Rain.Boys Chapter: 5.2

8.8K 366 12
                                    

        Pagkatapos na pagkatapos kong kumain ay dumiretso agad ako sa kwarto ko at doon nahiga ako sa kama ko at hawak ang cellphone ko ay itinext ko si Arwin:

        'Good morning, maraming salamat sa napakasarap na almusal. :)' ang text ko kay Arwin at mayamaya pa ay nag-reply na siya:

        'Mabuti naman at gising ka na, akala ko natutulog ka pa din hanggang ngayon, masaya ako at nagustuhan mo ang inihanda ko para sa'yo. Siya nga pala salamat ulit.'

        At agad naman akong nag-reply:

        'Oo nagustuhan ko talaga ang luto mo, next time turuan mo ako na magluto ah. Para san naman yung pasasalamat mo? Kung sa pagdamay ko sa'yo kaya ka nagpapasalamat ay wala 'yon masaya na ako na naging okay ka na, pero ang tanong okay ka na ba talaga?'

        At nagreply din siya agad:

        'Oo ba sige tuturuan kita, at oo ulit okay na okay na ako, may isang tao na kasi ang nagpapasaya as 'kin ngayon kaya hindi ko na magawa na magmukmok pa.'

        Noong nabasa ko ang reply ni Arwin na 'yon ay agad agad akong nag-reply sa kanya:

        'Naks sino naman 'yon?'

        Ang mausisa ko na pagtatanong at nagreply siya agad:

        'Secret, basta pumunta ka sa Sabado at do'n ko papakilala sayo yung taong sinasabi ko, teka bukas na pala 'yon kaya naman maghanda ka at hindi ka dapat na mawala.'

        Medyo napangiti ako no'n kasi pakiramdam ko parang ako yung tao na 'yon hindi naman sa assuming ako parang ako lang talaga kaya naman nag-reply ako agad:

        'Sino nga 'yon? Ayaw pa sabihin oh, hindi ko naman ipagkakalat, hindi ako tsismoso kaya sabihin mo na.' ang pa-cute kong text sa kanya.

        At nag-reply naman siya agad:

        'Basta Best friend bukas pumunta ka para makilala mo siya.'

        Agad agad naman akong nag-reply noong nabasa ko ang text niya:

        'Anong tawag mo sa 'kin?'

        Nag-reply siya:

        'Best friend, okay lang naman di ba na maging mag-best friend tayo o tawagin kita na Best friend, hindi ba, hindi ba?'

        Nawala yung kilig at ngiti sa mukha ko at parang pakiramdam ko ang sama na bigla ng umaga, pero kasalanan ko assuming din kasi ako masiyado, pag nagpapasaya ako agad? Hay ewan basta nawala ako sa mood nung nabasa ko na ang tawag niya sa 'kin ay "Best friend". Hindi ako nakapag-reply agad sa kanya no'n kaya mayamaya ay nagtext ulit si Arwin:

        'Oy bakit hindi ka na nag-reply? Ayaw mo ba na tawagin kitang Best friend o ayaw mo na maging mag-best friend tayo?'

        Gusto ko sanang reply-an ng oo ang mokong pero iba ang ni-reply ko:

        'Naku hindi ah, I mean okay lang na maging mag-best friend tayo, SLR may inayos lang kasi ako kaya natagalan bago makapag-reply sa'yo.'

        At nag-reply naman siya agad ulit:

        'Salamat Best friend, basta bukas 'wag ka mawawala, susunduin kita diyan sa inyo okay?'

        Ayaw ko na sanang mag-reply pa pero ayoko naman na isipin niya na masama ang loob ko o kung ano pa man:

        'Uhm, sige Best friend hihintayin na lang kita bukas dito sa bahay.'

        Tinamad na ko na maka-text siya pero gano'n talaga siguro kapag epic failed ang pag-a-assume mo, tsaka hindi ko lang din talaga matanggap na wala ng chance na maging kami kasi hanggang mag-best friend na lang kami pero ano bang magagawa ko? Wala.

