Rain.Boys Chapter: 25.2

3.7K 170 2
                                    

        Habang papalayo na ako sa restaurant ay walang humpay sa pagtunog ang cellphone ko, pero hindi ko ito pinapansin ayoko nang kausap sa mga oras na yon gusto ko mapag-isa, naiinis ako sa bwisit na bitch witch na si Eunice, naiinis ako kay Arwin na hindi man lang marunong makiramdam, at mas naiinis ako sa sarili ko dahil sa eksena na ginawa ko pero masisisi ba nila ako? Hindi lang simpleng inis ang naramdaman ko? Hindi lang sa dahil ayaw ko si Eunice kundi dahil nagseselos ako.

        Halos mangiyak ngiyak na ako sa inis, medyo bumagal na din ako sa paglalakad napnsin ko na lang na nakarating na pala ako sa park malapit sa university na pinapasukan namin, hindi naman masiyadong matao noong oras na yon sa park, magdidilim na din kasi.

        Naglakadlakad ako sa park until makahanap ako ng bench sa ilalim ng isang puno at kung saan hindi masiyadong dinadaanan ng tao, doon ay naupo ako at napabuntong hininga kasaby non ay naramdaman ko na lang na pumatak yung luha ko.

        "Nakakainis ka naman Luke eh, akala ko ba magiging matapang ka na eh talong talo ka kaagad sa ginawa mong yon." ang sabi ko sa sarili ko habang sinusuntok suntok ang hita para mailabas ko yung inis na nararamdaman ko, but it was not enough kasi the more I think of it the more na naiinis ako.

        Kinuha ko ang cellphone ko nang marinig ko na tumunog ulit ito, si Francis tumatawag pero hindi ko sinagot, hindi ko sinagot dahil hindi si Francis ang nais ko makausap sa oras na yon kaya sana lang maunawaan nila ako ngayon, nang tumigil ang pagtunog nito ay nakita ko ang bilang ng missed calls at text na nareceived ko, 30 missed calls at 99 text message, I checked the calls muna anak ng tempura kahit isa hindi ko nabasa ang pangaln ni Arwin kaya naman sinunod ko i-checked ang text at anak ng ramen wala din siyang text so ganon na lang walang concern concern talaga? O baka naman napasobra naman yung ginawa ko?

        Nang medyo ma-relax na ako ay pinunasan ko yung mata ko to rid out the traces ng pag-iyak ko, napatingin ako sa langit na medyo orange na mapula ang kulay.

        "Ano ba yan akala ko pa naman magiging maganda ang araw ko na to dahil bukas monthsary na namin at hindi kami magkakasama hindi pala..." ang sabi ko sabay buntong hininga.

        "Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap." ang sabi ng boses na mula sa aking likuran napalingon ako upang tignan ang nagsabi non.

        Akala ko naman kung sino, isang lalaki lang pala na nakita ang isang tuta, kuya panira ka ng moment eh.

        Bumalik ako sa pagtingala para pagmasdan ang langit then pumikit ako at bahagyang itinaas ang kamay ko na parang kinakapa ko ang mukha ni Arwin. Unti-unting nabubuo sa isip ko ang detalye sa mukha ni Arwin hanggang sa maramdaman ko na may mukang nahawakan ang kamay ko.

        Binuksan ko ang mga mata ko, si Arwin isinubsob sa kamay ko ang muka niya, agad ko inalis ang kamay ko sa mukha niya at napatingin siya sa akin.

        "Bakit ka nandito?" ang masungit kong tanong.

        "Eh kasi nandito ang taong mahal ko." ang sagot niya, "eh ikaw bakit ka nandito?" ang dagdag na tanong niya.

        "Eh kasi naiinis ako sayo." ang sabi ko sabay talikod sa kanya.

        "Naiinis? Bakit dahil ba sa sinubuan ko si Eunice?" ang tanong niya, "Uy nagseselos siya kay Eunice." ang sabi niya sabay kiliti sa akin sa bewang at hinampas ko siya.

        "Oo naiinis ako sa ginawa mong yon, oo nagseselos ako kay Eunice bakit aangal ka?" ang sabi ko na masungit pa din habang nakasalubong ang kilay.

        "Ayieh kinilig naman ako dun, ano ka ba wag ka na magselos at mainis hindi lang naman si Eunice ang sinubuan ko lahat sila tsaka yung Japanese cake mo kaya yung isinubo ko sa kanila." ang paliwanag ni Arwin.

        "Naku nagpapalusot ka pa." ang sabi ko.

        "Hindi ah gusto mo kausapin mo pa sila Francis." ang sabi niya sa akin.

        "Hindi na, at tsaka bakit hindi ka man lang tumawag o nagtext at talagang sila Francis pa ang nangulit sa akin." ang sabi ko.

        "Gusto ko kasi hanapin ka ng ako lang, na puso ko lang ang magdadala sa akin kung nasaan ka, oh di ba nakita kita? Tsaka sa itsura mo kanina sigurado ako na hindi mo sasagutin ang tawag o text ko." ang sabi niya sa akin.

        "Naku bumabanat ka na naman." sabay hampas sa kanya.

        "Sorry na Drip please... bati na tayo." ang sabi niya at niyakap niya ako. "Sorry na please."

        "Ayoko." ang sabi ko.

        "Please Drip sorry na, promise lalayo ako kay Eunice para di ka na mag-selos basta patawadin mo lang ako." ang sabi niya ng may paglalambing at napangiti ako sa sinabi niya.

        "Talaga lalayuan mo ang witch na yon?" ang sabi ko at tumango siya.

        Ngumiti ako sa kanya, "Ikaw talaga, I don't want to be selfish o possessive Drop, I just want na malaman mo na hindi maganda ang vibes ko kay Eunice, hindi ko hihilingin na lumayo ka o layuan mo siya pero just keep a safe distance away from her, sana maunawaan mo ako." ang sabi ko sa kanya.

        "Ano ka ba nauunawaan naman kita, masiyado lang ako naging kampante din siguro, pero Drip di ba we made a promise? Always keep that in mind... dahil ang pagmamahalang Drip at Drop ay di masisira ng sinuman." ang sabi ni Arwin, "So okay na tayo ah, hindi ka na nagtatampo?" ang dagdag niya at isang tango na may ngiti ang isinagot ko sa kanya.

        Niyakap ako ni Arwin nang pagkahigpit higpit at binigyan niya ako ng isang halik at biglang tumunog ang tiyan ko at natawa ang mokong.

        "Buti na lang handa ako at naisip ko na mag-take-out ng pagkain dun sa restaurant dahil di mo naman naubos yung sayo kanina." ang sabi ni Arwin sabay kuha mula sa bag niya ng mga pagkain na binili niya.

        At ako super ngiti at mabilis kong kinuha yung pagkain mula sa kamay niya, nakakagutom din pala ang mainis buti na lang handa tonbg mokong na to lagi.

        Masaya naming pinagsaluhan ang pagkain habang nagkukwentuhan, asaran at pinagmamasdan ang magandang pagpapalit ng kulay ng langit, pagkatapos namin kumain ay tinawagan ni Arwin si Francis to inform na okay lang ako, kinausap ko din sila para humingi ng sorry sa inasal ko at naintindihan naman nila pagkatapos non, pinagpatuloy namin ang date namin, alam niyo yuns sa mga movies or tv series na nakaupo sa bench yung dalawang lovers na bida then yung isa nakaakbay tapos nakasandal sa ulo ng isa't isa ganon kami nun, di ba ang sweet, pero most of all masayang masaya ako dahil naayos ang lahat at napangiti pa ako sa thought na nahanap ako ni Arwin gamit lang ang puso niya... maybe totoo kasi nakita niya talaga ako and I'm happy to know that his hearts leads him to me.

        

        

Rain.BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon