Rain.Boys Chapter: 15.1

5.7K 208 1
                                    

        Mabilis na lumipas ang mga araw, mas naging close kami ng mga bago kong kaibigan, masasabi ko din na mas lumalim at tumatag din ang relasyon namin ni Arwin, although my mga times na nagkakatampuhan kami pero sabi nga nila parte yun ng isang relasyon, hindi pa din nawawala siyempre yung asaran namin at ang hampas ko kay Arwin. Hindi din mawawala yung pagkukrus ng landas namin ng mga Impaktitos pero so far mukang medyo nag-lie low muna sila sa pagiging bitch after nung eksena ni John sa Korean Restaurant, mabuti naman at lumubay na din sila.

        Last monday na para sa month of June, maaga kami nakarating ng university ni Arwin, yup maaga nga kasi nasanay na ako na gumising ng maaga kasi si Arwin madaling araw pa lang pinupuntahan na ako sa bahay para sabay kami kumain ng almusal, kaya para di naman siya maghintay sa labas I trained myself talaga na gumising ng maaga ayon lang kasi magagawa para sa sobrang effort niya.

        "Sunduin na lang kita mamayang lunch ah?" ang sabi ni Arwin nang maihatid na niya ako sa room namin. Tumango ako sa kanya bilang sagot.

        "Mag-aral ka ng mabuti, umayos ka sa room niyo." ang sabi ko sa kanya.

        "Good boy kaya ako." ang sabi ni Arwin sabay ngiti, "Oh sige na pupunta na ako sa building namin." ang dagdag nito pero hindi pa siya umaalis dahil hinihintay niya pa yung kiss mula sa akin.

        "Ang tagal naman nung kiss ko." ang sabi ni Arwin.

        "Bakit sino nagsabing iki-kiss kita ngayon?" ang pang-aasar ko.

        "Ah wala." ang sabi niya.

        "Wala naman pala eh kaya hindi kita iki-kiss, kaya pasok na sige." ang sabi ko sa kanya.

        "Kung wala nagsabi na iki-kiss mo ko ngayon eh di ako na lang." ang sabi ni Arwin sabay halik sa akin at as usual sabay takbo na naman ang mokong para di ko mahampas.

        "Kita tayo mamaya Drip! I love you!" ang sigaw ni Arwin, wala pa namang nagkaklase noong mga oras na yun at wala pa ganong tao sa hallway kaya okay lang na sumigaw siya non.

        "I love you too!" ang ganti kong sigaw, at umalis na nga siya ng tuluyan.

        Bubuksan ko na sana yung pinto ng room para pumasok ng bigla itong bumukas at tumama sa muka, aray super aray.

        "Ay Luke, nandiyan ka pala, hindi ko sinasadya, I'm so sorry." ang sabi ni Russel na siya palang nagbukas ng pinto.

        "Ahh okay lang Russel, alam ko na hindi mo naman sinasadya." ang sabi ko habang hawak ko yung parte ng muka ko na tumama sa pinto.

        "Sorry talaga." ang sabi ni Russel.

        "Ano ka ba okay lang yon." ang sagot ulit upang hindi na mag-alala pa si Russel.

        "Wow agang date niyan ah." ang sabi ni Kris na naglalakad.

        "Gaga ka talaga nag-uusap lang date na agad." ang sabi ko.

        "Oo nga ikaw talaga Kris." ang sabi naman ni Russel.

        "Chos lang ang defensive niyo naman ha-ha." ang sabi ni Kris, "Oh girl bakit may bukol ka don't tell me yung malanding John ang gumawa niyan sayo?" ang dagdag ni Kris ng mapansin niya ang bukol sa noo ko.

        "Ahh hindi, tumama kasi siya sa pinto ng di ko sinasadya na bigla kong buksan." ang paliwanag agad ni Russel.

        "Ahh I see ingat ingat din girl pag may time, kala ko yung John na naman na yun eh papausukin naming mga diyosas yun sa sampal at katok." ang sabi ni Kris at nagtawanan kami. "Oh siya tara na sa loob ng room there na lang tayo mag chikahan." ang aya ni Kris na siyang unang pumasok, susunod na sana akong pumasok ng biglang hawakan ako ni Russel sa bandang wrist ko.

        "Bakit Russel?" ang tanong ko sa kanya.

        "Pwede ka ba makausap Luke kahit sandali lang? Yung tayong dalawa lang." ang sabi ni Russel na seryosong nakatingin sa akin.

        "Ah, ah, sure, maaga pa naman eh, ano ba yon?" ang tanong ko.

        "Ahmm okay lang ba if sa rooftop ko na lang sabihin sayo?" ang tanong niya, at pumayag naman ako kaya naman nagpaalam kami ni Russel kay Kris na kunwari ay may bibilhin lang sa canteen at tumango lang siya dahil busy siya mag-apply ng lipstick.

        Agad kaming pumunta sa rooftop para malaman ko na din ang sasabihin ni Russel, alam ko na isang seryosong bagy yon, halata naman sa muka niya eh.

        "Russel ano ba yung sasabihin mo?" ang tanong ko ulit ng makarating na kami sa rooftop. Dahil umaga pa may kalamigan ang hangin na umiihip noong mga oras na yon.

        "Luke, nasubukan mo na ba magmahal na yung malapit lang sayo yung tao na mahal mo pero parang ang layo ng distansiya niyo kasi yung taong mahal mo ay nakatali na sa iba? Yung pilit mo na pinipigil ang nararamdamn mo kasi alam mong hindi na tama, na sandali lang naman kayo nagkakilala kaya iniisip mo na baka infatuation lang?" ang sunod sunod na tanong ni Russel, na halos di ko na maintindihan lahat dahil sa hangin.

        "Bakit Russel? May nangyari ba? Ano ang problema, I'll try to help you, just tell me." ang tanging nasabi ko.

        "Oo Luke may nangyari, oo may problema, ang nangyari na-in love ako sayo, ang problema hindi naman pwedeng maging tayo dahil you are taken already by Arwin, alam kong mali, alam ko Luke, ni hindi ko nga alam kung paano pero the very first time na makita kita noong pumasok ka sa room plus the way you introduce yourself at noong sinagot mo yung tanong ni Sir Leo, I felt like I saw the person for me." ang sabi niya na nangingilid na ang luha.

        "Pero Russel..." ang sabi ko.

        "Pero... pero nung nalaman ko na taken ka na it was like my world crash down agad, alam kong mali, at alam ko na wala akong karapatan masaktan pero Luke bakit ang sakit, bakit ang sakit kahit na kakakilala ko pa lang sayo ganito na kasakit ang nararamdaman ko?" ang sabi ni Russel na tuluyan ng umiyak.

        "I'm sorry Russel, I-I-I din't mean to hurt you." ang sabi ko sa kanya at niyakap ko siya bilang isang kaibigan at para i-comfort.

        "Luke, bakit si Arwin? I have witnessed already kung paano ka guluhin ng ex niya pero bakit? Bakit minamahal mo pa rin siya." ang bigla niyang tanong at inalis ko ang pagkakayakap ko sa kanya, wala ako maisagot sa kanya, hindi ko alam ang sasabihin ko dahil ako mismo hindi ko alam kung bakit nga ba si Arwin ang minamahal ko ngayon.

        "I really can't answer your question Russel, but I am so sorry again, hindi ko talagang gusto na saktan ka." ang tanging sagot kay Russel na pinunasan ang luha niya.

        "That's okay, wala kang kasalanan, I just thought makakakuha ako ng sagot if magsabi ako sayo, I just thought na baka mawala tong nararamdaman ko para sayo pag nailabas ko na, pero hindi Luke, it grows much stronger, kaya I decided na maghihintay ako sa pagkakataon na ako naman ang mahalin mo." ang sabi ni Russel.

        "But Russel..." ang putol kong sabi.

        "No Luke, hindi ako susuko, handa na ako makipagsabayan kila Arwin at Von, siguro nga ako ang huli mong nakilala saming tatlo but I promise na hindi ako titigil na mahalin ka dahil lang don." ang sabi ni Russel at naglakad siya paalis ng rooftop, naiwan ako doon na nakatayo lang parang na petrified ni Medusa at naging istatwa, matagal tagal din akong nandoon na nakatayo.

        "Bakit ako pa Russel? Bakit ako pa?" ang bulong ko sa sarili na nasa state of shock pa din ng mga panahong yon.

        Nang pabalik na ako sa room ay saktong nakasabay ko si Sir Leo binati ko siya ng good morning at panauna na niya akong pumasok sa room, pagkapasok ko sa room ay naupo ako sa tabi ni Russel kung saan ako nakaupo, ayokong iwasan si Russel hindi dahil sa gusto ko siya or whatever, ayoko lang siya iwasan dahil ayokong isipin niya na dahil doon sa sinabi niya ay lalayuan ko siya, ayoko din na madamay ang pagkakaibigan namin, at sigurado din na madadamay ang buong grupo namin if gagawain ko yon.

       Tahimik lang kami ni Russel na nakinig sa pagtuturo ni Sir Leo, walang imikan, ni tinginan ay hindi namin ginawa, tinatanong nga kami nila Francis kung may problema dahil napansin nila na hindi kami nag-uusap, iling lang ang sinasagot namin ni Russel sa kanila at sabay ngiti, kahit sabihin ko na walang nagbago, ramdam ko at alam ko na meron talagang nagbago at ramdam din ng buong barkada yon panigurado.

Rain.BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon