Kinabukasan dumiretso agad ako sa gym for the rehearsal namin pero masiyado ako ata napaaga kaya ako pa lang ang tao doon kahit nga yung mga umaasikaso sa pageant wala pa, good luck talaga sa kanila pero sure naman magiging successful tong pageant na to di ko lang alam kung magagawa nila ng engrande like Ms. Universe and etc.
"Clap, clap, clap." ang sabi ng familiar na boses na nagmula sa entrance ng gym, tinignan ko ang nagsalita mula sa kinauupuan kong bench, ang impaktong si John pala, infairness na-miss ko ang impakto dahil matagal din siyang nawala sa eksena ng buhay ko.
"Bakit ka nandito? Kasali ka din ba?" ang tanong ko.
"Wala lang, hindi ako kasali dito, nandito lang ako para makita ang talunan na kagaya mo na nag-aambisyon pa na sumali sa mga pageant pero infairness magkaka-award ka sa ginagawa mo na yan, Most Punctual." ang sabi ni John.
"Tapos ka na ba? Oh pwede ka na mag-umpisa linisin ang buong gym na gagamitin namin sa rehearsal." ang sabi ko at halatang nainis siya sa sinabi ko na yon.
"Alam mo na ngang wala kang ibubuga sumali ka pa, ano pa ba ang pinagmamalaki mo si Arwin? Ang balita ko inilaglag ka niya di ba, masakit ba?" ang sabi ni John.
"Alam mo baka ikaw ang walang ibubuga dahil kung meron eh di sana sumali ka dito, duwag ka kasi tama ba ko? At pwede if you are still dying to get Arwin wag ka na umasa dahil hindi na darating pa ang araw na yon, you're a loser and you will always be a loser." ang sabi ko at susgudin na ako ni John ng hindi na siya nakapagpigil pero may pumigil sa kanya at napahinto siya.
Oh my goldfish, andito na ang lintang bitch witch is this a double trouble for me, my goldfish tantanan niyo na ko hindi na kami ni Arwin.
"At ano yang sa tingin mong gagawin mo?" ang tanong ni Eunice kay John na hawak niya pa din sa balikat nito.
"And bakit mo ako pinipigilan? I thought you hate Luke right?" ang sabi ni John.
"Siguro pero pwede ding hindi. Hindi ka naman napapabilang sa rehearsal na to hindi ba? So please leave this place now." ang sabi ni Eunice na medyo may pagkamataray, totoo ba to pinagtatanggol ako ng lintang to kay John? Baka pampalubag loob na lang sa akin kasi nagkakamabutihan na sila ni Arwin, but whatever thank you na lang sa pagtulong.
"Sabagay karibal din nga pala kita kay Arwin." ang sabi ni John.
"Pwede ba umalis ka na dito." ang sabi pa ni Eunice, at di na nga nagsalita si John at umalis siya ng gym na walang nagawa, poor John.
"Okay ka lang ba Luke?" ang tanong ni Eunice sa akin nang makalapit na siya sa akin.
"I'm okay, kaya ko naman siya kahit di mo pa ko tulungan but anyway thanks for the help." ang sabi ko.
"No, wala yon, kung tutuusin kulang pa yon para makabawi sa ginawa ko sayo before." ang sabi ni Eunice na nakaupo na sa tabi ko.
"What do you mean?" ang tanong ko.
"I just realize na sobrang mali ang ginawa ko against you, mali yung ginawa ko na ipatapon ka sa pool na muntik mo na ikamatay but I swear hindi ko sadya yon, I just realize na hindi din kita dapat pinakitaan ng masama kasi you're a good person." ang sabi ni Eunice.
"Ang drama mo ah, sa akin wala na yon, I think everyone deserves a second chance, I also think that everyone deserve to be forgiven." ang sabi ko.
"So we are good na?" ang tanong ni Eunice sa akin.
"Yup. We are good na, basta ang hiling ko lang ay happiness sa inyo ni Arwin." ang sabi ko at napatigil si Eunice.
"We-we-wait, anong happiness samin ni Arwin?" ang tanong niya.
"Hindi ba nagkakamabutihan na kayo ni Arwin?" ang sagot kong patanong sa kanya.
"Hala issue yan Luke ah, we're just good friends lang talaga at hindi na mangyayari pa na humigit doon dahil nilinaw na sa akin ni Arwin yon." ang sabi ni Eunice.
"Nilinaw? Paano? Bakit?" ang tanong ko pero bago pa masagot ni Eunice ito ay nagsidatingan na ang mga kasama namin including Arwin and Sarah, dumating na din kasabay nila yung mga nag-aasikaso ng pageant kaya naman nawalan na ng pagkakataon na sagutin ni Eunice ito.
Nagsimula kami sa isang warm-up exercise hanggang sa magpatuloy na sa pagre-rehearse grand entrance na gagawin namin, na-enjoy ko na ang ginagawa namin kaya nawala na din sa isip ko yung tanong ko kay Eunice pero isang tanong ang pumasok sa isip ko, kung hindi sila ni Eunice does it mean hinihintay pa din ako ni Arwin, na mahal pa din niya ako? Hindi ko maiwasang mangiti pero nawala din yon ng maalala ko na I am taken already kaya I must not think such thing dahil kahit isip lang yon hindi pa din ako nagiging tapat kay Russel kaya tama na yang Arwin thoughts na yan di na healthy.
Dahil ang rehearsal today ay ginawang private kami kami lang ng mga kapwa candidates at mga organizers ang nasa loob ng gym sa mga oras na yon, actually hindi na nga pinapagamit ng university yung gym para lang samin. After maituro sa amin ang gagawin at mga steps sa gagawing grand entrance ay pinagpahinga muna kami, naupo kami ni Sarah sa bench malapit sa right corner ng stage.
"Tubig Luke oh." ang alok sa akin ni Sarah ng tumbler na may laman na tubig.
"Naku hindi na, pano ka naman, sige na sayo na yan." ang sabi ko naman sa kanya.
"Naku hindi no, hindi naman sa akin to, ibinilin lang sa akin na ibigay ko sayo." ang sabi ni Sarah.
"Ibinilin? Nino naman?" ang tanong ko.
"Ah wala, wala basta kunin mo na kasi." ang sabi ni Sarah.
"Kung ibinilin sayo yan di ko kukunin hanggang di mo sinasabi kung sino nagbilin mamaya lason yan eh di natigok ako." ang sabi ko.
"Ako nag bilin niyan kaya kunin mo na, sige na, peace offering ko yan, tsaka heto may dala akong makakain natin oh." ang sabi ni Eunice na bigla na lang sumulpot sa harap namin, well di ko lang talaga siya napansin na dumating.
Umupo si Eunice sa tabi ni Sarah, at binigyan niya kami ng sandwich. "Adobo sandwich yan masarap yan." ang sabi ni Eunice.
Noong narinig ko pa lang yung salitang adobo ay jusmiyo hindi ko na hinintay na pilitin pa ako ni Eunice na kainin ang sandwich na binigay niya sa akin at agad ko itong sinabakan. Sa unang kagat ko pa lang sa sandwich ay natahimik ako, ang lasa na ito sure ako siya ang nagluto nito, sigurado ako na si Arwin ay may gawa nito.
"Uhmm, Eunice sino nagluto nito?" ang tanong ko.
"Bakit mo natanong?" ang pabalik na tanong sa akin ni Eunice.
"Ah masarap kasi siya gusto ko magpaturo magluto." ang sabi ko.
"Ah yung, yung, ah si Mama gumawa niyan sarap di ba." ang sabi ni Eunice na halatang nagsisinungaling pero white lies lang naman, napansin ko si Arwin na naupo sa bench na malapit sa amin.
"Ah ganon ba, pakisabi sa Mama mo Eunice na masarap ang pagkakagawa niya ng sandwich at sobrang nagustuhan ko at pakisabi na salamat. Salamat din kamo sa tubig." ang sabi ko na medyo malakas para madinig ni Arwin na kunwari ay tahimik na kumakain pero nakita ko naman na napangiti siya.
Nang matapos ang breaktime namin ay nagpatuloy kami sa rehearsal, sa buong araw na magkasama kami ni Arwin hindi niya ako kinukulit, ni hindi na niya ako kinakausap, alam mo yung hinihintay mo siya na inisin ka niya pero hindi niya ginawa, even though iginawa ako ni Arwin ng makakain at pinagdala ng maiinom, pakiramdam ko umiiwas na sa akin si Arwin ng paunti-unti which makes me feel a bit sad na naman, ewan basta pag si Arwin ang bilis ko pa din maapektuhan talaga, mukang hindi pa talaga ako nakaka-move on or should I say ayokong mag-move on...

BINABASA MO ANG
Rain.Boys
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~RAIN.BOYS~ "Ewan ko ba kay John sa dinamidami ng pwedeng isama at gawing bestfriend, ikaw na walang kadatingdating pa ang pinili." sabi ni Arwin ng paganti at siyempre gumanti din ako. "Ewan ko ba sa bestfriend ko sa dami ng pwedeng...