Linggo na ng hapon ng makalabas ako sa hospital, sinundo kami ni mommy Lucy kasama sila Francis, yung van nila Chini ang naging sasakyan namin pauwi.
"Oh ijo, okay ka na ba?" ang tanong ng daddy ni Chini nang makasakay ako sa van.
"Opo, okay na po ako, maraming salamat po sa pag-aalala at pagsundo po ulit." ang sabi ko.
"Wala yun, bihira lang kasi magkaroon ng kaibigan iyang si Chini dahil puro pagkain ang inatupag kaya naman nung nalaman ko ang nangyari ay nagpresenta na ako na gawing service mo paglabas itong van." ang sabi ng daddy ni Chini.
"Naku salamat po talaga, mabait naman po kasi itong si Chini kaya wala pong dahilan para hindi po siya namin maging kaibigan." ang sabi ko.
"Oh kitams daddy sabi ko sa inyo mabait ako eh." ang sabi ni Chini sabay kagat sa hawak na hotdog sandwich, at natawa ang daddy niya.
"Salamat Chini ah." ang sabi ko kay Chini.
"Naku wala yun basta kayo, malakas kayo sa akin lalo ka na." ang sabi ni Chini.
Nang makasakay na ang lahat sa van ay agad na pinaandar ng daddy ni Chini ang van, at binagtas na namin ang daan pauwi.
"Oh Luke anak sa bahay ka na muna tumuloy ngayong gabi ah." ang sabi ni mommy Lucy.
"Ah ano po?" ang tanong ko na parang hindi naintindihan ang sinabi ni mommy Lucy.
"Sabi ko don ka na sa bahay tumuloy at don ka na matulog. Gusto ko kasi na maalagaan at mabantayan ka kahit ngayong gabi lang para makasiguro na okay ka na." ang sabi ni mommy Lucy.
"Naku nakakahiya naman po, okay na din naman po ako tsaka sobra sobrang abala na po ang nagawa ko sa inyong lahat." ang sabi ko.
"Wag ka ng tumanggi si mommy na nagsabi kaya no ifs no buts, no excuses." ang sabi ni Arwin.
"Pero..." ang sabi ko.
"Okay na mommy payag na tong duwendeng to." ang sabi ni Arwin sabay akbay sa akin.
"Ayieh ang bongga talaga ni girl." ang sabat ni Francis.
Wala na akong nagawa para magdahilan pa dahil napagkaisahan na nila ako, pero ang sarap sa pakiramdam na I got friends and a family, a family na kahit hindi ko man kadugo ay ramdam ko na mahalaga ako, I never thought that loving Arwin will give me so much things na dapat ko ipagpasalamat at hindi niya alam yun.
"Thank you." ang bulong ko sa kanya.
"Salamat para saan?" ang biglang tanong ni Arwin.
"Basta, salamat." ang sabi ko sabay ngiti.
"Naku ikaw talaga naaadik ka na naman." ang sabi niya.
Medyo magdidilim na ng makarating kami sa bahay nila Arwin.
"Oh dahan dahan lang sa pagbaba." ang sabi ni Arwin habang inaalalayan ako.
"Para kang adik, yung totoo Drop naoperahan ako o bagong tuli?" ang sabi kong pabiro at natawa sila.
"Naku ganyan talaga, kung ako din ang halos humagulgol na sa pag-iyak at takot ay naku talagang iingatan na kita." ang sabing pabiro ni mommy Lucy.
"Si mommy naman, hindi naman ako umiyak talaga eh." ang depensa ni Arwin at natawa kami.
"Oh eh di hinid na wag masiyado defensive." ang sabi ni mommy Lucy.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~RAIN.BOYS~ "Ewan ko ba kay John sa dinamidami ng pwedeng isama at gawing bestfriend, ikaw na walang kadatingdating pa ang pinili." sabi ni Arwin ng paganti at siyempre gumanti din ako. "Ewan ko ba sa bestfriend ko sa dami ng pwedeng...