11- Huling ngiti

17 2 0
                                    

Celine

Third week na ni Nanay sa Hospital ngayon. Public hospital lang yung kinuha namin dahil kulang yung pera ng pamilya namin. Idagdag pa yung gastos sa mga gamot.

Naglakad kami ni Mama pa-akyat sa kwarto ni Nanay. Hindi lang kwarto niya dahil may tatlo pa siyang kasama na pasyente din.

Naabutan ko si Nanay na may tubo pa rin na kulay blue sa bibig niya. Sabi sa akin ni Mama ayun na lang daw yung dahilan kung bakit pa siya humihinga kaya kapag tinanggal yun, mawawala na si Nanay.

Nandito din si Tita Tina. Siya yung galing ng Hong Kong. Si Kuya Jose din nandito. Pinsan ko siya. Bumaba daw si Tito para bumili ng makakain. Siguro hindi niya alam na dadating kami dahil may dala kaming kanin at ulam.

"Kamusta na siya?" tanong ni Mama.

"Ganun pa rin" sagot naman ni Tita.

May kinuha si Mama sa shoulder bag niya. Baby oil. Pinahid niya yun sa kamay niya at hinilot yung kamay ni Nanay na walang nakatusok na karayom.

"Anong ginagawa mo 'Ma?"

"Tignan mo, nagmamanas si Nanay. Kailangan tong hilutin para mawala" yung mga kamay kasi ni Nanay at paa ay parang lumalaki or lumolobo.

Nasa paanan ako ni Nanay kaya tinignan ko ito at nagmamanas nga. Kumuha ako kay Mama ng baby oil at pinahid ito sa paa ni Nanay. Nung hinawakan ko ito, lumulubog yung daliri ko. Kapag inalis ko ang kamay ko, nagmamanas ulit ito kaya kailangan kong hilutin ng hilutin para mawala ito.

May pumasok na nurse, "Bibigyan ko na po ulit si Nanay ng gamot" tinurukan niya yung nasa taas. Hindi ko kasi alam tawag dun hehe.

"Matapang na gamot yan" sabi sa akin ni Tita. Tumango lang ako at hinilot ulit si Nanay.

Pagkaalis ng nurse, dumating na si Tito na may dalang cup noodles. Inalok niya ako pero tumanggi ako dahil gusto ko talagang hilutin si Nanay. Kahit man lang sa paghilot makatulong ako para gumaling siya.

Napansin ko na hanggang ngayon hindi pa rin natatangal yung nail polish ni Nanay. Sayang hindi ko dinala yung panlinis ng kuko.

12:30 na ngayon. Kumain naman ako ng umagahan ng tinapay pero hindi ako nakakain ng tanghalian. 11 na naman ako nagising eh.

Tumigil ako saglit sa paghilot ni Nanay at pumunta sa ulohan niya. Hinaplos-haplos ko yung buhok niyang kulay puti. Kahit kailan ayaw talaga niyang magpagupit. Hindi niya daw kasi yun matatali.

Grabe yung pinayat niya. Nagulat ako ng dumilat si Nanay pero pumikit din. Tinignan ko sila Tita at nagets naman nila agad ako kung bakit ako nakangiti. Dumilat ulit si Nanay at ngumiti siya sa akin at pumikit ulit. Dalawang beses niya yun ginawa pagkatapos, natulog na talaga siya.

Grabe siguro yung ngiti ko ngayon. Bumalik na ako sa paa ni Nanay at hinilot ulit ito. May pagasa si Nanay. Thank you Lord!

Maya-maya para akong inaantok. Pumipikit din yung mata ko pero nilalabanan ko ito. Ano bang nangyayari sa akin? Mahaba naman yung tulog ko ah?

"Hala Celine!" inangat ako ni Tito. Nang idilat ko ang mata ko nararamdaman kong nahihilo ako at nakapatong na pala yung ulo ko sa paanan ni Nanay. Feeling ko nakatulog ako.

Mabilis silang nakakuha ng wheel chair para sa akin.

Hindi ako makapagsalita. Nung una ulo ko lang yung nanlalamig hanggang sa parang dugo na yun na dumaloy sa braso ko, kamay, dibdib, bewang, hanggang sa paa.

Ano ang nangyayari sa akin?

"Lin" habang hinihila ako ni Tito, kinakausap ako ni Mama. Siguro para hindi ako makatulog.

Salamat at gumana yung elevator kaya madali kaming nakababa. Sira kasi yun.

Nung nasa lamesa na kami na may nurse, "Anong nangyari sa kanya?"

"Bigla na lang po siyang nahilo. Siguro dahil sa gamot na tinurok dun sa dinalaw namin" sagot ni Mama. Umakyat na ulit si Tito kanila Nanay.

"Anong masakit sayo?"

Hindi agad ako nakasagot, "Yung puson ko po saka... Nahihilo po" hindi naman ngayon yung mens ko eh. Buwan-buwan ako nagkakaroon pero nagtaka ako nung isang buwan hindi ako dinalawan.

May sinabi yung nurse na napasagot si Mama ng "14 pa lang po siya" pero kailangan ko daw gawin yun.

May babaeng nurse naman yung umasikaso sa amin. Pinahiga niya ako ng pabaliktad. Yung ulo ko nasa paanan ng kama tapos yung paa ko nakataas.

"Nahihilo ka pa rin?"

"Onti na lang po" sagot ko kay Mama.

"Naiihi ka ba?"

Nagtaka ako, "Hindi po... Bakit?"

"Kailangan mong umihi pero sige mamaya na lang."

"Para saan?"

"Pregnancy Test" napadilat ako dahil sa sinabi ni Mama.

"Ha?" gulat na tanong ko.

"Sinabi mo kasi na masakit yung puson mo saka nahihilo ka kaya akala buntis ka. Madalas na kasi yun ngayon" grabe naman sila. Hindi nila ako kilala kaya wag silang manghusga!

Nakahiga lang ako ng isang oras. Ngayon may lumapit sa amin na nurse at sinabing kailangan kong kumain ng noodles. Buti hindi na kami makakagastos dahil meron na dun kanila Nanay. Nagiwan si Mama ng panyo para itakip sa binti ko. Naka-short kasi ako.

Pagbalik ni Mama, sabi niya dahan-dahan lang daw akong kumain para magsuka ako at makaihi na pero dahil sa gutom, mabilis ko itong naubos.

Nangmaiihi na ako, tinuruan ako ni Mama kung paano gamitin yung maliit na bote.

Nang matapos na ako, lumabas na ako sa banyo at humiga ulit. Nahihilo pa kasi ako ng kaunti.

Lumapit ulit yung nurse sa amin at kinuha yung maliit na bote. Syempre may takip yun at pinunasan ko.

Napatigil ako sa sinabi niya, "Kukuhaan ka ng dugo after 15 minutes."

Kaya ayaw ko sa hospital dahil sa mga karayom. Bata pa lang ako tuwing may pupunta sa bahay namin para turukan yung mga bata, nagtatago ako pero nahahanap ako ni Mama.

"Halaaa" nananakot si Mama. Sinimangutan ko lang siya at pumikit na lang ulit.

Nakita ko yung nurse na nagiikot para kumuha ng dugo.

Ang bilis naman ng 15 minutes!

Sh*t siya na ba? Anong gagawin ko? Hindi naman ako iiyak diba katulad ng dati? Malaki na ako. Kaya ko to.

Nang makalapit siya sa akin, "Tigasan mo yung pag-fist ng kamay mo" ginawa ko naman yung sinabi niya. Hindi ko kayang makita yung karayom na itusok sa balat ko kaya tumingin ako sa kaliwa ko at pumikit.

Nang matapos hindi naman pala ganun kasakit. First time ko yun ha? Yey na-achieve ko!

Diba? Ang liit na bagay masaya na ako? Ganyan kababaw yung kasiyahan ko.

Ilang oras pa kaming nag-antay sa result ng ihi at dugo ko.

Nang nandito na yung result, syempre negative ako sa pregnancy test at sa dugo naman, kailangan kong kumain ng kumain ng gulay, iwas sa mamantika na pagkain at magpaaraw daw ako ng madalas.

Eh bakit ba? Mas masaya ako sa bahay na naglilinis lang kesa sa labas na napapagod akong naglalakad.

Pero sana magawa ko yung mga yun para gumaling naman na ako. Ilang beses na akong nahimatay at paulit-ulit lang ang dahilan. Kulang sa vitamins at sa araw.

Hay buhay.

Hindi na kami bumalik ni Mama sa taas dahil baka kung ano na namang mangyari sa akin.

At ayun ang last na dalaw ko kay Nanay dahil makalipas ang isang buwan, wala na siya.

NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon