CHAPTER 1 • Stranger's Hug

96 6 7
                                    

ANGELLE

“YOU LIED to me! You fucking lied to me, Cris! I thought you’re the one who can change me. But why are you doing this to me? Am I not enough? Tell me!”

I COULDN’T help but wipe the tears that fell from my eyes. That’s why I hate watching romance with extra-drama. Mababaw ang luha ko lalo na pagdating sa mga ganitong senaryo. Hindi ko rin kasi maintindihan ang mga lalaki mapa-drama o realidad man SA UNA LANG MAGALING mga pa-fall.

“Tigilan mo na ’yang kaka-panuod mo, Angelle. At ayusin niyo na ang sarili niyo dahil nandito na tayo.” Sabi ni Mama na nakatingin sa ’min using rearview mirror.

“Opo.” sagot naming apat na magkakapatid.

I turned off my cellphone and looked outside. Huminto ang kotse sa isang bahay kung saan nalaman ko naman kaagad na bahay ng Tita ko na kapatid ni Papa. Lilipat na rin kasi kami ngayong araw dito.

Against ako sa paglipat namin pero ano pa bang magagawa ko?

Nang bumaba na sina Papa at mama, sumunod naman ang mga kapatid ko. Sinuklay ko muna ang buhok ko gamit ang kamay. Pero bago ko pa matapos ang ginagawa. I heard three knocks on the car window causing me to stop. I saw my cousin smiling and waving her hand at me.

I smiled back and gestured her to wait me.

Tinapos ko na ang ginagawang pag-aayos sa sarili bago binuksan ang pinto at bumaba. "Couzie!" tili ng pinsan ko sabay yakap sa 'kin. At hinalik-halikan ako sa pisnge.

Look at this girl, parang ilang taon kaming hindi nagkita. Last month magkasama pa kami sa mall show ng Kathniel.

Meet my cousin, Jovelyn Bliss Gallardo. One of my closest cousins in my father's side. Kasama ako nito noon sa mga kalokohan at masasamang balak niya. Naalala ko pa nga dati na isinama niya ako para i-meet ang boyfriend niya na ex-boyfriend niya na ngayon. Then pag-uwi namin sa bahay, nakatanggap kami ng masarap na palo kay mommy (her mother).

Humiwalay na siya sa pagkakayakap sa 'kin at hinarap ako. "Couz, magiging mag-kapitbahay na tayo!" masaya niyang bulalas pero ang weird lang dahil imbes na sa 'kin siya nakatingin sa likod ko siya nakatingin.

Nakangusong napatingin ako sa likod. And there I saw a tall looking guy at Ate Jove. They're looking at each other as if sila lang ang tao na nandito.

Hinarap ko naman si Ate Jovelyn at nginitian ng nakakaloko.

"Boyfriend mo?" tanong ko.

Marahas siyang napatingin sa 'kin saka kinikilig na tumango, well. Hindi na ako nagtataka, titignan niya ba kung hindi niya boyfriend?

Hinila ako palapit ni Ate Jove dito at balak niya pa ata akong ipakilala sa bago niyang boyfriend. Infairness, may hitsura 'to. Hindi gaya ng mga dati niyang boyfriend. Kidding aside! Hehe.

"Yam, pinsan ko nga pala si Angelle." Pakilala ni Ate Jove sa 'kin. Tumingin naman sa 'kin si Yam niya saka ngumiti.

Hindi ko talaga ma-gets kung bakit need pa ng endearment. Required ba?

"Hello, Angelle. Andre nga pala, boyfriend ni Jovelyn." Pakilala nito sa sarili at inilahad ang palad para makipag-shake hands.

Ang Boyfriend Kong Hype Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon