Prithine's POV
I'm Princess Nathalie Anne P. De Lanzi, Prithine for short.
I decided na Prithine na lang ang itawag sa'kin ng lahat ng tao. Ayoko kasi nung Princess Nathalie Anne, masyadong mahaba at tsaka hindi bagay sa akin.
I'm a NERD! Yeah NERD pero wala akong pakialam kung ano o sino man ako kasi ang mas importante sa'kin is my family and myself syempre.
My mom is just a housewife, gusto nya magtrabaho but my dad won't let her, sabi ni dad sya daw dapat ang nagtatrabaho sa family namin. Si mommy ang lagi ko'ng kasama dito sa bahay. She loves cooking, kahit na nga may mga kasambahay kami gusto nya sya ang magluluto especially for me.
My dad naman is a businessman. Ngayon nasa US sya, yung ate ko naman na si ate Queen Nathan ay nasa Canada, 4 years na din syang nandon nagtatrabaho. Grade 5 pa lang ako ay lumipat na kami sa US pero umuwi na kami ng Pilipinas ni mommy ngayong year.
My dad or should i say my family has a lot of companies, isa na dun ang De Lanzi Corp. Yan ang isa sa pinakamalaking company ni dad kaya yan ang pinaka-inaalagaan nya, and he said na pag dumating ang exact time na pwede na ako mag-trabaho ay ang De Lanzi Corp. ang ipapamana nya sa akin.
"Prithine!" tawag sa'kin ni mommy mula sa kusina. Nandito kasi ako ngayon sa kwarto ko nakahiga pa rin.
"Prithine! Bumaba ka na, malelate ka nyan sa school." mom again.
Wait! Tama ba ang narinig ko? School? Oh! I almost forgot ngayon nga pala ang first day of school. Fourth year college na ako and kaka-transfer ko lang, kaya dito na ako sa Pilipinas mag-tatapos.
Agad-agad akong bumangon at nagtungo sa banyo upang maligo. Mga 15 minutes lang tapos na ako sa lahat, di ko naman kasi kelangan pa mag-lagay ng kung ano-ano sa mukha ko, sinuot ko na yung uniform ko tapos nag patuyo ng buhok gamit ang blower, tsaka pinusod yung buhok ko, then sinuot ko na yung eyeglass ko at yung black converse rubber shoes ko at nagpunta na ako sa dining area kung saan nandun si mommy na nagbe-breakfast na.
"Goodmorning mom." sabi ko sabay halik sa pisngi nya at umupo na sa upuan para kumain.
"Oh kumain ka na at male-late ka na. I told you to wake up early this morning kasi first day mo sa new school mo." sabi ni mommy
"Mommy, ito na nga po. Kumakain na po."
Naglalakad ako ngayon dito sa hallway ng school na papasulan ko which is Claith University, isa daw sa mga sikat na university dito. Habang naglalakad ako, yung mga mata ko lang ay nasa baba. Di ko kasi kaya yung mga tingin nung mga ibang estudyante sa'kin, parang ngayon lang sila nakakita ng tulad ko and it's so uncomfortable kaya nagmadali ako sa paglalakad ko ng may biglang may narinig akong tumatawag sa pangalan ko.
Pagharap ko nakita ko ang bestfriend ko.
"Hi Lans." bati ko sa kanya sabay yakap. 10 years din kaming hindi nagkita neto sa personal, pero may communication pa rin kami kasi lagi kaming nagvi-video call e.
Si Lans ang bestfriend ko since Grade 1 ata kami, sya lang ang nag-iisa kong kaibigan ng mga panahong yun. Mabait sya, maingay, makulit, at maalaga. Sya din ang nag-iisa 'kong taga-pagtanggol sa mga nang-bubully sakin. Di ko nga alam kung paano kami naging magkaibigan pero nagpapasalamat na lang ako na dumating ang isang tulad nya sa buhay ko.
"Goodmorning Princess." bati ni Lans sa'kin kaya napangiwi ako
"Ano ba yan Lans? Ang tagal-tagal nang Prithine ang pangalan ko, pero hanggang ngayon Princess parin ang tawag mo sa'kin." pagrereklamo ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/154822951-288-k308373.jpg)
BINABASA MO ANG
The Princess' Prince
Teen FictionWhat if a nerd princess who is not into what we called love, does find his prince? What will she gonna do?