Kinabukasan ay maaga kaming mga nagsigayak nagamit lahat ng banyo sa bahay para masmapabilis, si Arwin doon na ko na pinaligo sa banyo sa kwarto ko, hep bago mag-isip ng masama nauna ako maligo bago siya okay, hindi kami sabay.
Habang naliligo si Arwin ay kinuntsaba ko na sila Francis na magdahilan mamaya kay Arwin na may meeting ang mga class room officers ng College of Arts, binabalak ko na kasi kuhanin yng pina-reserve ko na coat for Arwin, yung isusuot ko naman ay yung dating coat na sinuot ko noong highschool ako, gusto ko surpresahin si Arwin mamaya para hindi naman laging ako ang sinusurpresa ng mokong.
Nang tapos na gumayak ang lahat sabay sabay na din kaming pumunta sa terminal ng jeep para pumasok, dahil sa kasama namin sila ay hindi muna kami naupo ni Arwin sa tabi ng driver, sa jeep nangingibaw ang KFC Sisters sa kalokohan pati mga pasahero ni manong naengganyo sa kanila, parang naging mobile comedy bar in an instant yung jeep ni manong driver.
Nang makarating na kami sa university, dating gawi siyempre kami, pepektusan ko kayo kung di pa kayo nasanay at nagsawa na ikwento sa inyo yung routine namin sa normal na school days namin ha-ha joke.
Naging boring at nakakabagaot ang mga naging klase namin sa maghapon, puro dicussion and lectures ang ginawa, pero halata naman tinatamad lang yung mga prof namin na magturo talaga ang akin lang sana hindi na lang nagklase para mas masaya ha-ha eh kahit ako kasi sinaniban bigla ng katamaran eh.
Dahil nga sa tinatamad ang mga prof namin ay maaga ako nagpaalam kila Francis para umalis, kailangan ko makuha yung coat baka kasi mamaya masira ang surprise plan ko para kay Arwin, maka-surprise plan parang bongga eh ibibigay ko lang naman sa kanya yung coat.
"Ate kukunin ko na po yung coat na pina-reserve ko." ang sabi ko pagpasok na pagpasok ko pa lang sa shop, ate yung tawag ko sa may-ari kasi ayun ang gusto niyang itawag namin sa kanya but imagine Gardo Versosa na longherada, naka-tube, leggings at naka-high heels, ganon ang looks ni ate.
"Oh eto na ijo." ang sabi ni ate habang iniabot sa akin yung coat, "libre na ang gift wrap alam ko naman kung gaano ka-espesyal sayo yung pagbibigyan mo niyan, basta sa kasal niyo kung ikakasal man kayo ditey kayo ba-buysung ng lahat ng gagamitin niyo na gown, coats at kung anek anek pa ah." ang dagdag na sales talk ni ate.
"Salamat ate, oo naman po, basta ba discounted kami ah, tsaka invited kayo pag kinasal na kami." ang sabi ko sabay bigay ng bayad.
"Ay push yan bet ko yan wit pa ako nakawatch ng wedding na ganyan kaya I wish you stay strong talaga." ang sabi ni ate na excited sa kasal na hindi pa nga nakaplano.
"Ha-ha sige po ate pangako po, pano po alis na po ako, salamat po ulit." ang sabi ko at lumabas na ako ng shop para makauwi na ng bahay at makapag-prepare ng magiging dinner date namin ni Arwin.
Masaya akong naglalakad pauwi habang nakatingin sa kahon, "tiyak matutuwa yung mokong na yun." ang sabi ko sa sarili ko.
Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa bahay, agad kong binuksan yung gate at isinara din ito nang makapasok na ako. Nang nasa front door na ako napansin ko ang isang box na nakalapag dito, ibinaba ko muna ang hawak ko upang tignan ito, at binasa ko ang card na kasama nito:
To My Dearest Drip,
Tomorrow night will be a magical night, but your magical experience will start today, open this gift from your handsome prince my sweet lovely elf so that you will experience the magic that I am saying.
Loving You,
Drop
Agad kong binuksan yung box na nakabalot pa sa blue gift wrapper, at nang buksan ko siya napa-OMG ako sa nakita ko, it is the set of the blue coat na nakita ko sa shop ni Ate Gardo, ha-ha pinangalanan ko lang si ate, inilabas ko ang coat sa box at mas napa-OMG pa ko dahil yung coat ay na-adjust na for me, it was now made just for me, "adik ka talaga Drop ako nga ang manunurpresa sayo eh." ang sabi ko dahil sa tuwa at mayamaya pa ay unti-unting nagliwanag ang paligid dahil sa mga christmas lights na isa-isang nagsisipag-ilaw.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~RAIN.BOYS~ "Ewan ko ba kay John sa dinamidami ng pwedeng isama at gawing bestfriend, ikaw na walang kadatingdating pa ang pinili." sabi ni Arwin ng paganti at siyempre gumanti din ako. "Ewan ko ba sa bestfriend ko sa dami ng pwedeng...