Rain.Boys Chapter: 22.3

4.6K 175 1
                                    

        Lunes, 4AM pa lang ay ginising na ako ni Arwin, hanubayan ang ganda na ng panaginip ko nandun na eh ginising ako agad ng mokong, tiyaka parang hindi pagod to kung makapanggising, grabe!

        "Oy Drip bumangon ka na diyan... tatanghaliin na naman tayo eh." ang sabi ni Arwin, at bumangon ako ng nakapikit. "Sabay na tayo maligo." ang dagdag nito at nagising ang diwa ko sa sinabi niyang yon, tinalo pa ang kapeng barako ng mga salitang yon.

        "Maglubay ka nga, sapakin kita diyan eh." ang sabi ko sabay hampas ng unan sa kanya.

        "Naku nahiya ka pa eh kagabi lang eh... ha-ha." ang biro nitong sabi at hinampas ko ulit siya.

        "Grabe ang aga mo mang-asar ah." ang sabi ko.

        "Naku... Teka nagmu-mood swing ka na no?" ang sabi niya at sabay dikit ng tenga niya sa tiyan ko. "Uy may andidinig ako, yung baby natin." ang sabi ni Arwin.

        "Adik ka talaga alaga ko yan sa tiyan, para kang ewan as if naman na mabuntis talaga ako, imagination nito napakalawak." ang sabi ko at umalis na ako sa kama at dumiretso sa banyo ng kwarto ni Arwin para magmorning ritual.

        Pagkarating sa banyo ay dumiretso ako sa sink at naghilamos, sumunod pala sa akin si Arwin at agad akong niyakap.

        "Gusto mo ng round two?" ang sabi ni Arwin at siniko ko nga ang mokong.

        "Maglubay ka diyan sasapakin na talaga kitang kapre ka." ang sabi ko.

        "Heto naman hindi mabiro, pero sabay na tayo maligo ha." ang sabi ni Arwin sabay sara sa pinto.

        "Drop lumubay ka isa!" ang sabi ko pero ngumisi lang ang mokong.

        "Pagbilang ko ng tatlo at di mo bibuksan yung pinto sisigaw ako." ang sabi ko.

        "Grabe sisigaw ka talaga?" ang tanong niya.

        "Oo, kaya buksan mo na, dalawa." ang sabi ko.

        "Oh sige nga." ang panghahamon niya.

        "Tatlo." ang huling bilang ko at aktong sisigaw na ako ay bigla akong sinunggaban ni Arwin ng halik at ikinulong niya ako sa yakap niya kaya mas nahirapan ako magpumiglas.

      Dinala ako ni Arwin sa tapat ng shower at binuksan niya ito agad, shoot ang lamig, at bumitaw siya ng halik.

        "Oh pano ba yan sabay na tayo maliligo." ang sabi ng mokong sabay ngisi.

        "Sabay your face." ang sabi ko at aktong sisigaw na ulit ako pero hinalikan na naman niya ako ulit.

        "Ano sisigaw ka pa?" ang sabi nito at umiling na lang ako dahil alam ko na wala na ako magagawa talaga tsaka basa na din naman kami kaya tama na pag-iinarte ko.

        At ganon na nga ang nangyari sabay na nga kaming naligo, naligo lang kami promise walang nangyari, promise hindi ako nagpatalo sa pananakop ng espiritu na sumakop sa akin kagabi kahit na itong si Arwin panay ang pang-aakit ayon puro hampas ang inabot sa akin, sinabunutan ko nga ang mokong nung sina-shampoo ko siya.

        Pagkatapos namin maligo ay pinunasan namin ang isa't isa ganon din sa pagbibihis, ako ang nagbihis kay Arwin at siya ang nagbihis sa akin, we see and take care each other like babies noong mga oras na yon. Isinuot ko kay Arwin ang uniform niya ako naman ay pambahay lang, dadaan kami sa bahay ko para magpalit ng uniform ko pagkatapos namin mag almusal.

        Pagkatapos namin magbihis ay bumaba na kami patungo sa kusina para mag-almusal, naabutan namin si mommy Lucy na kakatapos lang magluto.

        "Good morning po." ang bati ko kay mommy Lucy.

        "Good morning din sa inyo." ang sagot niya na may ngiti habang inilalagay ang pinggan sa mesa.

