Kinabukasan parehas kaming tinanghali ng mokong na magising kaya super rush kami parehas na gumayak doon na nga lang kami sa treminal ng jeep nagkita para masmapabilis kami sa pagpasok.
Nang makarating sa university ay talagang takbo ginawa naming dalawa, pinilit ko si Arwin na wag na niya akong ihatid dahil masmahuhuli siya at for the first time in history napilit ko siya, nanalo ako sa kulitan.
Pagdating ko sa building agad bukas ako ng pinto, at parang first day lang tinginan sila sa akin si Sir Leo napahinto sa pagtuturo at nakangangang nakatingin sa akin.
"Sir sorry po I'm super duper late, tinanghali po ako ng gising." ang sabi ko habang hinihingal.
"That's okay Mr. Luke halata naman na nag-effort ka para makarating ka dito sa klase ko, at naappreciate ko yang paghingal mo." ang sabi ni Sir Leo.
"Sir heto po pala yung homework ko." ang sabi ko habang hinihingal sabay bigay ng fortfolio type folder kay Sir Leo, at napansin ko ang pagkagulat ng lahat kasama na si Sir. "Bakit po?" ang dagdag kong tanong.
"Wala naman, ikaw pa lang kasi ang nagpapasa ng homework today, I'm imppresed at talagang iginugol mo ang long weekend mo sa pagtapos nito." ang sabi ni Sir na nakangiti at kinuha ang homework ko. "Congratulation for being the first to submit Mr.Luke, for that you'll be exempted for the midterm exam niyo sa subject ko." ang dagdag ni Sir.
"Talaga po sir! Thank you po!" ang sabi ko habang nakangiting tagumpay, akala ko magiging pangit ang umpisa ng week ko na ito dahil sa na-late kami ni Arwin sa kanya kanyang klase pero nagkamali ako dahil super good vibes.
"Yes Mr.Luke, so please take your seat and so we can proceed to our class." ang sabi ni Sir, at sumunod naman ako, bago ako makaupo ay inabutan ako ng bottled water ni Chini para daw mapawi ang uhaw at hingal ko, then habang naglalakad ako sa maala entourage kong lakad ay nadidinig ko ang wow at congratulations sa mga classmates ko, pumapalakpak ang tenga ko but I must tell this to Arwin later for sure mas malakas ang pagpalakpak ng tenga non.
Nag-resume ang klase pero instead na ituloy ni Sir Leo ang kaninang dini-discuss niya bago ako dumating na hindi ko alam kung ano ay isa-isa niyang idiniscuss ang pinasa ko na homeworks sa kanya, mas pinalawak at inemphasize niya pa ang detalye at impormasyon tungkol sa mga arts na napili ko, namangha kami kay Sir sa dami niyang alam sa arts we were amaze talaga kasi since nagsimula ang klase never namin siya nakitaan na humawak ng libro o ano man na babasahin para siyang computer or wikipedia sa dami ng alam bukod sa arts, yes indeed pwede mo pagtapat tapatin ang late Ka-Ernie Baron, Kuya Kim, at siya sa isang quiz bee competition na ikaw ang mate-tense dahil sa hindi mo alam who will win.
Natapos ang klase namin na hindi pa natatapos ni Sir Leo yung pagdi-discuss sa homework ko kaya itutuloy na lamang din daw ito sa next meeting namin. Nang makalabas na si Sir Leo ay agad akong lumabas para makita agad si Arwin na tiyak na naghihintay sa akin and he was not there, nakakapagtaka bakit wala pa yung mokong baka nag-over time yung prof nila.
"Uy girl congrats again, bongga ka ikaw na exempted." ang sabi ni Francis ng makalabas na ng room.
"Salamat, hindi ko din expected yun no." ang sagot ko.
"Oh nasaan na yung asawa mo?" ang tanong ni Kris.
"Wala pa nga eh, baka nag-OT yung prof nila." ang sabi ko naman.
"So sasabay ka na ba samin kumain?" ang tanong naman ni Russel.
"Ah hindi hintayin ko na muna siya dito, ite-text ko na lang siya to inform na hinihintay ko siya, gusto ko din kasi sabihin sa kanya yung good news, kung hindi niya ako siguro tinulungan hindi ko din matatapos yung homework na yon." ang sabi ko naman.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~RAIN.BOYS~ "Ewan ko ba kay John sa dinamidami ng pwedeng isama at gawing bestfriend, ikaw na walang kadatingdating pa ang pinili." sabi ni Arwin ng paganti at siyempre gumanti din ako. "Ewan ko ba sa bestfriend ko sa dami ng pwedeng...