Rain.Boys Chapter: 27.1

4.3K 176 2
                                    

        After the trip ng section namin sa paggawa ng homework namin na ipapasa kay Sir Leo buti na lang itong si Arwin ay tinulungan ako sa pagre-research ng mga informations and details tungkol sa mga napili kong artworks, the whole long weekend ay ang paggawa ng homework na yon ang inatupag namin ni Arwin, sa bahay na din siya nag-stay, pero siyempre di pa din kami nawawalan ng time to rest and stretch out super sipag namin masiyado non ha-ha.

        It was July 28, Sunday tanghali na non ng matapos kong humanap ng details and informations tungkol sa Sunflowers ni Vincent Van Gogh, isa yung two still life series painting pinili ko yon kasi tanda ko may anime ako na napanood na na-feature ang painting na to kung tama ang tanda ko Get Backers ata ang title nun, anyway ayon nga nahanap ko na yung need ko na info thanks to wikipedia at google, si Arwin nahanap na din yung details and information tungkol sa painting din ni Van Gogh na The Starry Night at natuklasan namin na ang kantang Vincent by Don McLean ay inspired by this painting at ang life and death ni Vincent Van Gogh, oh di ba somehow natuto kami parehas ni Arwin sa pinagawa ni Sir na to.

        "Pahinga muna tayo, nagugutom na din ako." ang sabi ko nang makaramdam ng pagkagutom.

        "Sige Drip, teka magluluto lang ako, kaya mo pa ba tiisin ang gutom mo?" ang tanong sa akin ni Arwin at inilagay niya muna sa table ang laptop na kanina ay nakapatong sa cushion na nasa lap niya.

        "Medyo kaya pa naman, ha-ha." ang sabi ko.

        "Naku ikaw talaga napakagutumin pag nagkakrisis tiyak ikaw unang madededbol, ha-ha." ang sabing pabiro ni Arwin, "tara na nga sa kusina, gawa muna ako ng pwede mo makain habang nagluluto ako." ang dagdag nito at sabay na nga kaming pumunta ng kusina.

        Bago magluto si Arwin ay ginawan niya ako ng sandwich na pwede ko lapangin pansamantala, oo pansamantala para lang di magwala mga alaga ko sa tiyan, pero siyempre tumulong pa din ako sa pagluluto kahit taga abot lang ng gamit ayoko naman na pinapanood lang si Arwin tapos kumakain pa ko hindi naman ganon kakapal ang mukha ko.

        "Tara dito Drip." ang tawag sa akin ni Arwin, at lumapit naman ako sa kanya.

        "Bakit Drop?" ang sabi ko at naamoy ko na ang mabangong amoy ng niluluto ni Arwin sa paglapit ko.

        "Tuturuan kita magluto, para naman hindi lang instant food kinakain mo pag di ako nakakapunta dito." ang sabi niya.

        At ayon nga tinuruan niya kung paano magluto, ang niluluto pala namin non ay chicken afritada di ba unang beses ko pa lang tuturuan mahirap na agad tinuro sa akin ng mokong.

        "Paano kaya ako makakakilos kung nakayakap ka sa akin." ang sabi ko dahil ako na nga ang pinakikilos niya at siya ang taga utos ng dapat gawin.

        "Ha-ha ayos lang yan para maipasa ko sayo ang galing ko sa pagluluto ng mabilis tsaka para mailag agad kita kung sakaling may mangyari na di inaasahan sa pagluluto mo." ang sabi niya.

        "Naku chansing ka lang eh." ang sabi kong pabiro.

        Masaya akong natututo nang mga bagong bagay lalo na ang pagluluto lalo't si Arwin ang nagtuturo sa akin kaya naman nung maluto na yung niluto namin super saya ko dahil ang result kasing sarap ng luto ni Arwin, medyo maalat lang ng kaunti napadami kasi yung lagay ko ng asin pero sabi ni Arwin ayos na at pwede na kainin ng tao.

        After namin kumain at malinis ang mga ginamit namin ay bumalik na kami sa paggawa ng homework ko, saktong alas-dos na nang matapos kami, dahil siseta time din noon ay naglatad kami ng mahihigaan sa sala at doon kami magkatabing natulog ng magkayakap upang magpahinga na din, no more worrie s for tomorrow, makakapagpasa ako ng homework ko ng masmaaga salamat kay sa malaking tulong ni Arwin.

        Madilim na ng magising kami, niligpit namin ang nilatag naming kutson at agad kaming nagmumog at hilamos pagkatapos. Nagluto si Arwin ng pagkain ko for dinner at pagkatapos ay nagpaalam na siyang aalis na para umuwi kaya naman hinatid ko na siya sa labas ng bahay.

        "Ayaw mo ba talagang kumain na muna dito bago umalis? Tsaka para naman may kasabay ako kumain." ang sabi ko habang binubuksan ang gate.

        "Hindi na Drip sa bahay na ako kakain para naman may kasabay din si mommy tsaka sapat lang sayo yung niluto ko kaya ubusin mo yon pag nalaman ko na hindi mo inubos ang niluto ko sayo papakain ko sayo pati yung kaldero, ha-ha." ang pabirong sabi ni Arwin.

        "Sira sayo ko pa pakain yung kaldero eh, tsaka sure naman na mauubos yon." ang sabi ko.

        "So paano uwi na muna ako kita na lang tayo ulit bukas? Don't worry tatawag ako mamaya para di mo ako ma-miss." ang sabi niya at tumango ako, hinalikan namin ang isa't isa at lumabas na siya ng gate.

        "Mag-ingat ka sa pag-uwi ah at mag-text ka pag nakauwi ka na." ang sabi ko.

        "Opo, sige na isara mo na yung gate at pumasok ka na." ang sabi niya at agad ko nga isinara ang gate tulad ng sabi niya, ngumiti pa siya sa akin bago tuluyang umalis at nang makaalis na siya ay agad na akong pumasok sa loob ng bahay.

        I printed out yung homework ko na pinaghirapan namin then tsaka ko ito inilagay sa isang blue na fortfolio type na folder. Pagkatapos na maayos ang homework ko ay nagpunta na ako sa kusina para magdinner, talaga naman pong simot sarap ang dinner ko, adobo sa gata kasi ang ulam ko tapos medyo maanghang siya kaya naman mas napadami ang kain ko.

        Saktong pagkatapos ko kumain ay tumawag na si Arwin sa akin.

        "Hello?" ang bungad kong sagot, habang inilalagay ko ang earphones sa tenga ko.

        "Hello Drip, kumain ka na ba?" ang tanong niya.

        "Yup grabe ang sarap ng adobo sa gata na niluto mo at tulad ng sabi ko sayo naubos ko talaga siya." ang sagot ko, "Eh ikaw nakauwi at nakakain ka na ba?" ang dagdag kong tanong.

        "Sa takaw mong yan di na ko nagtataka ha-ha pero masaya ako na madinig na naubos mo dapat pala dinamihan ko yung sili ha-ha." ang birong sabi niya, "Yup nakauwi na ko at yup ulit nakapag-dinner na kami ni mommy, dapat nga daw sinama kita eh sabi ko napagluto na naman kita." ang dagdag ni Arwin.

        "Sabihin mo kay mommy na salamat sa pag-aalala." ang sabi ko at nadinig ko na sinigaw ng mokong ang pinapasabi ko, adik talaga ang mokong pwede naman sigurong lumapit kay mommy Lucy.

        "Ayan nasabi ko na." ang sabi ni Arwin.

        "Oo nadinig ko nga adik ka, kailangan talagang isigaw eh no." ang sabi ko naman.

        "He-he nasa taas kasi si mommy nasa kwarto niya." ang sabi naman ni Arwin.

        Simula sa paghuhugas ko ng pinagkainan ko, hanggang sa panggabing mga rituals ko, hanggang sa makahiga na ako ay magkausap kami Arwin, oh di ba parang hindi kami magkasama ng tatlong araw.

        "Salamat pala ulit sa tulong mo Drop, nakalimutan ko na magpasalamat sayo kanina, siguro kung hindi mo ko tinulungan hindi ako makakatapos." ang sabi ko habang nakahiga at yakap yakap si Arluke.

        "Naku wala yun Drip ikaw talaga, nag-enjoy naman ako at madami akong natutunan sa pinapagawa sa inyo at higit sa lahat nagkaroon pa tayo ng quality time together." ang sabi ni Arwin.

        "I love you Drop!" ang sabi ko.

        "I love you too Drip!" ang sagot niya.

        Papungaypungay na ang mata ko non dahil medyo nakaramdam na ako ng antok, hanggang sa kumanta si Arwin ng "These Are The Moments" ni Edwin McCain, pinilit ko na matapos ang pagkanta niya pero tahimik na ako non, ang tanging tanda ko ay after nun ay nagsabi si Arwin sa akin ng I love you at nag good night siya then sumagot ako at tuluyan na akong nakatulog.

        

Rain.BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon