Rain.Boys Chapter: 9.2

8.1K 277 12
                                    

        Nakatapos na kaming mag-lunch at gumayak ni Arwin, we check lahat ng gamit na dadalhin namin sa paggala este pamimili namin, pianyuhan ako ni Arwin na mag-separate ako ng pera yung half sa bulsa ko and the other half ay sa bag para if mawala man daw ay sure na may back up money daw, sa mga ganyang idea niya ako napapahanga kasi napaka sigurista talaga kasi ako basta may dala okay na.

        Pumunta na kami sa terminal ng bus, naupo kami sa may bandang gitna ako doon sa may tabi ng window pinaupo ayaw daw niya kasi na masasagi o madidikitan ako ng kuns sino sino, napaka-protective niya talaga, how sweet.

        "Ilang oras ba ang biyahe para makarating tayo dun?" ang tanong ko.

        "One and a half hour kung hindi traffic sa daan." ang sagot niya, "Don't worry madami naman tayong oras." ang dagdag niya pa.

        "Mani kayo diyan, masarapa ang mani ko!" ang sigaw ni Ate nagtitinda ng mani na nakabalot, hindi ko maiwasan matawa, then bigla lumapit si ate sa amin at inalok kami ng mani niya at dahil natuwa ako sa kany ay bumili ako kahit di ako kumakain non.

        "Sayo na lang." ang sabi ko sabag bigay kay Arwin ng mani na binili.

        "Ano kaya yun bumili ka tapos di mo kakainin adik ka talaga." ang sabi niya.

        "Hindi kasi ako kumakain ng mani, ikaw na lang, tikman mo kung masarap ang mani ni ate." ang sabi ko at natawa kaming parehas.

        Ilang sandali pa ang lumipas ay umandar na ang bus at bigla ako nakaramdam ng antok, napansin ni Arwin ang pagpungay ng mata ko dahil sa antok kaya isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya.

        "Sige lang Drip, umidlip ka lang muna, gigisingin kita kapag andun na tayo." ang sabi niya sa akin, tumango lang ako pero hindi ako pumikit gusto ko lang muna ma-feel yung moment first time ko pupunta ng SM North at first time ko na sumandal sa balikat ng iba para umidlip habang bumabiyahe, pero iba talaga ang power of sleep natalo ako at unti unti na akong naidlip. Boom tulog!

        Hindi ko alam kung nasaan na kami pero nagising ako noong huminto yung bus, ang mokong gigisingin daw ako eh tulog mantika din, kaya nagtanong ako sa lalaking nakatayo sa tabi niya.

        "Uhmm Kuya, excuse me po, pwede po malaman kung saan na po ito?" ang pagtatanong ko.

        "Ah Balintawak na ito." ang sabi nong lalaki ng nakangiti sa akin.

        "Ahh salamat po." ang sabi ko magtatanong pa sana ako ng mapansin ko na gising na si Arwin at ang sama ng tingin sa akin, nasaniban kaya 'to?

        "Oh bakit ganyan ka makatingin?" ang tanong ko.

        "Wala, don't talk to strangers." ang sabi niya buti na lang hindi na nadinig ni kuya dahil nagpasak siya ng earphones.

        "Para nagtanong lang kung nasaan na tayo eh, tulog ka kasi." ang sabi ko.

        "Anong tulog, gising kaya ako." ang sabi niya.

        "Gising eh nakapikit ka kaya." ang hirit ko.

        "Gising nga ako, pinapakinggan ko yung konduktor, sisigaw naman yan pag nasa SM North na tayo." ang sabi niya.

        "Eh malay ko ba maya kasi ay lumagpas na tayo." ang sabi ko.

        "Okay basta wag ka makikipag-usap kung kanikanino, pwede mo naman ako gisingin eh." ang sabi niya at tumango ako, at ngumiti na siya sa akin at ganon din ako.

Rain.BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon