Nang makapasok na kami sa loob ay naupo kami sa sofa sa salas at agad tinignan muli ni Arwin ang galos sa palad ko na nakuha ko sa nagyaring kumprontasyon, bakas sa muka niya ang pag-aalala ganun din ang inis dahil sa nangyari, at hindi ko makuhang mag-alala din sa kanya, dahil gusto ko malaman kung ano ang tumatakbo sa isip niya.
"Okay lang ako wag ka mag-alala Drop." ang sabi ko at ngumiti ako sa kanya.
"Anong okay? May okay bang ganyan? Nasaan ba dito ang first aid cabinet mo para malinis at magamot na natin yan." ang sabi niya.
"Ano ka ba okay nga lang ako Drop, sige ako na ang kukuha." ang sabi ko.
"Wag ng makulit Drip, ako na ang kukuha maupo ka na diyan, nasaan ba?" ang sabi niya na seryoso. "I'm sorry Drip, nag-worry lang ako syo nag makita kita na sinasaktan ni John ng dahil sa akin." ang sabi niya at napayuko si Arwin.
"Ano ka ba Drop sabi ko naman sayo di ba na ayos lang ako, sige na sa may banyo doon sa kusina may cabinet na kulay puti nandoon yung first aid kit." ang sabi ko, napabuntong hininga si Arwin at ngumiti siya sa akin at tumayo upang kunin ang first aid kit. Ngayon alam ko na ang tumatakbo sa isip niya, malamang inaako pa din niya na kasalanan niya kung bakit ako nagawang saktan at pagsalitaan ng masama ni John at hindi ko maiwasan na mag-alala na baka dahil sa pag-iisip niya ng ganon ay maisipan niya na lumayo na lang sa akin para lang hindi ako masaktan which is hindi ko kakayanin at hindi ko papayagan na mangyari.
Ilang sandali pa ay bumalik na si Arwin daladala ang first aid kit, naupo siya muli sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko na nagalusan, kumuha siya ng bulak at alcohol, binasa niya ang bulak gamit ang alcohol at marahang ipinunas sa palad ko upang linisin ang sugat.
"Tiisin mo lang Drip ah, medyo mahapdi ito." ang sabi niya na animo'y nurse na nag-aalaga ng bata, naramdaman ko yung hapdi pero mas nangibabaw sa akin ang pag-aalala kay Arwin, sa tumatakbo sa isip niya.
"Drop, please wag ka na malungkot, ramdam ko na you are blaming yourself dahil sa nangyari sakin." ang sabi ko, at napahinto siya sandali sa pagpupunas sa kamay ko.
"Pero kasalanan ko naman talaga, ako ang dahilan bakit ka sinugod ni John, dahil don tignan mo nagkasugat ka, nasampal ka, at ang worst matalik kayong magkaibigan pero nagkasira kayo dahil sa akin." ang sabi niya at tahimik siyang nagpatuloy sa paglilinis sa galos ko.
"Drop, hindi mo kasalanan yun, wala kang kasalanan, nasa maling pangangatwiran si John, sabi mo nga di ba mag asawa na tayo so it's our burden kung burden man na matatawag yon pero I think hindi kasi from the very first wala tayong masama na ginawa sa kanya, yung pagkakaibigan namin hindi pa man din nagiging tayo matagal ng sira dahil sa kasinungalingan niya na itinago, Drop wag mong hayaan na dahil sa nangyaring ito maguluhan ka, ayoko na ng dahil dito ay mawala ka." ang sabi ko then bigla na lang pumatak ang luha ko dahil sa ideya at takot ko na baka nga maging dahilan ang nangyari sa agad na pagkatapos ng relationship namin i Arwin.
"Tahan na Drip, I'm sorry kung pinag worry kita, promise di ko na sisisihin ang sarili ko so please tahan na, tama ka I must not be shaken by this, at tsaka hindi mangyayari na magkahiwalay tayo, remember we promise na walang iwanan at walang bawian ng pangako, kaya tahan na ok?" ang sabi niya at niyakap ko si Arwin alam ko para sa iba siguro over lang ako maka-react but I think if you really love a person kahit gaano pa kayo katagal o nag-uumpisa pa lang kayo yung takot o idea na you will lost that person mararamdaman at mararamdaman mo at ganun ang naramdaman ko.
"I love you Drip!" ang sabi sa akin ni Arwin.
"I love you too Drop!" ang sagot ko.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~RAIN.BOYS~ "Ewan ko ba kay John sa dinamidami ng pwedeng isama at gawing bestfriend, ikaw na walang kadatingdating pa ang pinili." sabi ni Arwin ng paganti at siyempre gumanti din ako. "Ewan ko ba sa bestfriend ko sa dami ng pwedeng...