Nasa kwarto ko ako no'n, kasalukuyang nagsa-soundtrip at sinasabayan ko ito, habang hawak ang cellphone ko na ginawa kong mic, feeling ko kasi concert ko at tutal mag-isa lang naman ako sa kwarto ko kaya hindi nakakahiya mag-feeling, hindi ko napansin na tumatawag no'n si Arwin dahil naka-silent mode din ang cellphone ko no'n at hindi ko sinasadyang napindot ang answer key, at dahil hindi ko nga napansin ay tuloy pa din ang pag ko-concert ko, "Love On Top" pa nga ang sinasabayan ko na kanta no'n at todo bigay ako no'n lalo na sa pinakamataas na part ng kanta, at noong matapos na ako sabayan ang kanta may nadinig ako na tumatawa at ng tignan ko ang cellphone ko ay namula ako sa hiya at muntik ko na ito mabitawan.
"He-he-hello?" ang sabi ko na medyo nauutal pa.
"Ha-ha, ayos pala ah, nagko-concert ka pala kapag ikaw lang mag-isa ha-ha." ang pang-aasar ni Arwin.
"Sira, ibababa ko na 'to" ang sabi ko dahil sa nahihiya pa din ako.
"Teka, teka 'wag mo muna ibaba, kailangan ko ng tulong mo." ang sabi niya kaya hindi ko na nagawang ibaba pa ang tawag.
"Ano ba 'yon?" ang tanong ko.
"Basta mamayang 5PM magkita tayo sa 7Eleven, 'wag mo na lang sabihin kay John na magkikita tayo, okay lang ba?" ang sabi ni Arwin.
"Ah, sige, sige." ang sagot ko.
"Maraming salamat, oh sige ituloy mo na ang pagko-concert mo ha-ha, at good morning na din, oh sige bye na mamaya na lang, salamat ulit." ang pahabo; na hirit ni Arwin at ibinaba na niya ang tawag.
4:50PM ako dumating ng 7Eleven pero pagdating ko ay nando'n na si Arwin at noong nakita na niya ako na pumasok ay tumayo siya sa kinauupuan niya at kinawayan ako kaya naman lumapit na ako agad sa kanya at naupo sa tapat niya.
"Kanina ka pa ba?" ang tanong ko.
"Hindi naman, kararatingrating ko lang din." ang sagot niya, "teka bago tayo mag-umpisa ay bibili lang ako ng makakain at maiinom natin." ang dagdag niya at tumayo na nga siya para bumili, iniwan na niya ako para daw hindi na kami maagawan ng table, sa isip ko no'n ay patago na date ba 'to kaya ayaw niya ipasabi kay Best John pero syempre alam ko na hindi gano'n masyado lang akong assuming na tao. Mayamaya ay bumalik na si Arwin, nagulat ako dahil ang binili niya para sa akin ay Clover at Del Monte Juice na paborito ko parehas kaya naman kahit na hindi date na matatawag 'to ay may kilig factor pa din akong naramdaman.
"Ayan okay na pwede na tayo mag-umpisa." ang sabi niya habang inilalagay sa mesa ang binili niya at naupo na. Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit 'yon ang binili niya para sa akin pero hindi ko na tinanong dahil naisip ko na baka nagkataon o maaaring naikwento sa kanya ni Best John.
"Ano ba ang pag-uusapan natin? Bakit kailangan pang ilihim kay Best?" ang tanong ko sa kanya habang binubuksan ko yung inumin ko.
"Gusto ko sana na tulungan mo akong surpresahin si John." ang sabi niya, at medyo napahinto ako sa sinabi niya, ewan ko pero parang nasaktan ako ng hindi ko alam, ng kahit hindi naman dapat.
"23 kasi ngayon, ngayon ang 6th monthsary namin, kalahating taon na kami kaya naman gusto ko siya na isurpresa ngayon kasi ang sabi ko sa kanya ay sa Sabado na lang namin i-celebrate pero naisip ko na gawing grand surprise ko na lang sa yung pagpapakilala ko sa kanya kay mommy sa Sabado, kaya naman ang balak ko ay bumili ng cake, bulaklak, at gift para sa kanya, at dahil BFF ka naman niya ay ikaw ang naisip ko na lapitan at hingan ng pabor dahil alam ko na matutulungan mo ako talaga." ang paliwanag ni Arwin, uminom ako ng juice at tumingin sandali sa labas ng convenience store at tumingin ulit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys
Teen Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~RAIN.BOYS~ "Ewan ko ba kay John sa dinamidami ng pwedeng isama at gawing bestfriend, ikaw na walang kadatingdating pa ang pinili." sabi ni Arwin ng paganti at siyempre gumanti din ako. "Ewan ko ba sa bestfriend ko sa dami ng pwedeng...