LUKE'S POINT OF VIEW:
Nakaramdam ako ng isang mainit na bagay na dumampi sa kamay ko, parang may humalik dito, pinilit kong idinilat ang mga mata ko. Teka nasaan ba ako, bakit ako nandito sa mukang hospital room, ang alam ko nasa acquaintance party ako non at ang huling bagay na alam ko ay nalulunod ako. Ibinaling ko ang tingin ko sa taong may hawak sa kamay ko, iginalaw ko ito at halatang nagulat siya.
Tumingin siya sa akin at kitang kita sa kanya ang pagkagalak na makita akong gising at agad niya akong niyakap.
"Drip sa wakas gising ka na, salamat sa Diyos." ang sabi niya at niyakap ako.
"Ah sino ka?" ang sabi ko at halatang nabigla siya nung sinabi ko yun, bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at muli kaming nagkatitigan.
"Drip? Hindi mo na ba ako natatandaan?" ang tanong niya sa akin habang nakatitig ako sa kanya, hanggang sa hindi ko na mapigilan ang ngumiti.
"Ano ka ba siyempre natatandaan kita Drop, ha-ha, kaw talaga pwede ba namang makalimutan ko ang taong mahal na mahal ko." ang sabi ko sabay taas sa pakit sa kanya ng singsing na sinuot niya sa akin sa party.
"Loko ka kinabahan ako don akala ko nagka-amnesia ka at hindi mo na ako maalala, pasaway ka talaga." ang sabi ko sabay yakap ulit sa kanya. "Wag mo na uulitin yun." ang sabi niya.
Hinaplos ko ang buhok niya na medyo basa pa, "Opo hindi na, ha-ha, mukang bagong ligo ah." ang sabi ko.
Umalis siya sa pagkakayakap, "Anong bagong ligo, niligtas kaya kita sa pagkakalunod, hindi mo ba alam na sobrang nag-alala ako sayo, ano ba kasing ginagawa mo at nag-swimming ka dun?" ang sabi ni Arwin sa akin.
"Talaga ikaw ang nagligtas sa akin, ayieh! Pero salamat at niligtas mo ako ah at pasensiya na kung pinag-alala kita... Tsaka hindi ako nagsi-swimming no malay ko ba sa paglangoy, may tatlong lalaki ang naghagis sa akin don, mukang ang lalim ng galit sa akin at handang handa na burahin ako sa mundo." ang sabi ko na medyo pabiro pa ang tono.
"Umayos ka nga, pag nakalabas na tayo dito aasikasuhin natin yan hindi ako papayag na palampasin ang nangyaring to, muntik ka ng mawala sa akin." ang seryosong sabi ni Arwin.
"Ano ka ba okay na ako ayon ang mahalaga, ipagpasa Diyos na lang natin yung mga yon." ang sabi ko.
"Ano ka hindi ako papayag ah basta ha-huntingin ko talaga ang gumawa sayo niyan." ang makulit na sabi niya.
Ngumiti ako at pumikit, at inilagay ko ang kamay ko sa mukha niya.
"Oy ano yan bakit mo dinadapurak yung muka ko?" ang sabi niya.
"Ssh wag ka maingay, gusto ko lang kabisaduhin ang muka mo para kahit nakapikit ako makikita kita at mararamdaman ko na parang nandiyan ka lang." ang sabi ko.
"Parang ewan to oh." ang pagrereklamo niya.
"Wag ka sabing magulo eh, ayoko kasi mawala sa isip ko ang mukhang to, ang mukha ng taong pinakakamamahal ko, ang mukha ng taong pinakamamahal ako." ang sabi ko habang pinapalakad ko ang kamay ko ng dahan dahan sa muka niya.
"Papasok na kami ah" ang sabi ng isang boses mula sa labas, at bumukas ang pinto ng kwarto, at nakita namin ang si mommy Lucy na siyang unang pumasok kasama sila Francis at ang iba pa.
Agad na lumapit sa akin si mommy Lucy, "Luke anak, ayos ka na ba? Kamusta ang pakiramdam mo?" ang sabi ni mommy Lucy habang hawak hawak ang kamay ko.
"Ayos na po ako mommy, wag na po kayo mag-alala." ang sabi ko.
"Naku mabuti naman, hindi mo ba alam na halos humagulgol sa iyak kanina tong si Win noong tumawag sa akin kanina sa sobrang pag-aalala sayo." ang sabi ni mommy Lucy at napatingin ako kay Arwin.
"Ano ka mommy, hindi kaya ako umiyak." ang depensa ni Arwin, naku hindi daw halata naman sa mata niya, pero sa halip na asarin ko siya ay nginitian ko siya at ngumiti din siya sa akin.
"Buti naman girl okay ka na, nag-alala tlaga kami sayo kanina noong nakita ka naming buhat buhat ni Yummy Papable." ang sabi Francis.
"Salamat sa pag-aalala guys." ang sabi ko.
"Sa susunod pag-aalis ka dapat sabihin mo na samin kung bakit at saan ka pupunta para alam namin kung saan ka hahanapin at para hindi kami mag-alala." ang pangaral naman ni Von.
"Opo ha-ha." ang sabi ko.
"Siya nga pala nagdala ako ng makakain dito alam ko gutom na kayo." ang sabi ni mommy Lucy.
"Ay talaga po balita ko masarap kayo magluto sabi nitong si Luke." ang sabat ni Chini ng madinig ang pagkain.
"Eh kung lunudin ka kaya namin? Si Luke ang nahospital ikaw tong excited sa paglapang, tong babaeng talagang to." ang biro ni Kris, at nagtawanan kami.
"Ano ba kayo marami to kaya sasapat sa ating lahat to." ang sabi ni mommy Lucy.
Hindi ako hinayaan ni Arwin na kumain ng sarili ko bagkus kumuha siya ng pagkakainan namin at siya na ang magpapakain sa akin.
"Ano ba yan para naman akong nabaldado, kaya ko na naman Drop." ang sabi ko.
"Ano ka, mahina ka pa, tsaka hayaan mo muna ako na alagaan ka ngayon, isipin mo na lang na part pa to ng magical night mo." ang sabi ni Arwin.
"Sira ka talaga magical night ba din yung pagkalunod ko?" ang sabi kong pabiro.
"Eh kung tuktukan kita ng kutsara? Siyempre hindi kasali yon, bangungot nga para sa akin yon tapos sasabihin mo magical night yon." ang sabi ni Arwin, sabay subo sa akin ng pagkain.
Napuno ang kwarto ng hospital na yon ng tawanan dahil kila Francis, makalipas pa ang ilang oras ay nagpaalam na sila Francis para umuwi kasama sila Russel at Von at nangakong babalik na lamang kung hindi pa ako makakalabas. Pagkalipas lang din nang ilang sandali ay si mommy Lucy naman ang nagpaalam na uuwi, pinauwin na din siya ni Arwin dahil okay na din naman daw ang lahat at si Arwin na daw ang bahala sa akin.
Natulog sa tabi ko si Arwin, yup pinagkasiya namin sa kama ang isa't isa ng magkayakap kami ayoko kasi padukdukin siya na matulog at siyempre naka-lock ang pinto nakakahiya naman baka biglang may pumasok makita kami ng ganon.
May pagka-tragic nga siguro yung naging party pero hindi pa din non matatabunan yung magic ni Arwin, yung magic of his love for me, the magic of our love na nagligtas sa akin. Ayoko na din isipin kung sino yung mga abnormal na naghagis sa akin sa pool but I'm sure lagot sila kay Arwin kasi kahit ako alam ko sa sarili ko na gagawa ang mokong na to ng paraan to hunt them down but for now I am thankful na buhay pa ako, I am thankful na makakasama ko pa ang taong mahal ko.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~RAIN.BOYS~ "Ewan ko ba kay John sa dinamidami ng pwedeng isama at gawing bestfriend, ikaw na walang kadatingdating pa ang pinili." sabi ni Arwin ng paganti at siyempre gumanti din ako. "Ewan ko ba sa bestfriend ko sa dami ng pwedeng...