Pumasok ako ng bahay ng basang basa natural galing ako sa ulanan what do I expect?, dahil ako lang naman ang tao sa bahay hindi na ko nagdalawang isip na hubadin ang suot ko kaysa naman magtubig pa ko sa buong bahay, iniligay ko saglit ang rosas na dala ko sa ibabaw ng table malapit sa pinto, ng mahubad ko na ang basang damit ko ay dinala ko na ito sa labahan at bumalik din ako agad sa sala, kinuha ko ang bulaklak at dumiretso na sa kwarto ko, I was like lakas maka sinaunang tao lakad dito lakad doon ng nakahubad lang buti na lang talaga mag-isa lang ako.
Pagpasok ko sa kwarto ko ay dumiretso na agad ako sa banyo para maligo, iniligay ko muna yung bulaklak sa ibabaw ng sink, malamig ang tubig na nanggagaling sa shower at bigla na lang pumasok sa isip ko ang paghalik sa 'kin ni Arwin sa noo, sinalat ko ulit ang noo ko, oh my dapat pala nag-shower cap ako para hindi ma-wash out yung kiss niya ha-ha just kidding hindi naman ako gano'n kakire pero sa totoo lang nakaramdam ako ng kakaibang tuwa noong ginawa niya 'yon para akong si Maria Clara na kinilig kay Crisostomo Ibarra dahil sa sweet moment na 'yon.
Nang makatapos na ako ay agad kong kinuha ang blue na towel na nakalagay sa towel shelf at agad ko itong itinapis sa akin at dala ang bulaklak ay bumalik ako sa kwarto ko at naupo sa kama ko.
"Ano ang gagawin ko sa'yo? Nakakahinayang kung itatapon lang kita, kung sa 'kin ka lang ibibigay naku hinding hindi masasayang yang beauty mo." ang sabi ko na ang tanging kausap ay ang bulaklak, "Pero hindi kita pwedeng itabi kasi nga hindi ka naman binili para sa 'kin, parang yung bumili sa'yo hindi pwede sa 'kin kasi nga hindi naman siya sa 'kin. Jusmiyo Marimar ano ba 'to para naman akong baliw pati bulaklak kinakausap ko na." ang sabi ko sa sarili ko at tinitigan ko na lang ang bulaklak na hawak ko at napabuntong hininga pa ako.
"AY BULAKLAK NG TANGA!" sigaw ko dahil sa biglang pag tunog ng cellphone ko, kinuha ko ito sa ibabaw ng table na malapit sa kama ko, si Arwin tumatawag. "Hello? Arwin?" ang bungad ko.
"Ah Luke pasensiya ka na kung nakakaistorbo ako sa'yo." ang sabi ni Arwin na halatang nakainom ang boses.
"Teka, uminom ka ba Arwin?" ang tanong ko agad sa kanya.
"Ah, kaunti lang naman para makalimot at mawala yung lintik na sakit na nararamdaman ko kaso mukang wrong move eh kasi mas nasasaktan ako, masnararamdaman ko yung sakit, alam mo 'yon tagos hanggang kaluluwa ko." ang sagot niya.
"Teka, nasaan ka ba? Pupuntahan kita diyan." ang sabi ko na may pag-aalala.
"Hindi ko alam kung nasaan ako, basta gate na puti itong sinasandalan ko, gate yata ito sa langit eh." sagot niya na halatang hindi na kaya pa ang pagkalasing, kaya naman agad agad akong nagbihis, kumuha ng payong at lumabas ng bahay para puntahan siya kahit hindi ko alam kung saan siya pupuntahan pero paglabas ko ng bahay nagulat ako dahil sa gate ko lang pala siya nakasandal, nakaupo na siya at nakasandal na no'n, pikit ang mata yung talagang itsura ng lasing kaya agad ko na siyang nilapitan.
"Arwin?" ang pagtawag ko sa kany ng malumanay at tumalungko ako sa harap niya.
"Oh Luke, ikaw pala 'yan, paano mo ako nahanap? Bakit nandito ka na agad? Ang bilis mo naman si Superman ka man ba? Ay hindi siguro si Flash ka 'no? Ay hindi si Darna ka 'no?" ang sabi niya gusto ko mang pektusan ang mokong sa pinagsasabi niya ay hindi ko ginawa dahil alam ko namang dala lang ito ng kalasingan niya.
"Hay naku lasing ka na nga, mabuti pa dito ka na lang sa bahay magpalipas at magpahinga, kaya tumayo ka na diyan." ang sabi ko, at kinuha ko muna ang cellphone niya para hindi niya maiwala, at tsaka ko siya tinulungan na tumayo, inalalayan ko siya hanggang sa makapasok kami ng bahay.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~RAIN.BOYS~ "Ewan ko ba kay John sa dinamidami ng pwedeng isama at gawing bestfriend, ikaw na walang kadatingdating pa ang pinili." sabi ni Arwin ng paganti at siyempre gumanti din ako. "Ewan ko ba sa bestfriend ko sa dami ng pwedeng...