Ago..."'Ma paprint po ako" binigay ko kay Mama yung papel na dapat iprint. Hindi kasi ako marunong magcomputer. Unique ako ano?
Nagbago yung expression ko nung makita kong nakakalat lang sa sahig yung polo ng dalawa kong kapatid.
"Kian! Kyle! Yung polo niyo nga" sigaw ko. Ayaw ko kasi ng makalat. Ang sakit sa mata.
Second day of being grade 8 na ako. Buti kasama ko pa rin yung bestfriend ko last year.
Panganay ako sa magkakapatid. Secretary ng barangay namin si Mama. Si papa naman Kagawad. Mahilig ako sa chocolate's and mango's flavor. Dark and light color ang gusto ko. Mahilig din ako sa mga korean movies/ actors/ dancers and. singers. Mahilig ako sa music at syempre kumakanta din ako. Maraming nagsasabi na maganda ako pero wala akong confident. Advicer din ako tungkol sa love pero take note, wala pa akong nagiging boyfriend. May mga nanliligaw since birth pero ayoko kasi ng tago na relasyon saka hindi pa pinapakita sa akin ni God kung sino ba yung magiging long lasting love ko.
At school...
"Hi bheeeeeb" salubong ko sa bestfriend kong si Mayne. Maganda siya, kalog, madaldal, maliit, magaling sa English at nagkaboyfriend na siya.
"Hellu" sabi niya sabay yakap.
"May assignment ka?"
"Ako pa ba?" At nagtawanan kami.
"Pakopya ako" nagpuppy eyes pa siya.
"Sus kayo 'tong may internet tapos wala kang assignment? Ano ba kasing ginawa mo?" Binigay ko sa kanya yung notebook ko. Umupo na rin kami kasi nakakangalay ng tumayo.
"Kachat ko kasi siya hanggang madaling araw. Bheb mahal ko na siya" kinikilig na sabi niya.
"Tss. Nakita at nakausap mo na ba yan sa personal? Kilala mo na ba yan? Eh sa pagkakaalam ko nakilala mo lang yan sa internet eh. Gwapo nga, nagagamit ba sa tama? Bheb hindi porket lagi mong kausap, sinabing may gusto sayo, mahal niyo na ang isa't-isa kahit sa chat pa lang kayo naguusap ay masasabing 'strong ang relationship niyo' Hindi lahat makakatagpo sa internet ng mamahalin ka forever" diniin ko talaga yung forever.
"Sure ka ba na wala kang experience?" Tumawa pa siya ng mahina.
"At least ako kahit walang experience, may alam. Eh ikaw? Ang dami mo na ngang naging jowa tanga ka pa rin sa pag-ibig"
"Hays talo na naman ako. Pagdating talaga sa usapang love panalo ka. Pero syempre pagdating sa asaran, panalo ako hahaha."
