Nang makarating kami sa bahay ko ni Arwin ay agad na akong nagbihis ng uniform ko, hindi na ako masiyado nagtagal dahil hindi naman ganon ka-time consuming ang pagsusuot ng uniform. Pagkabihis na pagkabihis ko ay bumaba na ako at umalis na kami ng bahay ni Arwin at nagtungo sa terminal ng jeep.
Pagdating sa terminal ng jeep ay agad kaming sumakay sa harap, natawa kami bigla ni Arwin dahil napansin namin na laging si manong driver ang nasasakyan namin pagpapasok kami.
"Uy nandito na pala ang mga suki ko." ang sabi ni manong na kilala na kami, at natawa lang kami ni Arwin sa sinabi ni manong.
"Talagang nireserba ko na yung upuan na yan para sa inyo nakakatuwa kasing kayong dalawa." ang sabi ni manong driver, wow lakas maka-VIP ng sinabi ni manong ah.
"Naku salamat po kuya kung ganon." ang sabi ni Arwin, wow ang bait natin ah.
"Wala yon, lagi ko kasi kayong nakukwento sa anak ko na katulad niyo din, pagnakikita ko kayo mas nauunawaan ko ang anak ko at masnaiintindihan ko, tsaka mas napagtanto ko na walang masama sa pagiging iba sa pangkaraniwan." ang sabi ni manong driver.
"Ay talaga po? Naku masaya po kami na malaman yan." ang sabi ko naman na nakangiti ng madinig kay manong ang sinabi niya, tama naman talaga siya eh, walang masama na maging iba tayo sa pangkaraniwang nakikita ng mata ng ibang tao ang mahalaga ay wala tayong ginagawang masama, wala tayong inaagrabyado, at higit sa lahat sanay tayo rumespeto at umunawa.
"Oo mga ijo, tuwing umuuwi na nga ako ay lagi na akong tinatanong ng anak ko kung naging pasahero ko kayo." ang dagdag na sabi ni manong, infairness chikadora din itong si manong daming kwento.
Nang mapuno na ang jeep ay pinaandar na agad ito ni manong, sa biyahe walang humpay pa din sa pagkukwento si manong driver, super close na nga kaming tatlo eh lalo na sila ni Arwin lalo na nung napunta ang usapan sa basketball jusme na-out of place ako sa kanila hindi kasi ako nakarelate as in wala akong kaideideya sa pinag-uusapan nila daig ko pa nakikinig sa dalawang alien sa sobrang di ako maka-relate pero ayos lang ang mahalaga may bago kaming ka-close tiyak super discount na kami sa pamasahe ha-ha joke lang, pero totoo yun nung nagbabayad na kami ayaw na kunin ni manong pero nagpumilit lang kami dahil hanap buhay niya yon eh kaya wala nagawa si manong kundi tanggapin yung bayad namin, eh si Arwin na sangkatutak ang kakulitan sa katawan ang nakakulitan niya eh talagang susuko siya.
Nang makarating na kami sa university ay agad akong inihatid ni Arwin sa room ko, at tulad ng nakagawian goodbye kiss muna bago niya ako iwan at pumunta naman siya sa room ng magiging klase niya sa araw na yon.
Pumasok agad ako sa room at kumpleto na agad ang barkada at nakapaikot ang ayos ng upuan nila na para bang may general meeting.
"Uy girl!" ang sigaw ni Francis agad ng makita ako.
Agad akong lumapit sa kanila at binati ko sila ng good morning at binati din nila ako. Naupo ako sa bakanteng upuan sa pagitan nila Russel at Chini.
"Ano meron bakit parang may meeting?" ang tanong ko ng makaupo na ako.
"Pinag-uusapan kasi namin ang plano namin." ang sagot ni Russel.
"Plano? Anong plano? Plano para saan?" ang tanong ko.
"Plano para malaman kung sino ang mga suspect sa muntikan mo ng pagkakatsugi girl." ang sagot ni Francis.
"Ano pati ba naman kayo? Si Drop din nagbabalak huntingin yung mga gumawa sa akin non. Wag na guys okay na naman ako eh, mabuti pa tulungan niyo na lang ako na mapigilan si Drop sa plano niya na hanapin yung gumawa sa akin non." ang sabi ko.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~RAIN.BOYS~ "Ewan ko ba kay John sa dinamidami ng pwedeng isama at gawing bestfriend, ikaw na walang kadatingdating pa ang pinili." sabi ni Arwin ng paganti at siyempre gumanti din ako. "Ewan ko ba sa bestfriend ko sa dami ng pwedeng...