        "Oh ano pa tinatayo niyo diyan? Maupo na kayo at mag-almusal na kayong dalawa." ang sabi ni mommy Lucy habang naghahain.

        "Salamat po." ang sabi ko at naupo kami ni Arwin ng magkatabi. "Kayo din po kumain na din po kayo." ang dagdag kong sabi.

        "Naku sige na anak mauna na kayo ni Win." ang sabi ni mommy Lucy.

        "Ay sige na po sumabay na po kayo mommy para naman kumpleto tayo sa pagkain." ang sabi ko na pangungulit, nagagawa ko ng kulitin si mommy Lucy siguro ganon na ko talaga ka-close at kapalagay sa kanya.

        "Naku ikaw talagang bata ka, oh siya sige sasabay na ako, etong si Win hindi man lang ako makulit." ang sabi ni mommy Lucy na pabiro.

        "Eh mommy alam ko naman na pag si Drip ang nag-aya sayo hindi ka makakatanggi, kaya hinayaan ko na lang siya." ang sagot naman ni Arwin na nakangiti sabay subo sa sinangag.

        "Ha-ha nagpapalusot ka pa sandukin kita diyan eh." ang sabi ni mommy Lucy at nangiti ako don, kasi naman kung totoong mommy ko si mommy Lucy tiyak sa kanya ko naman ang violent side ko pagdating kay Arwin.

        "Para kang si Drip mommy lagi niyo ko kinakawawa." ang paawang sabi ni Arwin.

        "Hala ikaw nga kumakawawa sa akin eh." ang sabi ko.

        "Naku Luke anak ano ginawa sayo ni Win? Magsabi ka at hindi lang sandok ihahampas ko diyan." ang sabat ni mommy Lucy na kumakain na din sa mga oras na yon.

        "Hala hindi ko mommy kinakawawa si Drip, uy Drip tumigil ka diyan hahampasin talaga ako ni mommy pag naniwalang kinakawawa kita." ang sabi ni Arwin at nagtawanan kami sa bilis mag react ni Arwin.

        Nang makatapos kami mag-almusal ay nagpaalam na agad kami kay mommy Lucy at agad na kaming umalis para pumunta naman sa bahay ko upang makapagpalit na din ng uniform ko.

        "Ano balak mo ngayong araw?" ang tanong sa akin ni Arwin habang naglalakad kami.

        "Huh? Eh di mag-aaral siyempre, ikaw ba anong balak mo?" ang tanong ko.

        "Mangha-hunting ako ngayon." ang sabi ni Arwin.

        "Mangha-hunting?" ang sabi ko na may pagtataka.

        "Oo, ha-huntingin ko yung gumawa sayo ng muntik mo na ikapahamak nung party." ang sabi niya.

        "Ano ka ba mag-aral ka na lang Drop, yun na lang pag-focusan mo, okay na sa akin na nakaligtas ako, di ba sabi ko sayo na bahala na ang Diyos sa mga gumawa sa akin nto." ang sabi ko dahil ayoko na masangkot o mapasama pa si Arwin pagtinuloy niya yung iniisip niya, at ayoko siya na makapanakit ng dahil sa akin.

        "Wag ka mag-alala magiging okay ang lahat, hindi na kasi tama yung ginawa nila sayo." ang sabi niya at napansin ko na isinara niya ang kanyang kamao.

        Hinawakan ko ang kamao niya, "Drop okay na ko, wag ka na mag-alala okay? Ayoko na mapasama ka pa ng dahil lang sa akin." ang sabi ko.

        Tumingin siya sa akin at ngumit, "Wag ka mag-alala ako ang bahala." ang sabi niya sabay akbay.

        Mukang hindi ko talaga mapipigil ang mokong kaya hindi na ko nangulit pa, pero somehow kahit ako napapaisip kung sino ang gagawa sa akin nun, ayoko pag-isipan na si John impakto o ang mga alipores niyang kapwa impakto ang gumawa sa akin dahil super sobra na hay naku kung sino man talaga yung mga gumawa sa kin ng pagkakalunod ko na muntik ko na ikatsugi good luck talaga dahil mukang si Arwin ay pursigido na hulihin sila.

Rain.BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon