Sinulit namin ni Arwin ang mga araw bago sumapit ang July 25, ang araw ng trip namin na dapat ay araw namin. Tuwing break time ay magkasama kaming kumakain na kaming dalawa lang muna, ipinagpaalam naman niya ako kila Francis para daw hindi sila magtampo sa akin kung hindi man ako sumasama sa kanila at naunawaan naman nila Francis yon alam nila na importanteng araw din kasi ang masasagasaan nung trip.
Miyerkules maagang natapos ang klase namin parehas ni Arwin dahil sa general meeting ng lahat ng faculties sa university, kaya naman mas maaga din akong sinundo ni Arwin.
"Oh paano mauna na kaming umalis." ang paalam ko kila Francis.
"Sige girl, ingat kayo sa date niyo ah." ang sabi ni Francis na kasalukuyan pang inaayos ang mga gamit niya.
Nang makalabas na ako ng room ay agad kami naghawak ng kamay ni Arwin ng kamay at nagsimula na maglakad, oo HHWWPSP kaming dalawa ni Arwin o for long holding hands while walking pasway-sway pa, naging komportable na kasi ako at nasanay na kahit maraming tao ay maging ganun kami, nahawa na ko sa katapangan ng apog ni Arwin haha, tsaka mukang normal o sanay na yung mga kapwa estudyante namin na makita kami kahit mga prof namin ganun din as long that we don't do something immoral o anumang makakasira sa imahe ng university o anumang labag sa rules nito ay wala silang pakialam dahil buhay at puso naman daw namin ito, oh di ba napaka understanding ng mga tao dito sa university namin well not all siyempre hindi naman mawawala yon.
"Oh saan mo gusto magpunta ngayon?" ang tanong sa akin ni Arwin habang papalabas na kami ng building ng College of Fine Arts.
"Uhmm kahit saan, as long na kasama kita okay na ko." ang sagot ko.
"Pwede ba yun?" ang sabi ni Arwin.
"Oo pwede yun no." ang sabi ko, "tsaka Miyerkules na ngayon bukas Huwebes na kaya gusto ko masulit ang araw na to kasama ka." ang dagdag kong sabi.
"Ikaw talaga Drip, magpupunta lang kayo sa exhibit hindi ka mangingibang bansa kung maka-emote ka naman diyan." ang sabi ni Arwin sabay gusot sa buhok ko.
"Eh kasi monthsary natin yun tapos di tayo magkasama." ang sabi ko naka-pout halatang nagpapa-cute at nagpapaawa kay Arwin.
"Ha-ha umayos ka nga naka katol ka na naman Drip." ang sabi nito, "mabuti pa kumain na lang tayo may alam ako na bagong bukas na kainan dito." ang dagdag na sabi ni Arwin.
Pumunta kami sa isang bagong bukas na Japanese restaurant, ang cute nga kasi talagang iisipin mo na sa Japan ka once na pumasok ka na sa restaurant na yon.
"Konnichiwa!" ang bati sa amin ng naka kimonong waitress.
"Ano daw?" ang tabong sa akin ni Arwin.
"Ha-ha, hello yun sa Japanese." ang sabi ko.
"Ahh yun pala yun." ang sabi ni Arwin na halatang ngayon lang na-encounter ang salitang yon, ako kasi hilig ko pag-aralan ang iba't ibang lengwahe na pwede ko matutunan at isa doon ang salitang Hapon, pero di ako ganon ka-fluent sakto lang.
Naupo kami ni Arwin ng magkatapat sa table na malapit sa isang Japanese painting, tulad ng traditional Japanese restaurants ay sa floor kami naupo na samin namin ay isang cushion.
"Ano ayos ba?" ang tanong ni Arwin sa akin.
"Oo ayos na ayos." ang sabi ko at mayamaya pa ay may lumapit na samin na lalaking nakasuot ng panlalaking kimono at binigyan kami ng menu nila, infairness hindi masakit sa bulsa ang karamihan sa pagkain nila.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~RAIN.BOYS~ "Ewan ko ba kay John sa dinamidami ng pwedeng isama at gawing bestfriend, ikaw na walang kadatingdating pa ang pinili." sabi ni Arwin ng paganti at siyempre gumanti din ako. "Ewan ko ba sa bestfriend ko sa dami ng pwedeng...