        Mayamaya pa ay nag-text ulit si Arwin:

        'Pa'no Best friend mamaya na lang ulit, tutulungan ko lang si Mommy na maglinis ng bahay para handa na kami bukas.' ang paalam niya sa 'kin, hindi na ako nag-reply pa dahil super tinamad ako as in paranga na-drain ang energy ko, inilagay ang cellphone ko sa bandang ulunan ko at tumitig lang ako sa kisame.

        "Kaibigan lang pala, kaibigan lang pala..." ang kanta ko pero dahil hindi ko naman kabisado ang lyrics ay hindi ko na tinuloy, ilang buntong hininga din ang nagawa ko nang masipa ko sa paanan ko ang bulaklak sa paanan ko, dahilan para  malaglag ito.

        "Oo nga pala, pinapatapon niya 'to." ang sabi ko pagkakuha ko sa bulaklak, agad naman akong lumabas ng bahay at nagpunta sa likod bahay dala ang isang trowel, yung maliit na pala basta gano'n, gamit ang trowel ay naghukay ako, madali lang naman hukayin ang lupa malambot ito dahil sa basa pa at ng makahukay na ako ng sapat na lalim ay inilagay ko na do'n yung bulaklak kasama ng kwintas at agad ko ng tinabunan, pakiramdam ko naglilibing ako ng bahid ng krimen ng masamang kahapon, at ng matabunan ko na ay naglagay ako ng ilang paso para hindi ito mahukay o mabungkal ng pusa o anumang hayop.

        Pagkatapos ko na ilibing ang alaaka ng masamang kahapon nila Arwin at John ay pumasok na agad ako ng bahay, dumiretso ako sa kusina para maghugas ng kamay, mayamaya pa ay may narinig ako na tumatawag sa akin mula sa labas, kaya naman lumabas ako upang tignan kung sino, si John, binuksan ko ang gate agad.

        "Oh John ikaw pala, bakit ka naparito?" ang tanong ko sa kanya, pansin ko sa mukha niya ang guilt pero di ko na pinahalata 'yon.

        "Best alam kong kahit ikaw galit ka din sa 'kin at hindi ko alam kung paano pa ako magpapaliwanag, pero Best sana mapatawad mo 'ko." ang sabi niya na medyo maluhaluha.

        "Alam mo hindi ka naman talaga sa 'kin dapat humingi ng tawad eh, I was just disappointed sa ginawa mo pero hindi ako ang victim dito at mas lalong hindi ako ang nasaktan dito, si Arwin, Uhm mabuti pa ay pumasok na muna tayo sa loob." ang sabi ko

        "Hindi na Best, hindi din naman talaga ako magtatagal pa, nagpunta lang ako dito para mag-sorry sa'yo at para na din humingi ng isang pabor."ang sabi niya at iniabot niya sa 'kin ang isang puting sobre.

        "Ano ito?" ang tanong ko habang tinitgnan ang sobre.

        "Sulat 'yan Best para kay Arwin, ibigay mo sa kanya 'yan pag nagkita kayo, pakiusap Best, alam ko wala ako sa lugar para humingi ng pabor pero please Best ibigay mo kay Arwin iyang sulat. Sana Best dumating yung time na mapatawad niyo ko." ang sabi ni John at mabilis itong umalis, tatawagin ko pa sana siya pero para saan? Nahihirapan pa din ako na harapin siya dahil nga na-disappoint ako sa kanya, gusto ko naman sana siya pakinggan na magpaliwanag pero siya na itong nagkusa na 'wag magpaliwanag ayoko naman mampwersa ng tao hindi naman ako interrogator kaya naman pumasok na lang ako ulit sa bahay dala ang sulat niya para kay Arwin, he's still my best friend kaya naman gagawin ko yung pabor na hiningi niya sa 'kin.

  

Rain.BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon