Kinabukasan ay maaga akong gumising madilim pa lang ay gumyak na ako agad para pumasok, pagbaba ko ay nadinig ko ang tunog sa kusina, si Mama nagluluto.
"Luke ikaw na ba yan?" ang pasigaw na tanong ni Mama nang madinig niya akong bumaba pero hindi ko siya isnagot, "mabuti at gising ka na halika na dito sa kusina at kumain ka na ng almusal, mabuti pala ta maaga ako nagising para magluto." ang dagdag pa niya.
Sa halip na pumunta ako sa kusina ay tinungo ko ang pinto palabas ng bahay, hangga't maaari ayoko makita ang mga parents ko, I hate them more than I hate Arwin, kung hindi naman din kasi dahil sa kanila hindi kami magkakahiwalay ni Arwin, kung hindi dahil sa kanila hindi ako iiwanan ni Arwin, pero if may kinasusuklaman man ako ayon na siguro yung tao na pinanggalingan ng maling balita na hindi ko alam kung anong balita man yon na dumating kila Mama at Papa wag lang talagang magkakamaling magpakita sa akin yung taong yon dahil hindi ko alam ang magagawa ko sa kanya.
Madaling araw pa lang at masiyado pa maaga, kaya naman bago ako pumunta ng terminal ng jeep ay nagdesisyon ako na pumunt ng 7Eleven para bumili ng pwedeng maging almusal pero noong nasa tapat na ako ay napahinto ako, tila nagdadalawang isip ako kasi dito kami madalas ni Arwin dati at dito din nag-umpisa na magkasundo kami kaya naman hindi na ako tumuloy pa bagkus pumunta na lang ako sa isang malapit na lugawan at doon na ako kumain.
Nang matapos ako mag-almusal ay agad na akong pumunta ng terminal ng jeep, nakita ko yung jeep na madalas naming masakyan ni Arwin, ayoko na mausyoso pa ni manong driver ang nagyari sa amin tiyak kasi magtataka yon bakit hindi kami magkasabay ni Arwin at baka maiyak na naman ako. Hinintay ko na makaalis ang jeep ni manong at doon ako sumakay sa jeep na sumunod sa kanya at imbes na sa harap ako maupo ay doon ako sa likod naupo malapit sa entrance ng jeep.
Medyo matagal din akong naghintay, hindi kasi umaalis ang jeep hangga't hindi pa ito puno, isang pasahero na lang ang hinihintay noon balak ko na nga lang na bayaran yung hinihintay na pasahero para makaalis na eh pero hanggang may sumakay na isa sa harapan, si Arwin, oo siya yon kilala ko siya kahit nakatalikod siya, at mas nakasigurado ako ng madinig ko ang boses niya nung nagbayad siya, hindi kami magkatabi pero I feel so awkward that time gusto ko sanang bumaba ng jeep pero ayoko naman maging agaw eksena kaya tumingin na lang ako sa labas instead na sa harapan, nahihirapan pa din kasi talaga ang kalooban ko dahil sa loob ng isang gabi nawala si Arwin sa akin, nawala ang kami.
Mayamaya ay tumunog ang cellphone ko at agad ko itong kinuha mula sa bag, shoot ang hiram naman nito isang kamay ang gamit ko, kaliwa pa pero kasalanan ko naman to anong magagawa ko. Nang makuha ko na ang cellphone ko ay agad ko itong chineck, si Arwin nag-text:
"Anong nagyari sa kamay mo? Bakit nakabenda yan? Nandito ako sa harap ng jeep. Arwin to just in case na binura mo na ang number ko."
Hindi ko siya ni-replyan instead ay binura ko ang message niya agad, ano pa bang pakialam niya sa akin, kung naawa siya please tama na dahil masnahihirapan ako.
Paghinto ng jeep sa tapat ng university na pinapasukan namin ay mabilis akong bumaba ng jeep at naglakad papasok.
"Luke sandali lang! Luke hintay." ang sigaw ni Arwin pero hindi ko siya pinansin, bagkus mas nagmadali pa ako knowing him na kayang kaya niya ako abutan, then he gran me in my left arm.
"Ano ba!" ang sabi ko.
"Teka lang, anong nagyari diyan sa kamay, bakit nagkaganyan yan?" ang tanong ni Arwin sa akin.
"Ano bang pakialam mo? Bakit doktor ka? Bakit magulang ba kita? Bakit ba ang dami niyong pakialamero sa buhay ko pero ang ginawa niyo lang naman ay saktan ako." ang sabi ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
Rain.Boys
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~RAIN.BOYS~ "Ewan ko ba kay John sa dinamidami ng pwedeng isama at gawing bestfriend, ikaw na walang kadatingdating pa ang pinili." sabi ni Arwin ng paganti at siyempre gumanti din ako. "Ewan ko ba sa bestfriend ko sa dami ng pwedeng...