Rain.Boys Chapter: 16.1

4.8K 181 1
                                    

        "Oh bakit parang tahimik ka Drip? Kanina ko pa napapansin na parang ang lalim ng iniisip mo ah." ang tanong ni Arwin sa akin habang nasa biyahe kami para pumasok.

        "Ah wala medyo inaantok pa kasi ako." ang pagsisinungaling ko.

        "Nagsisinungaling ka Drip, bakit ka nga tahimik?" ang ulit na tanong ni Arwin.

        "Hay, iniisip ko lang yung kahapon, Drop, iniisip ko kung sino naman ang sira ulong kumuha ng picture na yon para gamitin laban sa akin, at para mapagalit ka ng husto." ang sagot ko sa kanya.

        "Alam mo ayan din ang iniisip ko kahapon, isang malaking pagkakamali ang nagawa ko na bigla akong sumugod ng hindi nag-iisip, pero somehow half of it ay totoo dahil nalaman natin parehas na may gusto sayo yung asungot na Russel na yon." ang sabi ni Arwin. "Kaya lumayo ka sa taong yon." ang dagdag pa niya.

        "Sira ka talaga, hindi ko naman kailangan iwasan ang tao, sinabi ko na din sa kanya na hanggang magkaibigan lang kami tiyaka ikaw lang ang mahal ko." ang sagot ko.

        "Talaga? Sige nga halikan mo nga ako." ang pang-aasar ni Arwin.

        "Eh kung itulak kita diyan?" ang sabi ko naman.

        "Tignan mo nga ayaw mo ako i-kiss." ang pangongonsensiyang sabi ng mokong.

        "Oo heto na po." ang sabi ko, at hahalikan ko na sana siya sa pisngi at bigla siyang humarap kaya sa labi ko siya nahalikan, hinampas ko siya bilang ganti at muntik na malaglag ang sira dahilan para magtawanan yung ibang pasahero.

        Tulad ng nakagawian inihatid ako ni Arwin sa room ng klase ko at tsaka siya pumunta sa building nila. Halos kalahating oras na ang lumipas at ilang tsismis na din ang napag-usapan namin sa room pero wala pa ring prof na dumarating, hanggang sa bumukas ang pinto biglang tahimik ang lahat bilang pag-aakala na prof yung papasok pero yung kaklase lang pala namin na lalaki kaya ayon pinaulanan siya ng papel yung iba nga minura pa siya ang sama nila buti hindi ko pa naranasan yon. Pagkalipas ng sampung minuto mula ng pumasok yung kaklase naming pinaulanan ng papel ay bumukas ulit ang pinto at nagtaka kami kung bakit si Sir Leo ang dumating, naligaw ba siya? O sub siya sa prof namin?

        "Guys bago tayo mag-umpisa pwede bang pakilinis muna yung mga kalat na to?" ang sabi ni Sir Leo nang makita ang mga nagkalat na papel, agad naman naming nilinis ito.

        "Okay, alam ko nagtataka kayo kung bakit ako nandito, wag kayo mag-alala walang nangyari sa prof niyo ngayon sa English na si Sir. Lourde, hindi din ako nandito bilang sub niya, nandito ako bilang class adviser niyo." ang mahabang panimula ni Sir, ang hilig niya talaga magtalumpati siguro nung kabataan niya lumalaban to sa mga contest ng bigkasan.

        "Sir! Sir! Eh bakit po kayo narito?" ang tanong ni Chini na todo taas pa ng kamay, napansin ko bukod sa pagkain ang hilig din niyang magtaas ng kamay.

        "Ayon na nga ang sasabihin ko, nandito ako para i-announce ang nalalapit na acquaintance party na gaganapin sa July 5, next week na yon, ang theme ng party ay masquerade party from the theme itself kailangan nakamask kayo, at naka formal attire." ang sabi ni Sir, lahat ay na-excite nang marinig yon.

