya ako sa bagong buhay ko sa pinaglipatan namin na naging dahilan para malimutan ko yung buhay ko dito.

Tuluyan na akong naiyak. Napaka-unfair ko sa kanila, napakasama ko.

Bakit naging ganun ako? Bakit napakadali sa akin na kalimutan sila? Samantalang sila hindi ako kinalimutan.

Iyak na ako ng iyak. Luminya sila sa harapan ko. Umiiyak din silang lahat.

"So ayun lahat ng video na ginawa namin tuwing birthday mo. Yung mga regalo inipon namin kasi baka sakaling bumalik ka dito. Bumalik ka naman haha" -Ian.

"1 2 3, Happy Birthday!!!" pinipilit nilang maging masaya yung atmosphere dito kaya tumatawa na rin kami.

First time kong nakalimutan na birthday ko pala. Kaya ayokong maging masaya eh, may mga bagay o tao akong nakakalimutan.

May lamesa na maliit sa gilid na puno ng mga regalo.

Lumapit si Jem sa akin na may hawak na styro na plato. May nakalagay doon na tatlong chocolate cupcake. H B D yung nakasulat. Sa gilid naman may siyam na kandila.

Pinunasan ko yung luha ko, "Bakit siyam na na kandila? Ano ako, mayroong siyam na buhay?" tumawa ako ng kaunti.

"Siyam na kandila sa siyam na kaibigan mo" lumapit na rin sila John.

"Ah"

"Wish!" sabay-sabay na sabi nila.

Sana maging masaya kami. Thank you Jesus Christ sa panibagong chapter ng buhay ko. At mapatawad sana nila ako sa kasalanan ko sa kanila. Maligayang kaarawan sa akin. Binlow ko na yung mga kandila.

"Yehey" nagpalak-pakan kami.

Nagring yung phone ko, "Saglit lang ha?" excuse ko. Tumango naman sila

"'Nak nasaan ka na? Nandito na ako kanila Mika" nawala yung ngiti sa labi ko. Oo nga pala. Aalis na ako.

"Ahm nandito po kami sa gym ng school ko dati. May pa-surprise po sila. Birthday ko pala ngayon."

"Happy Birthday."

"Salamat po. Pupunta na po ako jan" in-end ko na yung tawag.

Humarap ako sa mga kaibigan ko. Ang saya nila. Nagtatawanan, nagbibiruan. Hay. Ang swerte ko sa kanila. O di kaya hindi naman talaga ako bagay sa pagkakaibigan nila?

Lumapit ako sa kanila, "Guys" napatigil sila.

"Sino yung tumawag?" tanong ni John.

"Si Mama. Uuwi na ako ngayon eh."

NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon