Rain.Boys Chapter: 13

5.8K 218 1
                                    

        Binagtas namin ang hallway ng College of Fine Arts building hanggang sa makalabas kami ay hila pa din ako ni Arwin at nagmamadali kaming naglalakad lahat nga ng makasalubong namin ay napapatingin samin, huminto lang kami ng makarating kami sa school park, grabe ang hingal ko adik na to, naupo kami sa isang bench sa part ng park na hindi masiyadong maraming tao.

        "Akala ko pa naman safe na ayon pala hindi pa." ang sabi ni Arwin nang makaupo na kami, na hindi ko na-gets kung ano ang ibig niyang sabihin.

        "Anong ibig mong sabihin Drop? May nangyari ba? Napagalitan ka ba ng prof mo?" ang pag-aalala kong tanong sa kanya.

        "Hindi yon ang bait nga ng unang prof namin eh." ang sagot niya.

        "Eh ano na-bully ka?" ang pabiro kong tanong.

        "Ako ma-bully hindi no." ang sagot niya na nakasimangot na ang mukha.

        "Eh ano? Ayaw pa kasi sabihin." ang tanong na nalilito na, away pa kasi ako diretsuhin dami pa paligoyligoy gusto pa na manghula ako talaga.

        "Akala ko safe na, na wala na ako dapat ipag-alala na walang aagaw sayo." ang sagot ni Arwin na mas nagpalito sa akin.

        "Ano bang ibg mo sabihin Drop?" ang tanong ko ulit.

        "Eh kasi si Von kaklase ko kaya naisip ko kung balak ka pormahan nun mababantayan ko kaso may kaklase ka pala na mukang may balak na pormahan ka." ang sabi niya at bigla ako natawa.

        "Oh bakit ka tumatawa may nakakatawa ba sa sinabi ko?" ang tanong niya nagsasalubong na ang kilay.

        "Ha-ha ikaw talaga Drop, walang nakakatawa, natutuwa lang ako sayo talagang pinagselosan mo pa yung kaklase ko? Inaasar lang kami pero wala yun hindi ko nga masiyado pinapansin yun, pangalan nun ay Russel." ang paliwanag ko ng nakangiti.

        "Eh bakit nadinig ko yung mga kaklase mo na sumisgaw ng kiss?" ang usisa niya.

        "Ewan ko nga ba sa mga yon parang mga sinaniban buti na lang pumasok ka at niligtas mo ko sa kalokohan nung mga yon, you are my savior." ang sabi ko at ngumiti ang mokong.

        "Naku subukan lang ng Russel na yon na pormahan ka lagot siya sa akin mata lang niya ang walang latay." ang sabi niya.

        "Naku akala mo kung sinong matapang." ang sabi ko at nagtawanan kami, bigla namang umeksena ang tiyan ko kaya natahimik ako at si Arwin wagas kung makatawa.

        "Halika na nga, sa labas na ng school tayo kumain may malapit na fastfood dito, tinignan ko kasi yung canteen eh blockbuster." ang sabi nito at lumabas nga kami ng university para pumunta sa malapit na fastfood.

        Tanghali na noon pero hindi pa din mainit dahil sa makulimlim na panahon, nagdesisyon kami na sa McDo na lang kumain dahil ayon ang pinakamalapit, pagpasok namin agad na kaming humanap ng pwesto, nang makahanap na ng magandang pwesto ay dating gawi kami, ako ang bantay, si Arwin ang taga-order, gustuhin ko man na ako ang umorder ay ayaw ako payagan ng kapreng hilaw at baka matapakan lang daw ako, ganoon ba ako kaliit?

        Medyo matagal din bago nakabalik si Arwin sa table namin kulang na lang ata ay magbunga ako, tubuan ng sanga, dahon, at ugat, naunawaan ko naman kung bakit madami din kasing tao that time pero grabe kasi yung mga alaga ko magwala eh.

        "Pasensiya na kung natagalan." ang sabi ni Arwin habang dala yung inorder na pagkain.

        "Ayos lang." ang sabi ko, then bigla kong nakita si John na pumasok sa store na may kasamang tatlo pa na paminta, hindi siya nakita ni Arwin dahil sa akin nakaharap si Arwin noon, nagkatinginan kami at nakita ko siya na bumulong sa tatlo niya pang kasama sabay turo sa pwesto namin. Mayamaya pa ay naglakad na yung tatlong kasamang paminta ni John patungo sa pwesto namin akala ko noong una ay susugod ang kampon ng impakto ayun pala ay mauupo lang sila doon sa table sa likod ni Arwin, pero bakit doon pa ano naman kaya ang binabalak ng mga ito.

Rain.BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon