Linggo, umaga pa lang ay binulabog na ako ng kapreng hilaw, nagdala daw siya ng almusal na luto ni mommy Lucy, naikwento daw niya kasi kay mommy Lucy na nanalo siya sa laban nila kahapon at dahil sa tuwa ay nagluto siya para sa amin.
"Oh bakit ayaw mo pa ilabas yung mga pagkain sa paper bag?" ang sabi ko habang inihahanda ko na yung kubyertos.
"Gusto ko ikaw na ang maglabas." ang sabi ni Arwin.
"Grabe ilalabas lang yung mga pagkain tinamad ka pa." ang sabi ko.
"Siyempre 'no, ikaw kaya ang magbasketball." ang sabi niya.
"Ayoko nga nakakapagod kaya, ikaw nga may patumbatumba epek ka pa kahapon." ang sabi ko.
"Oh kitams eh di alam mo na kung bakit ako tinatamad." ang sabi ng mokong.
"Oo na ako na maglalabas." ang sabi ko at kinuha ko ang paper bag, jusme bakit naka-stapler pa? Pinahihirapan talaga ako ng adik na 'to, hanggang sa makaamoy ao ng mabango mula sa paper bag.
Tinanggal ko isa isa yung stapler na nakakabit para mabuksan na yung paper bag, may kalakihan yung paper at may kabigatan dinang paper bag kaya halatang madamidami itong laman, madami ako malalamon este makakain.
"A-A-Arwin ano 'to? Akala ko ba..." ang sabi ko nang makita ko ang isang blue na teddybear at mga blue roses, inalis ko ang teddybear sa paper bag at napansin ko na may isang box na malaki don, inilapag ko sa upuan ang teddybear at inalabas ang kahon, binuksan ko ito, at voila! Naglaway ako at kumislap ang mga mata ko sa tuwa ng makita ko na strawberry and peach cake ang laman ng box.
"Ano nagustuhan mo ba?" ang nakangiting tanong ni Arwin.
"Oo naman, puro paborito ko 'to, pero Arwin anong meron?" ang tanong ko ng may pagtataka.
"Pumasok lang sa isip ko na hindi natin nai-celebrate ang first monthsary natin ng maayos dahil sa school responsibilities natin, at tutal nanalo din naman ako kahapon para sa last dance which is alam ko namang ako talaga ang mananalo, magde-date tayo ngayong araw, ang tagal na din since noong nag-date tayo." ang sabi nito.
"Anong matagal eh araw-araw tayo nagde-date pag nasa university tayo." ang sabi kong pabiro.
"Eh iba naman yun typical bonding natin yon eh." ang sabi niya, "gumayak ka na para maumpisahan na natin ang date natin today."
"Excited lang? Hindi ba muna natin kakainin tong cake?" ang sabi ko dahil gusto ko na talaga sabakan yung cake.
"Oo na sige kumain na muna tayo alam ko namang weakness mo basta paborito mo." ang sabi ni Arwin.
Super ganda ng umpisa ng linggo ko dahil sa ginawa ni Arwin na surpresa sa akin, naubos namin yung cake, oh sige aamin na ako, ako lang halos kumain nung cake kaunti lang binigay ko kay Arwin, buti nga binigyan ko pa siya eh, ha-ha.
"Teka Drop, saan pala tayo pupunta?" ang tanong ko.
"Basta, gumayak ka na lang ako na bahala sa pupuntahan natin." ang sabi ni Arwin na excited na din.
"Woo ayan ka na naman sa mga pakulo mo, pero sige hintayin mo ko gagayak lang ako." ang sabi ko sabay kuha sa teddybear at blue roses.
"Oh san mo dadalin yan?" ang tanong ni Arwin.
"Sa kwarto ko, ilalagay ko sa kama ko itong teddybear na si Arluke, at sa vase naman tong mga rosas para hindi agad malanta." ang sabi ko.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~RAIN.BOYS~ "Ewan ko ba kay John sa dinamidami ng pwedeng isama at gawing bestfriend, ikaw na walang kadatingdating pa ang pinili." sabi ni Arwin ng paganti at siyempre gumanti din ako. "Ewan ko ba sa bestfriend ko sa dami ng pwedeng...