        "Ay bonggacious yan sir lahat naka facial mask parang beauty party." ang biglang sabi ng lukang si Francis at tawanan ang lahat.

        "Francis, ijo ija, ang ibig ko sabihin sa mask ay yung literal na mask." ang paliwanag ni Sir.

        "Just kidding lang Sir, pero sir pwede po ba kami mag gown don? Para mas bongga?" ang ayaw paawat na tanong ni Francis.

        "Sadly Francis, pero hindi pwede, pero pwede naman kayo magdala ng date at makipagsayaw sa kaparehas niyo ng gender." ang sagot ni Sir at noong madinig ang date jusmio kinilig ang karamihan at excited.

        "Ay bongga ang date na yan, yung isa dito tsak problemado." ang sabi ni Kris sabay tingin sa akin.

        "Oh bakit naman?" ang tanong ko.

        "Eh kasi tatlo ang papables na mag-aagawan sayo para makipag-date." ang sabi ni Francis.

        "Oo nga mag-share ka, haha chos, pero sino ba ang date mo?" tanong ni Clarence.

        "Tinatanong pa ba yan siyempre ang jowaers, hanubeyen commosize lan yan." ang sabi ni Kris.

        "Anong commonsize? Commonsense gaga, nakarating ka ng college di mo pa mabigkas ng matino yung commonsense, magbaon ka sa acquaintance niyan sis bawal ang tanga sa diyosas." ang pabirong sabi ni Francis at nagtwanan kami. "Dahil si Yummy Papable na ang date mo girl, akin na lang si Papable Russel." ang dagdag na biro ni Francis at nangiti lang si Russel.

        "Ay korek ka diyan girl tapos akin si Von." ang sabi ni Kris, "Eh sayo sis? Sino date mo si Chini? Ha-ha?" ang tanong ni Kris kay Clarence.

        "Chini ka diyan maglubay dahil sa akin si Russel at Von, walang inyo! Ha-ha." ang sagot ni CLarence.

        Dinis-miss na agad ang klase namin ng matapos mai-announce ni Sir Leo ang tungkol sa acquaintance party, nauna ng lumabas ang KFC Sisters kasama si Chini.

        "Si Arwin na ba talaga ang date mo sa party?" ang biglang tanong ni Russel habang inilalagay ko ang gamit ko sa bag ko.

        "Russel, alam mo naman ang sagot diyan di ba." ang sabi ko, agad ko nang isinukbit ang bag ko para hinid na humaba pa ang usapan namin ni Russel ayoko ng masaktan pa siya.

        "GIRL!" ang sigaw ni Francis habang hingal at nagmamadaling pumasok sa room.

        "Oh bakit? Bakit para kang hinahabol ng mga rapist diyan." ang sabi ko pang pabiro kay Francis.

        "Si-si-si Ya-ya-Yummy Papable Arwin..." ang bitin na sabi ni Francis dahil sa hingal at bigla akong nag-alala.

        "Oh bakit anong nangyari, anong nangyari kay Drop?" ang tanong ko.

        "Si-si-si Yummy Papable Arwin, nakikipaglaban daw kay Von." ang sagot ni Francis.

        "Ano? Saan? Nasaan sila?" ang tense ko nang tanong kay Francis.

        "Nandoon daw sila sa may Gym ngayon, ang dami na nga daw tao ngayon dun." ang sabi pa ni Francis, agad akong tumakbo nang malaman ko na kung saan ako pupunta.

        "Girl! Wait lang!" ang sigaw pa ni Francis pero hindi ko na siya nagawang hintayin pa dahil kailangan ko makarating agad at mapigilan yung dalawa.

        "Drop ano bang ginagawa mo, kakatapos lang ng gulo kahapon, heto ka na naman, ngayon si Von naman, lagot ka sa akin mamaya talaga." ang sabi ko sa sarili ko habang tumatakbo ako ng ubod bilis, kailangan ko makarating agad doon, kailangan ko sila maawat agad, bilis Luke, bilis...

        

         

Rain.BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon