Mabilis na lumipas ang mga araw, Huwebes na, ilang araw na lang acquaintance party na, naging busy ang unang tatlong araw ng linggo mukang pero ngayong papalapit na ang party night ay medyo gumaan na ang mga gawain namin.
"Girl may isusuot ka na ba para sa party sa Saturday?" ang tanong sa akin ni Francis.
"Wala pa nga eh hindi pa ko nakakahanap, pero mamaya after ng huling klase hahanap kami ni Drop. Gusto niyo sumama? Ayun eh kung wala pa kayong isusuot." ang sabi ko.
"Ay push girl, makahanap ng gown, charot." ang sabi ni Francis.
"Pero dapat kabog tayo nun sis para dun man lang medyo makabog ng mga diyosas ang kagandahan nitong si Luke." ang sabi ni Kris.
"Eh yung mask ano balak niyo?" ang tanong ni Clarence.
"Mas maganda kung gagawa na lang tayo para mas unique panigurado kasi karamihan sa dadalo don ay bibili lang kaya tiyak may makakamukha kayo." ang sabi ni Russel.
"I agree, ayon din kasi ang balak ko gawin, hahanap muna ako ng isusuot tsaka ako gagawa ng mask na ibabagay ko dun sa isusuot ko." ang dagdag ko.
"Ay bongga yan, pwede ba girl na samasama tayong gumawa ng mask? Para naman matulungan natin ang bawat isa if may nahihirapan." ang sabi ni Francis.
"Oo naman mas masaya nga yung ganun eh, if pwede kayo mamaya, sa bahay na lang kayo mag-sleep over, ako lang naman mag-isa don, tsaka di tayo pwede gumawa ng Friday kasi baka magmuka tayong zombie sa party dahil sa puyat."
"Ay bet ko yang mga sleep over over na yan sige girl pupush ako diyan, uwi ako sa bahay muna after class para makapagpaalam sa amang hari at inang reyna, at para makapagdala na ng damit pamasok bukas, then inform mo na lang ako kung nasaan kayo ni Arwin hahanap ng damit para susunod na lang ako." ang sabi ni Francis.
"Ako din ganun din," ang sabi ni Russel, at ganun din ang sinagot nila, Kris, Clarence, at Chini.
"Oh sige, it is settle then, hintayin na lang namin kayo mamaya." ang sabi ko na excited na para sa another bonding ng barkada.
Lumipas ang maghapon, at natapos na ang klase namin para sa araw na yon, siyempre si Arwin nasa labas na hinihintay ako. Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ay lumapit na ako sa kanya para sabihin ang nagpausapan namin kanina nila Francis na sleep over.
"Kasama yung asungot na si Russel?" ang tanong ni Arwin.
"Oo. Bakit? Wag mo sabihin na nagseselos ka na naman." ang sabi ko.
"Hindi ako nagseselos dun 'no, pwes sasama din ako, mag-sleep over din ako." ang sabi ni Arwin sabay ngisi.
"Hala ano ka gagawa kami ng mask kaya kami mag-sleep over." ang sabi ko.
"Eh di gagawa din ako ng mask." ang sabi ng mokong.
"Oo na kailan ba ko nanalo sa yung kapreng hilaw ka." ang sabi ko.
"Always ka kayang panalo, always kang panalo sa puso ko." ang sabi ni Arwin, nahampas ko siya sa kilig.
"Asus kinilig ang lolo mo, oh tara na girl sabay sabay na tayo lumabas ng university." ang sabi ni Francis bilang aya sa amin.
Sabay sabay nga kiming lumabas ng university, sa labas ng gate ay naghiwahiwalay na kami, kami ni Arwin para humanap na ng damit at sila para umuwi upang magpaalam at kumuha ng damit pamalit.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~RAIN.BOYS~ "Ewan ko ba kay John sa dinamidami ng pwedeng isama at gawing bestfriend, ikaw na walang kadatingdating pa ang pinili." sabi ni Arwin ng paganti at siyempre gumanti din ako. "Ewan ko ba sa bestfriend ko sa dami ng pwedeng...