Pagapasok namin ng bahay ay sa dining area agad kami dumiretso. "Oh maupo na kayong dalawa, Win sige na asikasuhin mo na si Luke, Luke 'wag ka mahiya ah sana ay magustuhan mo ang mga niluto ko na inihain ko, para sa'yo talaga yang mga yan." sabi ng mommy niya na halata talaga ang saya sa mukha.
"Dito ka maupo Luke." ang sabi ni Arwin habang hinila niya ang upuan ko, wow lakas maka-girl nito haha, sa tabi ko naupo si Arwin habang ang mommy naman niya ay sa tapat ko.
Nag-umpisa na kaming kumain at magkwentuhan ng mommy ni Arwin, hindi ako masiyado nailang hindi dahil sa matapang ang hiya ko kundi dahil sa mabait at napaka friendly ng mommy ni Arwin, I wonder bakit hindi naman ni Arwin yung ugali ng mommy niya na 'to biro lang mabait si Arwin.
"Siya nga pala Luke, alam na ba ng parents mo ang tungkol sa inyo ni Win?" ang tanong ng mommy ni Arwin.
"Ahh hindi po, wala po kasi ang parents ko, parehas po silang nasa Canada, divorce na din po sila at may kanya kanya nang pamilya kaya naman po nagdecide ako na dito na lang sa Pilipinas tumira mag-isa kesa maipit ako sa kanila at sa new family nila ayoko na ako pa ang magmukang saling pusa din po kasi, agree naman po sila sa desisyon ko at sinusoportahan na lang nila ako financially. I live alone, ayoko din po kasi kumuha ng kasambahay mas prefer ko mag-isa kesa may kasama ako na hindi ko kilala." ang sagot ko at napatingin sa akin si Arwin at ang mommy niya parehas sila natahimik, ano 'to sign of amazement ba 'to or sign of discrimination ay bahala na.
"Hindi ko alam yan ah, kahit si John hindi niya nasabi sa akin yan." ang sabi ni Arwin.
"I'm amaze ijo, kasi biruin mo kinaya mo mag-isa, even my financial support alam ko na mahirap mag-isa dahil ako mismo naramdaman ko ang hirap nung tinataguyod ko mag-isa itong si Arwin. Hindi ka naman ba nalulungkot ijo na mag-isa ka lang?" ang tanong sa akin ng mommy ni Arwin.
"Nung una, opo nalungkot ako pero habang tumatagal po nasanay na po ako mag-isa, madami naman pong positive things ako natutunan dahil dun." ang sagot ko at ngumiti ang mommy ni Arwin at inabot niya ang kamay ko.
"Luke, simula ngayon mommy na ang itatawag mo sa akin, at ituturing kita na anak ko, at simula ngayon hindi ka na mag-iisa pa, natutuwa ako sa'yo at nakikita ko rin ang dahilan kung bakit ka nagustuhan nitong si Win." ang sabi niya ng nakangiti, gusto ko maluha dahil sa naramdaman ko na tuwa pero pinigilan ko ayoko kasi masira ang moment.
"Salamat po mommy." ang sagot ko ng nakangiti.
"Ay ang sarap pakinggan, kaya Luke, anak kapag niloko ka nitong si Win magsumbong ka lang sa akin at ako mismo ang sasapok diyan." ang sabi ni mommy ng pabiro.
"Mommy ako pa ba ang magloloko, eh mahal na mahal ko 'to." ang singit na sabi ni Arwin sabay akbay sa akin.
"Mabuti kung ganun, dahil lagot ka talaga sa akin, subukan mo lang paiyakin tong si Luke." ang dagdag ni mommy, nagtwanan kaming tatlo na parang isang one big happy family, iba talaga ang saya ko ngayon.
Puro tawanan at kulitan ang naging kwentuhan naming tatlo habang kumakain, nang matapos kaming kumain ay nagpaalam agad si Arwin sa mommy niya na maglalakadlakad lang kami sa labas sandali, at pumayag naman ito. Excited niya akong hinila at inakbayan niya ako, nakaakbay siya sa akin habang naglalakad kami 'non, hindi ko pa din maitago ang saya ko, at huminto kami sa isang waiting shed, kami lang ang tao at doon na kami naupo para mag-usap.
"Luke, I'm sorry, I know nabigla ka, alam ko nagulat ka sa mga nangyari pero nais ko na malaman mo na seryoso ako, na walang halong biro o kalokohan ang lahat ng ito, kaya Luke gusto ko sanang malaman kung pumapayag ka ba na maging tayo?" ang panimula ni Arwin.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~RAIN.BOYS~ "Ewan ko ba kay John sa dinamidami ng pwedeng isama at gawing bestfriend, ikaw na walang kadatingdating pa ang pinili." sabi ni Arwin ng paganti at siyempre gumanti din ako. "Ewan ko ba sa bestfriend ko sa dami ng pwedeng...