Padabog kong isinara ang pinto nang makapasok ako sa bahay at naupo ako sandali sa sofa, sa sobrang inis ko sa nangyari ay hindi ko na alam kung matutuwa pa ba ako o dapat pa ba talagang matuwa ako na nandito ang parents ko. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at pumasok sila Mama at Papa, dahil sa kagustuhan kong umiwas sa argument ay tumayo ako para umakyat.
"Where are you going? You stay here we need to talk." ang sabi ni Papa na halatang mainit na ang ulo, at hindi na nga ako umakyat pa.
"Yes, I think we really need to talk Pa, Ma." ang sabi ko.
"Luke, stop that misbehaving of yours." ang sabi ni Mama.
"Wow Ma ako pa talaga ang nag misbehave dito, ano na lang ang tawag niyo sa ginawa niyong pamamahiya kay Arwin, ang bait nung tao tapos binastos niyo nang ganon for the fact na partner ko siya." ang sabi ko dahil sa sobrang inis.
"Stop it! Ayan ba ang natutunan mo sa pagsamasama sa lintik na Arwin na yan? Natutunan mo kaming bastusin na parents mo?" ang sabi ni Papa.
"No Pa, hindi ko kay Arwin natutunan yan, in fact kanina ko lang natutunan at sa inyo ko natutunan ang maging bastos." ang sabi ko.
"Luke that's enough!" ang sabi ni Mama na nagtaas na din ng boses.
"No Ma, kayo ni Pa ang enough na. Bakit ba kayo nandito in the first place? To visit me or to bwisit me? Why did you come, why?" ang sabi ko.
"I think what we have learned is right, na yang Arwin na yan isang masamang impluwensiya sayo, you're not like that before." ang sabi ni Papa.
"You've learned? From whom? And from where? Kaya niyo siya binastos dahil lang may nalaman kayo? Bakit do you have any proof na totoo yang nalaman niyo? At paano niyo naman nalaman na hindi ako ganito before in my whole life halos ako lang mag-isa ang nabuhay." ang sabi ko.
"We had enough of your talkings young man." ang sabi ni Papa.
"And I also had enough of yours." ang sabi ko, "mabuti pa bumalik na lang kayo ng Canada if you will only mess with my life here, masaya naman ako ng wala kayo." ang sabi ko.
"Yes we will going back in Canada Luke don't worry, but we will return there with you." ang sabi ni Mama.
"No I won't go back in Canada, ano makikisingit ako sa pamilya niyo, no way!" ang sabi ko.
"Yes you will come, sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sa pagbalik namin ng Canada at bukas na bukas aayusin namin ang papers mo." ang sabi ni Papa.
"No! Sa ayaw at sa gusto niyo I will stay here! You decided to separate without my consent and I respect it as your son but now respect my decission as my parents, cos I WILL NOT GOING ANYWHERE BUT HERE!" ang sabi ko na pasigaw na at biglang lumapit sa akin si Papa at isang suntok sa muka ang ibinigay niya sa akin at bumagsak ako sa sahig at nakita ko sa Mama na nagulat sa ginawang iyon ni Papa.
"How dare you to disrespect us! You will obey us." ang sabi ni Papa na tila alipin lang ang sinasabihan.
"No I won't, I will never do what you said, leave me alone this is my life nobody and nothing can separate me and Arwin." ang sabi ko at tumayo ako agad at mabilis na tumakbo palabas ng bahay.
"Luke! You come back here! LUKE!" ang sigaw ni Papa pero hindi ko siya pinansin bagkus ay mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko para lang makalayo sa bahay, I was crying that time, hindi dahil sa sakit ng pagkakasapak sa akin ni Papa kundi dahil sariling ko pang parents ang may nais na kaming maghiwalay ni Arwin, mga parents ko na akala ko matutuwa para sa akin, mayamaya pa ay biglang bumuhos ang isang malakas na ulan.
Patuloy ako sa pagtakbo, pupunta dapat ako kila Arwin ngunit naisip ko na mali iyon dahil baka masmapasama pa siya kila Papa at Mama at baka madamay din si mommy Lucy, ayoko ng lumala pa ang sitwasyon, sana matapos na agad ang pangit na pangyayaring ito.
Nakarating ako sa tulay kung saan kami gumawa ng wish ni Arwin gamit ang mga palusis, tumingin ako sa langit pero kahit isang bituin o ang maliwanag na buwan ay wala, tila ba nagtago ang mga ito, umiyak ako ng umiyak, I was so alone that time how I wish na kasama ko si Arwin at panigurado patatahanin niya ako, at panigurado na bibigyan niya ako ng lakas at magkasama namin haharapin ito pero ayoko muna idamay si Arwin sa pagkakataong to, wala akong tigil sa pag-iyak, ayoko, ayokong bumalik ng Canada, hindi ako papayag, hindi ko iiwanan si Arwin, at biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Sa pagbuhos ng malakas na ulan ay mas natahimik ako, tumigil ako sa pag-iyak na animo'y ang langit na ang umiyak para sa akin, nanatili akong nakatayo sa tulay pilit pinagmamasdan ang mga ilaw sa kalayuan na aking matatanaw. Puno ng kalungkutan at takot ang isip at puso ko hindi ko alam kung paano ko haharapin ang bukas, huminga ako ng malalim at napatingin ako sa singsing nasuot ko, at hinawakan ko ang kwintas na suot ko, nakahanap ako ng paraan para ngumiti.
"Hindi, hindi ako papayag, at siguradong hindi din papayag ang mokong na yon dahil ipaglalaban niya ako." ang bulong ko sa sarili ko.
Mayamaya pa ay naramdaman ko na tila wala ng pumapatak sa akin na ulan, tumingala ako at nakita ko na may payong at humarap ako sa likuran ko at nakita ko si Arwin at ngumiti sa akin.
"Anong ginagawa mo dito? At bakit ka nagpapaulan?" ang tanong niya pero imbis na sagutin ko ay niyakap ko siya ng pagkahigpit higpit at muli akong umiyak.
"Oh bakit Drip? Anong probema?" ang tanong niya sa akin ulit.
"Ayoko na dito Arwin ilayo mo na ko dito." ang sabi ko habang umiiyak.
"Ano bang sinasabi mo Drip, ano ka ba umayos ka nga, tumahan ka na." ang sabi niya.
"Drop gusto nila Papa at Mama na maghiwalay tayo, gusto nila ako isama sa Canada, gusto nila ako na mapalayo sayo, kaya umalis ako ng bahay dahil ayoko Drop, ayoko na mawala ka." ang sabi ko.
"Ano ka ba hindi mangyayari yon, hindi naman ako papayag, kaya tumahan ka na" ang malambing na sabi ni Arwin sa akin at tinignan ko siya.
"But..." ang sabi ko pero hinalikan ako ni Arwin sa aking mga labi, halik na ayoko ng bitiwan pa pero si Arwin na ang bumitiw.
"No buts, wag kang mag-alala everything will be fine, you trust me hindi ba?" ang sabi niya at tumango ako sa kanya.
"Oh tara na." ang sabi ni Arwin sabay akbay sa akin.
"Saan naman tayo pupunta?" ang tanong ko.
"Ihahatid na kita sa inyo saan pa ba?" ang sagot niya.
"Pero ayokong umuwi sa bahay, pwede bang sa inyo muna ako?" ang sabi ko.
"Ano ka ba lalong masmagagalit sa akin ang parents mo, baka sabihin kinukunsinte kita, sige ka masmahihirapan tayo sa kanila." ang sabi ni Arwin, at may point naman siya don pero nagdadalawang isip pa din ako pero nakulit din niya ako kaya naman naglakad na kami pabalik sa bahay, upang harapin sila Mama at Papa.
Malakas pa rin ang buhos ng ulan, tahimik lang kaming naglalakad ni Arwin tila parehas naming iniisip kung ano ang mangyayari kapag humarap na ulit kami kila Papa at Mama, naramdaman ko ang paghigpit ng akbay sa akin ni Arwin, halos madinig ko na ang paghinga niya sa sobrang dikit na naming dalawa.
"Nilalamig ka ba?" ang tanong sa akin ni Arwin, "pasensiya ka na ah." ang sabi pa niya.
"Ano ka ba wala kang kasalanan, ako naman tong nagbasa sa ulan." ang sabi ko.
"Basta lagi mong isipin nandito lang ako." ang sabi ni Arwin, at tumingin ako sa kanya at hinalikan ko siya sabay ngiti pagkatapos.
"Alam ko yon." ang sabi kong pabulong at nagpatuloy na kami sa paglalakad namin, sabay namin tinahak ang daan patungo sa bahay na ang tangin liwanag ay ang mga ilaw sa poste na aming nadadaanan sa maulan, malamig, madilim, malungkot, at nakakatakot na gabi na yon...
BINABASA MO ANG
Rain.Boys
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~RAIN.BOYS~ "Ewan ko ba kay John sa dinamidami ng pwedeng isama at gawing bestfriend, ikaw na walang kadatingdating pa ang pinili." sabi ni Arwin ng paganti at siyempre gumanti din ako. "Ewan ko ba sa bestfriend ko sa dami ng pwedeng...