3:40PM, nag-umpisa na akong igayak ang isusuot ko, mula sa damit, sa pantalon, maging sa sapatos, at bigla na lang ako napabuntong hininga dahil naisip ko na bakit ba kailangan ko pa paghandaan itong moment na 'to? Sa palagay ko ba magugustuhan pa ako ni Arwin kung may gusto na siyang iba, spell ASA Luke, bakit ba kasi hindi man lang ako binigyan ng chance ng tadhana tapos heto namang si Arwin parang pinagti-trip-an pa ako kasi everytime na magkasama kami ay kung ano ano pang kawirduhan ang ginagawa kaya instead na mawala na lang itong nararamdaman ko ay mas lumalala pa, kung kailan tanggap ko na sa sarili ko na nahuhulog ako sa kanya ayun nga lang hindi ako sinalo ng mokong ang masaklap ginawa agad akong best friend so pa'no ko pa maaamin yung nararamdaman ko, hay Luke stop this drama, tama stop this drama hindi naman ako ganito.
Binuksan ko yung drawer ko at kinuha ko yung sulat ni John, nakalimutan ko na ibigay kay Arwin kanina, ano ba naman kasi itong si John may Facebook, may Tweeter at kung ano-ano pang social network eh sulat pa ang naisip hindi na lang i-message online si Arwin tapos ako pa gagawing kartero ang hapdi sa bangs, pero andito na eh heto nga at hawak ko na ano pa magagawa ko at isang buntong hininga na naman ang pinakawalan ko.
Biglang tumunog ang message tone ng cellphone ko, I check it agad agd, si Arwin nag-text:
'Luke, dalin mo yung band-aid, may tanda ako diyan kaya hindi mo mapapalitan ng iba yan.'
At nagreply ako ng pabiro:
'Naku pa'no 'yan naitapon ko na, bibili na lang kita ng bago isang box pa.'
At nagreply naman siya agad:
'Loko, kapag iyan wala mamaya ihanda mo na yang bunbunan mo papausukin ko talaga 'yan.' ang pabirong reply ni Arwin, kahit pa'no ay natawa naman ako sa reply niya at nawala yung iniisip ko. 'Ha-ha, biro lang, 'wag ka mag-alala dadalhin ko mamaya, masiyado ka para sa band-aid sasaktan mo 'ko.' ang pabiro kong reply, at kinuha ko sa kaparehong drawer ang isang maliit na asul na box, dito ko kasi nilagay yung band-aid na ipinapatago ng mokong, pero kung ako ang tatanungin super special para sa 'kin yung band-aid na 'to sabihin niyo na super assuming ako pero dito kasi sa band-aid ko na 'to unang naramdaman ang unang pag-aalala sa 'kin ni Arwin.
Kumuha ako ng maliit na bag at dito ko nilagay yung sulat at yung box na may lamang band-aid, nagdala na din ako ng pabango, pulbos, at panyo just in case lang naman na kailanganin, nang masigurado ko na okay na ang lahat ng dapat ko igayak ay naligo na ako agad dahil alam ko sa sarili ko na matagal ako maligo at gumayak talo ko pa ang babae.
Malapit ng mag 5PM ng matapos ako gumayak, tinignan ko agad yung cellphone ko par i-check kung may text na si Arwin at meron na nga siyang text:
'Nakagayak ka na ba? OTW na 'ko para sunduin ka.'
Nag-reply ako sa kanya ng 'Oo' at agad ko ng kinuha yung bag ko pero syempre one last look sa salamin bago ako lumabas. Lumabas na ako ng bahay at naisip ko na 'don na lang ako maghintay kay Arwin sa labas ng gate pero paglabas ko ng gate nakita ko na agad ang mokong na naglalakad todo ngiti at kaway pa eh parang kaninang umaga lang ay magkasama kami.
"Wow ang saya mo ah." ang bungad kong sabi nang makalapit na sa akin si Arwin.
"Syempre naman, super special sa 'kin ang araw na 'to, bakit ikaw hindi ka ba excited?" ang sabi niya.
"Excited din syempre kasi makikilala ko na yung taong nagpapasaya sa BEST FRIEND ko." ang sabi ko na talagang pinagdiinan yung salitang best friend baka sakali makahalata na hindi naman talaga ako excited na makilala kung sino man 'yon.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~RAIN.BOYS~ "Ewan ko ba kay John sa dinamidami ng pwedeng isama at gawing bestfriend, ikaw na walang kadatingdating pa ang pinili." sabi ni Arwin ng paganti at siyempre gumanti din ako. "Ewan ko ba sa bestfriend ko sa dami ng pwedeng...