Saturday na, oh my, oh my mamayang gabi acquaintance party na namin. Excited na ko para mamaya, excited na akong isuot ang specially adjusted blue coat ko na bigay sa akin ni Arwin at excited na din ako na makita siyang suot ang coat na binili ko sa kanya. Oo nga pala, speaking of Arwin, paggising ko wala na ang mokong sa tabi ko, oh bago umandar yang imagination niyo na mas berde pa virgin forest walang nangyari kagabi natulog lang kami, birhen na birhen pa ako., ha-ha.
Bumangon na ako mula sa higaan ko noon, at binuksan ang closet ko para kunin ang coat ko na naka-hanger doon, wala talagang mapagsidlan ang tuwa ko, ang mata ko kumikislap pa din hanggang ngayon.
"Tonight will be a wonderful night, tonight will be me and Drop's night." ang sabi ko sa sarili ko habang parang baliw na nangingiti mag-isa.
Mayamaya pa ay tumunog ang cellphone ko, agad kong kinuha ito mula sa ilalim ng unan ko.
"Hello?" ang bungad ko.
"Oy girl, ano balak mo ngayong umaga? Hindi ka ba magpapa-make over?" ang sabi ni Francis.
"Anong make over? lakas makababae ah, tsaka ang aga pa." ang sabi ko naman.
"Girl, ano ka ba hindi lang babae ang dapat nagme-make over ka, sayang ang outfit mo mamaya kung di ka mag-aayos ng babagay sa susuot mo." ang sabi ni Francis.
"Oo na sige na, san ba kayo magpapaayos?" ang tanong ko sa kanya.
"Alam mo girl, napag-usapan naming tatlo ng mga sisters kong diyosas na kami ang mag-aayos sayo, we were like your fairy goddiyosas, kinausap na namin si Arwin na wag ka na din niya sunduin dahil magsasabaysabay na tayo para din surpresa ang looks mo mamaya." ang sabini Francis.
"Wow planadong planado ah." ang tangi kong nasabi.
"Naman so humanda ka na after lunch mag-a-appear na kami diyan, before 6PM dapat maka-push na din tayo sa party, and bago ko ma-forgotten memories, nag-volunteer si Chini na siya na ang bahala sa ride natin, kinausap na daw niya ang daddy niya to sundo us diyan sa inyo at to hatid naman sa venue ng party." ang dagdag na sabi ni Francis.
"Wow ahh kayo na talaga." ang sabi ko.
"Oh pano girl, see yah leytah! buhbye!" ang sabi ni Francis at ibinaba na niya ang tawag.
Mas lalo ako na-excite sa magaganap mamaya na acquaintance party namin, hinanap ko yung invitation sa bag ko to check kung saan ang venue, the invitation says Patio Florencia, hindi ko alam kung saan pero mukang maganda naman yung venue kung pagbabasehan ang pangalan nito.
I spend my whole morning sa paggawa ng magiging merienda namin mamaya nila Francis pagdating nila dito inform ko lang kayo ulit no cook na merienda lang ito okay? After ko mag-prepare ng pagkain ay naglinis na din ako ng bahay medyo ilang araw ko na din hindi naasikaso kasi ang paglilinis.
Magtatanghali na pala, kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko pero wala man lang text ang mokong dati naman nagtetext to eh, pero naisip ko baka naman busy din sa paghahanda para mamaya kaya I decided not to disturb him, I just simply texted him to take his lunch, pero nakakainis kahit isang ok, sige, thank you, ikaw din o kahit blank message wala, oo nga ayoko siya istorbohin pero nakakainis naman na short reply lang eh wala pa din.
Nahiga ako sa sofa at tinitigan ang cellphone ko, waiting and hoping for his reply, pero wala talaga, hanggang sa makatulog na ako sa paghihintay sa text niya. Mga 2:30PM na ako nagising, nagising ako ng madinig ko na may sumisigaw ng pangaln ko mula sa gate namin, the voice is quite familiar kaya bumangon ako agad sa pagkakahiga at nagmamdali akong lumabas.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~RAIN.BOYS~ "Ewan ko ba kay John sa dinamidami ng pwedeng isama at gawing bestfriend, ikaw na walang kadatingdating pa ang pinili." sabi ni Arwin ng paganti at siyempre gumanti din ako. "Ewan ko ba sa bestfriend ko sa dami ng pwedeng...