Rain.Boys Chapter: 28.2

3.8K 160 12
                                    

        Nasa malayo pa lang kami ay tanaw ko na sila Mama at Papa na nakapayong at nakatayo sa labas ng gate namin, para akong batang takot sa multo na napakapit ng mahigpit sa damit ni Arwin.

        "Nandito na po siya." ang sabi ni Arwin ng makalapit kami kila Mama at Papa.

        "At saan ka naman nanggaling young man? Do you even know what you are doing? Look at yourself para kang basang sisiw." ang sabi ni Papa sa akin.

        "The hell I care kung mukang basang sisiw ako, wala akong pakialam Pa, ang akin lang Pa irespeto niyo ang relasyon namin ni Arwin, wag niyo na akong piliting gawin ang isang bagay na ayoko, wag niyo kaming paghiwalayin Pa." ang sabi ko na mangiyak ngiyak.

        "Son, wag ka nang mag-alala hindi na namin gagawin yon." ang sabi ni Mama.

        "Talaga Ma? Talaga hindi niyo na po gagawin yon? Does it mean ayos na ang lahat?" ang tanong ko na may pagdududa pa din sa sinabi ni Mama.

        "Oo, hindi na namin gagawin yon, or should we say na hindi na namin kailangan pang gawin yon dahil si Arwin na din mismo ang nagsabi sa amin na hihiwalayan ka na niya ngayon mismo." ang sabi ni Papa.

        "Anong sinasabi mo Pa, hindi gagawin ni Arwin yon, hindi ba Drop? Hindi totoo ang sinasabi nila, di ba hindi mo ko hihiwalayan, di ba hindi tayo maghihiwalay, hindi mo ako iiwan. Arwin sagutin mo ko!" ang sabi ko habang hawak ko si Arwin sa mga braso niya at tinitignan ko siya sa mata ngunit hindi ako matignan ni Arwin sa mga mata ko noong mga oras na yon.

        "Oo, Luke, totoo yon, patawadin mo ako Luke." ang sabi ni Arwin at pakiramdam ko gumuho ang mundo ko noong mga oras na yon, pakiramdam ko ay sinaksak ako ng patalikod ng taong pinagkakatiwalaan ko sa lahat, na binitawan ako ng taong inakala ko na hinding hindi ako bibitiwan.

        "Hindi totoo yan Arwin, you're lying right? Pinilit ka lang nila Mama at Papa na sabihin yan di ba? Pinilit ka lang nila di ba? Arwin please stop this kaya naman natin to di ba? Di ba sabi mo sa akin is I just need to trust you?" ang sabi ko na umiiyak na sa harap ni Arwin, desperado na marinig sa kanya na hindi totoo ang sinabi niya.

        "Hindi Luke totoo yon, please Luke, masmakakabuti to sa atin." ang sabi niya sa akin pero hindi pa rin niya ako tinitignan sa mata.

        "Sige sabihin mo sa akin kung bakit Arwin sabihin mo anong dahilan bakit ka makikipaghiwalay! Sabihin mo sa akin nang nakatinign sa mga mata ko." ang sabi ko.

        "Luke, maspipiliin ko na magkahiwalay tayo kesa ang isama ka nila sa Canada, that's why nakipagkasundo ako sa parents mo na if hiwalayan kita hindi ka na nila isasama pabalik sa Canada with them." ang sabi niya sa akin at isang sampal ang ibinigay ko sa kanya.

        "Ayon ang dahilan mo Arwin? Ayon ang dahilan mo? Arwin nakakagago naman yang dahilan mo, dapat hinayaan mo na lang ako bitbitin nila ako sa Canada cos living without you is just the same of living away from you." ang sabi ko. "Arwin kaya naman to eh, please just don't give up on us like this." ang dagdag ko na pagmamakaawa, hoping na babawiin niya ang desisyon niya.

        "I'm so sorry Luke, but I think this is the best for us, at tsaka ayoko na masaktan ka pa Luke mahal na mahal kita." ang sabi niya at sinampal ko ulit siya.

        "No Arwin this is not the best, this is the worst, ayaw mo ako masaktan eh ano tong ginagawa mo ngayon sa akin? Mahal na mahal mo ako? No Arwin mahal mo lang ang sarili mo, duwag ka Arwin handa akong kalabanin ang parents ko for you pero ikaw, ikaw na inaasahan ko lalaban sa tabi ko ang siya pang mang-iiwan sa akin, you are selfish, you're a coward, sinungaling ka, manloloko ka, I hate you! I HATE YOU ARWIN!" ang sabi ko at tumalikod ako, hinawakan ako ni Arwin sa braso ko pero hinila ko ito para makawala at sinampal ko ulit siya.

        "Drip please understand me." ang sabi niya.

        "Stop calling me Drip, hindi na tayo... At kahit kaylan hinding hindi ko mauunawaan ang kagaguhang ito." ang sabi ko at mabilis akong tumakbo papasok ng bahay nadidinig ko pa si Arwin na tinatawag ako pero hindi na ako huminto pa para lumingon o pakinggan pa siya. I was betrayed, pakiramdam ko mag-isa lang ako, wala akong kakampi dahil yung mismong kakampi ko iniwan ako sa ere at angsakit ng pagbagsak ko.

