Rain.Boys Chapter: 20.2

4K 173 5
                                    

        "Ayos ka lang ba?" ang sabi ng lalaking humila sa akin na sigurado akong si Von.

        "Ah oo, salamat Von." ang sabi ko.

        "Wow nakilala niya agad ako oh, pero anyway, dapat mag-ingat ka sa susunod alam mo naman na hindi ka sanay lumangoy di ba? Tsaka sayang naman yang suot mo, na bagay na bagay sayo." ang sabi ulit ng lalaki.

        "Oo, pasensiya na at salamat sa pagliligtas." ang sabi ko ulit.

        "Bakit ba kasi parang wala ka sa sarili, may problema ka ba? Parang may hinahanap ka kasi." ang pag-uusisa ni Von.

        "Hinahanap ko kasi si Drop, nakita mo ba siya?" ang sabi ko.

        "Ano ba yan dahil na naman sa kanya muntik ka na naman mapahamak, hindi ko pa siya nakikita pero mabuti mag-relax ka na lang diyan at i-enjoy mo na lang tong party for sure naman na darating yun, hindi naman niya siguro sasayangin yung last dance na pinaglaban niya last Saturday di ba?" ang sabi niya, at patango akong sumagot, "Mabuti pa puntahan na lang natin yung mga kasama mo." dagdag ni Von.

        Hinanap namin ni Von sila Francis para maki-join, nakita namin sila na nakaupo na sa isang table kasama na si Russel, nakilala ko agad sila dahil tanda ko ang mask na gawa nila.

        "San ka ba galing girl?" ang tanong ni Francis sa akin habang paupo na kami ni Von.

        "Naku yang si Luke muntog ng mahulog sa pool." ang sabi ni Von bilang pag-i-inform sa kanila.

        "What, ayos ka lang ba Luke?" ang biglang tanong ni Russel.

        "Wow Russel maka-react wagas ah." ang sabi ni Kris.

        "Don't worry okay lang naman ako." ang sabi ko at napanatag naman si Russel agad.

        "Pero hindi ka magiging okay kung nahulog ka, hindi ka naman sanay lumangoy pano kung walang nakapansin sayo?" ang sabi ni Von na halatang nagworry dahil sa nangyari, ganon talaga siya pagdating sa akin hindi pa din talaga nagbabago.

        "What di ka sanay lumangoy? Good thing nandon si Von, eh bakit ka nga ba muntikang mahulog?" ang sabat ni Clarence.

        "Eh kasi..." ang putol kong sabi

        "Eh kasi hinahanap niya si Arwin, kaya ayon di na niya napansin yung nilalakaran niya." ang biglang sabi ni Von.

        "Eh kay naman pala eh, alam mo girl kanina ka, relax okay, darating din yon." ang sabi ni Francis.

        "So true pano ka mag-e-enjoy niyan, tiyaka may dalawang sasalo sayo for the last dance if hindi man magpakita si Arwin, kaya chill and enjoy." ang dagdag ni Kris.

        Natahimik na lang ako dahil wala na akong masabi dahil sa pag-aalala at inis kay Arwin. Tinapik ako ni Russel na katabi ko noon sa balikat at saka niya ako nginitian at ngumiti ako sa kanya just to show na okay lang ako.

        Unti unting dumilim sandali ang buong paligid, at mayamaya pa ay tumunog na ang isang drum roll sound effects na parang isang paligsahan ang magaganap, ilang sandali pa ay nadinig na namin ang boses ng master of ceremony na nagsasabi na ang acquaintance party ay opisyal ng nagsisimula. Shoot! Nagsimula na pero wala si Arwin... Iniwan niya ba ako sa ere? Pinaasa niya lang ba ako na magkakaroon ako ng last dance tonight? Nakakainis, nakakainis ka Arwin.

        Muli ay biglang lumiwanag ulit ang paligid at sa stage ay nakatayo na ang isang babae at lalaki na Victorian theme ang outfit, sila ang master of ceremony para sa gabing iyon. Bago magsimula ang programs para sa gabing iyon ay sinabi muna at nilinaw sa amin ang mga dos and don'ts at pagkatapos non ay nagsimula na, inumpisahan ang party sa grupo ng mga babaeng mang-aawit mula sa College of Education at kinanta nila ay ang kanta ni Taylor Swift na 'Love Story' in a classical but beautiful version.

        "Ayos ka lang?" ang tanong ni Russel sa akin nang mapansin niya na tinikom ko ang kamao ko sa sobrang inis at pag-iisip kung bakit wala si Arwin.

        "Oo naman ayos lang ako." ang sagot ko.

        "Nagsisinungaling ka na naman." ang sabi ni Russel, "I can see it in your eyes, alam mo kung si Arwin na naman yan better try na bukas o after the party mo na lang isipin kung bakit wala siya, ngayon mag-enjoy ka, this party was made for us to enjoy right?" ang dagdag niya, tumango lang ako, wala talaga ako sa mood to enjoy the night.

        Natapos ang kantang 'Love Story' at sumunod na kinanta ay another Taylor Swift song na 'Crazier', napansin ko na isa-isang tumayo ang nasa paligid at nagpunta sa dance floor, shoot kainggit naman.

        "Pwede ba kitang maisayaw?" ang sabi ni Russel bigla.

        "Ha? Ako?" ang bigla kong nasabi.

        "Oo ikaw nga, don't worry walang halong malisya to, gusto ko lang na makatulong para ma-relax ka ngayong gabi Luke." ang sabi ni Russel.

        "Uhmm, sige." ang sagot ko at inabot niya ang kamay ko at nakisali kami sa mga sumasayaw.

        "Mag-smile ka naman diyan." ang sabi ni Russel habang nagsasayaw kami.

        "I'm sorry, kung nag-aalala pa kayo pareparehas sa akin." ang sabi ko nang hindi ako makangiti.

        "We all know why pero isipin mo na lang na may dahilan si Arwin kung bakit wala siya dito." ang sabi ni Russel sa we spin and sway again, "noong una I was happy to know na wala siya dahil I can have the last dance pero to see you like that, I felt sad na din, mas gusto ko kasi yung Luke na naka smile and I bet sa new look mo ngayon mas mapapansin ka pero dahil halatang di ka nag-e-enjoy your aura is kind of gloomy." ang dagdag nito.

        "Tama ka, dapat nga siguro i-enjoy ko na lang muna ang gabing ito,besides napagod sila Francis na ayusan ako, ayoko naman na masayang effort nila sa akin." ang sabi ko and I find a way para ngumiti. "Thanks Russel." ang sabi ko bilang pasasalamat.

        "Wala yun ikaw pa malakas ka sa akin eh." ang sabi nito.

        At mas naging maganda ang sayaw namin ni Russel habang pinapasok ako ng good vibes, tama siya I must enjoy this night, I'll just ask Arwin for some explanation bukas kung bakit hindi siya nagpakita ngayong gabi.

        Natapos ang kanta at bumalik na kami ni Russel sa table namin.

        "Kainggit girl ah, wala si Yummy Papable pero dalawa ang handang sumalo sayo." ang sabi ni Francis na pabiro, na tinutukoy na taga salo ay si Russel at Von.

        "Ha-ha sira ka talaga Francis, pwede ba tama na muna yang si Drop, imbyerna ako sa kanya kaya to enjoy let's stop muna sa pag-isip at pagbanggit sa mokong na yun." ang sabi ko.

        Habang lumilipas ang oras unti-unti ko ng na-e-enjoy ang party, hindi naman talaga nawala sa isip ko si Arwin pero hindi na katulad kanina na para akong baliw kakahanap sa kanya, natanggap ko na din talaga na hindi na nga darating si Arwin kaya kahit na walang last dance mamaya ay dapat ko pa din i-enjoy ito dahil may mga kaibigan pa naman ako dito.

        Lumilipas na ang oras at palapit na din ng palapit ang last dance ang hudyat na matatapos na ang isang gabi na inaasahan kong magiging masaya...

        

Rain.BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon