"Luke ayos ka lang?" ang tanong sa akin ni Russel ng mapansin na pupungay pungay na ang mata ko sa antok na nararamdaman ko.
"Uhmm oo, medyo inaantok lang ako." ang sabi ko.
"Ha-ha halata nga eh, sila Francis nga nakatulog na sa pagod." ang sabi ni Russel at napatingin ako kila Francis, nakatulog na nga ang mga loka kaya pala tahimik na sa bus, si Kris naka nganga pa ha-ha.
"Gusto mo sumandal ka sa balikat ko para makatulog ka?" ang alok sa akin ni Russel.
"Naku hindi na okay na ako, may dala naman ako dito." ang sabi ko sabay kuha sa bag ko sa ilalim ng upuan ko.
Nang makuha ko na ang bag ko ay agad ko binuksan ito, at kinuha ko si Arluke. Naisipan ko dalhin si Arluke para hindi ko masiyado ma-miss ang mokong ng sobra.
"Wow handang handa ah." ang sabi ni Russel na nakangiti.
"Ha-ha oo naman." ang sabi ko at isinandal ko sa bintana ng bus si Arluke at tiyaka ko isinandal ang ulo ko dito.
"Sure ka ayos ka lang ng ganyan?" ang tanong ni Russel at tumango ako to confirm that I'm okay at ngumit lang siya sa akin.
Ilang sandali pa ay naging komportable na ako sa pagkakasandal ko kay Arluke kaya naman ilang sandali pa ay nakaidlip na ako.
"Luke, girl gising na." ang sabi ni Francis at habang inuuga-uga ako para gisingin.
Nagising ako na pakurapkurap pa, "Nasa pupuntahan na ba natin tayo?" ang tanong ko.
"Wala pa girl nag-stop over lang ayaw mo ba bumaba para bumili ng makakain?" ang tanong sa akin.
"Ay ganon ba wait sama ako." ang sabi ko muli kong kinuha yung bag ko sa ilalim ng upuan namin ni Russel, kinuha ko yung strap na ginagamit para i-carry sa back ang isang baby, gagamitin ko ito para dalhin si Arluke.
"Seryoso ka girl? Bibitbitin mo talaga yan?" ang tanong sa akin ni Francis.
"Oo naman no hindi ko pwedeng iwanan kung saan saan itong si Arluke." ang sabi ko at ngumiti.
Bumaba kami ng bus para pumunta sa anumang fast food chain na pwede, blockbuster sa McDo at sa Jollibee ganon din sa iba, wow tiba tiba mga fast food dito ngayon, dahil ayaw namin makipagsiksikan at sabayan sa dami ng tao nagdecide kami na sa 7Eleven na lang kami pumunta.
"Luke!" ang tawag sa akin ni Sir Leo na nakatayo sa labas ng bus. Agad kaming lumapit sa kanya para malaman kung bakit.
"Bakit po sir?" ang tanong ko.
"San kayo pupunta?" ang tanong naman niya.
"Ah sa 7Eleven po sir, puno na po kasi yung mga kainan dito eh kaya doon na lang kami bibili ng makakain." ang sabi ko.
"Naku wag na kayong magpakahirap, heto kunin niyo to." ang sabi ni Sir Leo at inabot sa amin ang isang malaking paper bag.
"Sir ano po ito?" ang tanong ko.
"PAGKAIN!" ang sabi ni Chini bigla at napatingin kami sa kanya.
"Ha-ha, oo tama si Chini, pagkain yan. Yan na lang kainin niyo kesa magpagod pa kayo." ang sabi ni Sir Leo.
"Teka sir bakit niyo po binibigay sa amin to?" ang tanong ko ulit.
"Actually Luke pinakiusapan lang ako ng asawa mo na ibigay ko sayo yan para may makain kayo, nagkita kasi kami sa university bago umalis." ang sagot ni Sir.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~RAIN.BOYS~ "Ewan ko ba kay John sa dinamidami ng pwedeng isama at gawing bestfriend, ikaw na walang kadatingdating pa ang pinili." sabi ni Arwin ng paganti at siyempre gumanti din ako. "Ewan ko ba sa bestfriend ko sa dami ng pwedeng...