        Pagdating ko sa kwarto ay literal na ngumawa ako sa pag-iyak, napakahirap para sa akin na tanggapin ang sakit at ang pagkabigla sa mga nangyari bakit ako nagawang saktan ni Arwin ng ganito in away that I least expect it, hindi nga siya nagloko pero iniwan niya ako, hindi niya ako ipinaglaban sa parents ko.

        I throwed everything na mahawakan ko, cellphone, lampshade, pillows, and even Arluke, I cried so hard, pakiramdam ko gusto ko nang maglaho na lang that night. Pumasok ako sa banyo at pansamantalang tumingin sa salamin at ilang sandali ay sinuntok ko ang salamin ng buong lakas at isang malakas na crashing sound ang madidinig. Dumudugo ang kamao ko, oo maraming dugo ang lumalabas mula rito pero wala akong sakit na maramdaman dahil masmasakit pa din ang nararamdaman ko sa dibdib ko, umiyak ako ng umiyak ulit, napaupo ako sa floor ng banyo hanggang sa makita ko na lang sila Mama at Papa na nakatayo na sa pinto ng banyo, siguro narinig nila ang tunog na nilikha ng nabasag ng salamin kaya nagmadali sila na pasukin ako.

        "Jusko po Luke, my son anong ginawa mo? Luke are you really insane?" ang sabi ni Mama ng makita niya ako sa ganong kalagayan, wala paring hinto sa pagdurugo ang kamao ko nanlalabo na din ang paningin halos di ko na nga maaninag ang mukha ni Mama hanggang sa mawalan na ako ng malay.

        Nang magising ako ay nakahiga na ako sa hospital bed, naramdaman ko bigla ang sakit sa kamay ko.

        "I'm glad you're awake my son." ang sabi ni Mama na nakaupo sa tabi ko.

        "Muntik mo na kaming patayin sa pag-aalala. Are you still thinking Luke?" ang sabi naman ni Papa, pero hindi ako nagsasalita ni hindi ko din sila tinitignan.

        "Maraming dugo ang nawala sayo kaya ka nawalan ng malay, naalis na din namin yung mga bubog na nasa kamay mo, ano ba ang nangyari ijo?" ang sabi ng doctor.

        "Bakit kamag-anak ba kita para ikwento ko sayo? Pulis ka ba para ipagbigay alam ko ang nangyari? Reporter ka ba na kumukuha ng scoop?" ang sabi ko na pabalang.

        "Luke! He's the doctor have some respect." ang sabi ni Mama.

        "Ah that's okay Ma'am I think my problem ang anak niyo at naintindihan ko po yon lahat ng kabataan ay dumadaan sa ganyan, Luke, I just want to inform you na hindi mo magagamit ang kamay mo for at least two to three weeks dahil sa pinsala na natamo nito at makakaramdam ka din ng sakit but just take some med and it will soon be okay." ang sabi ng doctor.

        "Natural may sugat at benda na nga di ba? Sa tingin niyo tanga po ako for me not to know that." ang sabi ko at bumangon ako mula sa pagkakahiga ko.

        "Luke, you still need to take a rest." ang sabi ni Mama.

        "Uuwi na ako." ang sabi ko.

        "No you will stay here." ang sabi ni Papa.

        "No, I will go home now, pati ba naman sa pag-uwi ko papakialaman niyo pa ang buhay ko? At tsaka di ba natapos niyo na ang dahilan ng pagpunta niyo rito so I expect na aalis na din kayo." ang sabi ko.

        "Tama na yan Luke sumosobra ka na ata." ang sabi ni Mama.

        "Kayo ang sumosobra na, pagkatapos niyo maghiwalay at bumuo ng sarisarili niyong pamilya, pupunta kayo dito at sisirain niyo ang buhay na meron ako, anong klaseng magulang kayo." ang sabi ko at natahimik sila, wala akong pakialam kung madinig man ng ibang tao yon dahil ayon naman ang totoo, matapang akong naglakad palabas ng kwarto at iniwan ko sila.

        Paglabas ko ng hospital at nagsimula ako maglakad pauwi, at muling bumalik sa akin ang mga nangyari at muling umagos ang luha sa mga mata ko.

        "Ang tanga mo kasi Luke bakit kasi umasa ka na ipaglalaban ka ni Arwin, ayan tuloy luhaan ka, in the end ikaw ang talunan." ang sabi ko na umiiyak at patuloy sa paglalakad.

        That night was a nightmare, a tragic tale of my life, isang gabi na sumira sa lahat ng fairy tale moment na binuo namin ni Arwin, mga moments na hindi ko alam kung totoo pa ba talaga dahil sa ang fairy tale ay iba sa reality, but if this is a nightmare sana magising na ako at sana pag gising ko ay si Arwin ang nasa tabi ko. 

Rain.BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon