Mabilis na lumipas ang araw ng first week ng pasukan, Biyernes na, hindi ko pa din makalimutan ang mga nagyari noong unang araw, ang swerte ko nakahanap agad ako ng mabubuting kaibigan sa mga kaklase ko. Break time namin noon at nakaupo ako noon sa isang bench malapit sa building namin, kinuha ko yung notebook sa bag ko at binuklat ito sa bandang likuran upang tignan yung schedule ng mokong, pina-photocopy kasi namin yung schedule namin para aware kami sa pasok at uwian ng bawat isa.
"Late na pala ang uwian nila." ang sabi ko noong makita ko ang schedule ni Arwin, 6PM ang nakalagay sa schedule niya for the subject na College Algebra, napagdesisyonan ko na ako naman ang maghintay sa kanya mamaya sa pag-uwi kasi nitong nakaraang araw siya ang laging naghihintay sa akin, yung pagbukas mo ng pinto ng class room niyo ay siya agad ang bubungad, noong Miyerkules nga biniro pa ako ng prof namin sa Computer na si Ma'am Mitchie na nasa labas na daw yung anghel de la guardia ko with kilig factor pa, ganoon kami kabilis makilala, oh di ba ang lakas maka-artista.
"Oh bakit nag-iisa ka diyan?" ang sabi ni Russel ng makita niya ako.
"Ah wala naman, nasa klase pa kasi niya si Drop." ang sagot ko.
"Eh bakit di mo man lang sinabi sa amin, eh di sana nasama ka namin sa canteen, akala kasi namin magkasama na naman kayo ngayon." ang sabi ni Russel at naupo siya sa tabi ko. "Teka kumain ka na ba?" ang dagdag na tanong niya.
"Ahh oo kumain na ako, may dala akong sandwich ayon ang kinain ko." ang sabi ko, pero ang totoo hindi pa talaga, wag lang sana mag-ingay yung mga alaga ko.
"Talaga?" ang tanong ni Russel at tinitigan niya ako sa mata. "Nag-la-lie ka, hindi ka pa kumakain eh." ang sabi niya.
"Huh? Hindi ahh paano mo naman nasabi aber?" ang pagtatanong ko.
"I can read it in your eyes, hindi sanay magsinungaling ang mata ng tao, lalo na ang mata mo." ang sabi ni Russel.
"Wow ha hanep sa banat." ang sabi ko, "oo na hindi pa nga ako nakakakain, medyo tinatamad din kasi ako." ang sabi ko bilang palusot.
"Ikaw talaga, sandali lang ahh." ang sabi ni Russel, kinuha niya ang cellphone niya at nag-text.
Ilang minuto din hindi kami nagkibuan ni Russel, magkakatinginan then ngigiti lang sa isa't isa oh di ba mukang mga adik lang.
"Ang tagal naman nun." ang sabi niya bigla.
"Sino naman? O may kausap ka diyan na hindi ko nakikita? Naku ha walang takutan ang aga aga pa." ang tanong ko na pabiro.
"Ha-ha adik may hinihintay ako, ginawa mo pa akong esperitista." ang pabirong sagot ni Russel.
"Ahh yun ba yung tinext mo? Ayieh luma-love life ka na ngayon ahh." ang sabi ko.
"Sira, isang tao lang ang nagustuhan ko sa tanang buhay ko kaso may nauna naman sa kanya kaya naman ang pangalagaan na lang ang taong yun ang magagawa ko, masaya na ko nun." ang biglang sabi ni Russel na nagpatahimik sa akin. "Oh ayan na sila." ang sabi niya at tumingin ako sa direksiyon kung saan siya nakatingin, ang KFC Sisters pala ang dumadating kasama si Chini, grabe maglakad tong tatlong to sabay sabay pa akala mo naglalakad sa catwalk habang si Chini naman kaliwat kanan may hawak na burger, natawa na agad ako pagmasdan pa lang silang apat.
"Oh girl heto na yung lafang mo." ang sabi ni Francis nang makalapit na sila sa amin sabay abot sa akin ng paper bag na may laman na pagkain.
"Huh? Teka hindi naman ako nagpabili sa inyo eh." ang sabi ko.
"We know girl, si Russel nagpabili niyan, tinext niya kami hindi ka pa daw kumakain, so getchingin mo na girl bago pa lafangin yan nitong si Chini." ang sabi naman ni Kris.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~RAIN.BOYS~ "Ewan ko ba kay John sa dinamidami ng pwedeng isama at gawing bestfriend, ikaw na walang kadatingdating pa ang pinili." sabi ni Arwin ng paganti at siyempre gumanti din ako. "Ewan ko ba sa bestfriend ko sa dami ng pwedeng...