7PM kasama ko si Arwin, boyfriend ng bestfriend ko na si John, yup bi sila at ganoon din ako, ako naman si Luke. Hinihintay namin ang BFF ko na si John sa 7Eleven noon, may gala kasi sila ni Arwin pero pinasama ako ni John dahil nga ayaw niya na masolo siya ni Arwin, dahil ayaw niya na may mangyari sa kanila.
Suplado si Arwin at never ko nakasundo, kahit na gwapo, maputi, at perfect kung titignan ay magaspang ang ugali niya, yun ay sa point of view ko lang naman, kaya kahit magkasama kami hindi ko siya kinakausap at ganoon din siya sa akin dahil sa parehas kaming kumukulo ang dugo sa isa't isa pag nagkakasama kaya hindi ko malaman sa BFF ko kung bakit parang sinasadya niya na magkasama kami ng matagal ng HILAW na 'to.
"Nasaan na ba yung bestfriend mo na 'yon?" tanong ni Arwin na halatang inip na sa paghihintay.
"Malay ko, ikaw ang boyfriend bakit hindi mo itext o tawagan para malaman mo kung nasaan na siya." ang bulong ko.
"May sinasabi ka ba?" tanong niya.
"Ay wala kausap ko yung cellphone ko ayaw kasi magsalita." pabalang kong sagot na may halong pang-aasar.
"Ewan ko ba kay John sa dinamidami ng pwedeng isama at gawing bestfriend, ikaw na walang kadatingdating pa ang pinili." sabi ni Arwin ng paganti at siyempre gumanti din ako. "Ewan ko ba sa bestfriend ko sa dami ng pwedeng maging boyfriend ikaw na hilaw ang balat pati utak ang pinili." sabay ngiti kay Arwin ng nakakaloko at halatang napikon.
Mayamaya ay tumunog ang cellphone ni Arwin, tumatawag si John, kasabya noon ay ang malakas na pagbuhos ng ulan.
Sinagot ni Arwin ang tawag, at nakita ko sa mukha ni Arwin ang pagkadismaya, doon pa lang alam ko na kung bakit, at sandali pa ay ibinaba na niya ang tawag .
"Hindi na daw tuloy ang lakad, hindi na daw kasi siya pinayagan umalis sa kanila." sabi sa akin ni Arwin na medyo mababa ang tono pero alam mo na may inis at pagkadismaya pa din.
"Alam ko, so paano uwian na din?" sabi ko at dali-dali ako tumayo sa kinauupuan ko at lumabas ng 7Eleven at oo nga pala umuulan at ang masaklap wala akong dalang payong.
"So paano uwian na, paano iwanan na kita diyan." sabi ni Arwin at agad-agad na umalis.
"Tsk, nakuha pang mang-asar, halata namang dismayado siya, may payong na dala hindi man lang ako inalok na sumukob." bulong ko sa sarili ko na inis na inis kay Arwin.
Malakas ang ulan at diyahe naman pag bumalik pa ako sa loob dahil ako na lang mag-isa kaya naman nagdesisyon ako na hintayin na lang na tumila ang ulan... baka sakali.
"Ano ba tumila ka na please, please, please." pabulong ko na pakiusap sa ulan pero parang nang-iinis sa halip na tumila ay mas lumakas ang pagbuhos ng ulan.
"Alam mo kahit mag sun dance ka diyan hindi titila yan, ikaw ba naman ang nakikiusap, wala kang ka-charm charm kaya malamang maging bagyo pa pagpinagpatuloy mo yang pakiusap mo." sabi ni Arwin na nakangisi at nakatayo sa harapan ko habang nakapayong.
"Oh bakit bumalik ka, may naiwanan ka ba? O bumalik ka lang para mambwisit?" tanong ko sa kanya na medyo inis.
"Binalikan kita, naawa kasi ako sa'yo para kang tuta diyan na ginaw na ginaw na naghihintay ng pupulot sa'yo. At hindi ako magpapakapagod na bumalik dito para lang bwisitin ka, sayang lang ang oras ko." sagot niya, sa mga oras na iyon wala ako maipambara sa mga hirit niya kaya hindi na lang ako nagsalita.
"Oh ano, tatayo ka na lang diyan? Tara na sumukob ka na dito." alok ng mokong.
"Hindi na bale 'no, ayoko na makasama ka sa iisang payong." sagot ko na kahit gustong gusto ko na talaga makisukob para makauwi.
"Ang arte naman oh." sabi niya sabay hila sa'kin at akbay, "eh di nakasukob ka dami pa arte gusto pa ng hinihila." sabi ni Arwin.
Sa ginawa ni Arwin na 'yon ay may naramdaman ako na hindi ko maipaliwanag, parang nakuryente ako noong mga oras na 'yon. Habang naglalakad kami ay nakaakbay pa din siya sa'kin kaya sobrang magkadikit kami at mas nag-iiba ang pakiramdam ko, natetensiyon ako ng hindi ko malaman kung ano ang dahilan.
"Oy, okay ka lang? Bakit parang simula ng makisukob ka ang tahimik mo bigla?" tanong ni Arwin sa'kin ng may pagtataka.
"Ah, ah, wala nakakahiya naman hindi ba kung aasarin kita pagkatapos mo ko pasukubin, pero hindi ito utang na loob dahil pinilit mo lang ako na sumukob." sagot ko na medyo nauutal.
"Ows, baka naman na-in love ka na sa'kin. Naku hindi pwede yan dahil hindi kita magugustuhan." pang-aasar niya.
"Pwede ba, ikaw nga itong nakaakbay sa'kin. Kaya kung pwede wag ka na umakbay?" sabi ko.
"Hindi pwede, maliit lang ang payong kaya dapat mag compress tayo para hindi tayo mabasa." sagot nya kaya hindi na ko sumagot pa.
Biglang lumakas pa lalo ang ulan at sumabay pa ang hangin kaya ang ending nabasa din kami at napilitan na sumilong muna sa isang waiting shed.
"Malas naman oh, may bad luck ka yata na nakadikit ." sabi n'ya sa akin, mukang nawala ang pagka-badtrip ng mokong kaya nakukuha na akong asarin.
"Hoy HILAW! Hindi ko kasalanan kung bakit inabot ka ng ganito, kung hindi ka bumalik eh di sana hindi ganito sitwasyon mo, kaya 'wag ako ang sisihin mo, ipakain ko yang payong mo sa'yo eh." sabi ko na medyo naasar sa sinabi n'ya sa'kin.
"Ha-ha-ha, for the first time nakita din kitang maasar ng sobra, cute ka naman pala kapag ganyan ang mukha mo." sabi ni Arwin, sa sinabi niyang iyon ay medyo natahimik ako at maging siya ay natahimik pagkatapos noon.
Ilang minuto pa ang lumipas at tahimik pa din kami, kaya naman kumanta na lang ako ng "I'll Be" at siyempre sarili kong version, napansin ko na napatingin sa'kin si Arwin at nakikinig siya ng mabuti sa pagkanta ko.
"Naks naman may boses ka pala." sabi niya na medyo napangiti ako dahil doon. "Bagay na bagay sa ulan para kasing kulog." dugtong niya at binawi ko yung ngiti ko at siya namang tawa ni Arwin.
Mayamaya pa ay bigla ng humina ang ulan kaya naman binuksan na ni Arwin ang payong niya at bago pa ako makapagdalwang isip ay hinila na niya ako at inakbayan muli. Hinatid niya ko hanggang sa amin, nagpasalamat lang ako at umalis na din siya. Noong bubuksan ko na yung pintuan namin ay tumunog ang message tone ng cellphone ko at tinignan ko ito, galing sa unregistered number kaya agad ko itong binasa:
'salamat sa asaran at sa kanta kahit na hindi para sa'kin 'yon.'
Hindi ko alam kung paano nakuha ni Arwin ang number ko pero napangiti ako noong nabasa ko 'yon, doon ko rin napagtanto na hindi naman pala talaga masama ang ugali ng Hilaw na 'yon.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~RAIN.BOYS~ "Ewan ko ba kay John sa dinamidami ng pwedeng isama at gawing bestfriend, ikaw na walang kadatingdating pa ang pinili." sabi ni Arwin ng paganti at siyempre gumanti din ako. "Ewan ko ba sa bestfriend ko sa dami ng pwedeng...