CHAPTER 19 • Stick-O

19 5 0
                                    

ANGELLE

TURSDAY morning pero sobrang nakakatamad ng araw ko. Ewan ko ba kung bakit, pero wala ako sa mood. Nandito ako sa room at tahimik na nakikinig sa teacher namin kahit hindi ma-digest ng isip ko ang mga sinasabi niya. Siguro dahil hindi ako sanay na wala dito si Prof, last day practice na lang kasi nila ngayon dahil bukas na ang laban nila sa Maxine High. Hindi nga rin namin sila nakasabay papasok, eh. Dahil gaya ni Link, maaga rin sila pumasok, nakita naman namin sila sa covered court pero hindi nila kami napansin dahil nakatuon sila sa pagpa-practice.

"Be ready for long quiz tomorrow, take your lunch now GAS 2. Bye!" paalam ni Ma'am Dally.

Napabuntong hininga naman ako saka inayos ang mga gamit. Pagkatapos, lumabas na ako at naglakad papunta sa Canteen 2. Si Ate Jove at Lica lang naman ang makakasama ko sa lunch ngayon, eh. Hindi rin kasi sasabay sina Russel at John sa 'min dahil iche-cheer daw nila sila Prof nang maganahan sa paglalaro.

Nang mapadaan ako sa covered court, napansin ko naman na marami ang nanunuod sa practice ng MBP short for Maximo Basketball Players. Hindi na ako nag-abala pang huminto kahit gustong-gusto ko makita si Link, dumiretso na ako sa Canteen 2 para makakain dahil gutom na gutom na rin ako.

Hinanap ko si Lica at Ate Jove sa mga occupants table pero wala sila, nasaan na ang dalawang gurang?

Naupo na lang ako sa isang bakanteng table at inilabas ang phone ko para i-text ang dalawa. Nang umabot ang ilang minuto at hindi pa sila nagre-reply, itinago ko na ang phone ko saka tumayo at bumili ng makakain. Bahala sila sa mga buhay nila, basta ako kakain na at gutom pa ako.

Nag-text man lang sana sila sa 'kin na hindi sila makakasama para naman hindi na ako naghintay pa sa kanila. Saan pa kaya sila nagsuot-suot?!

Nang makuha ang mga binili, kumain na ako habang nakatingin sa mga estudyanteng nandito rin sa Canteen at kumakain. 'Yong iba may mga kasama, pero meron rin namang "lonely" na solo gaya ko.

Napatingin naman ako sa spaghetti ko at napanguso, nakakatamad na nga ang araw na 'to tapos hindi pa ako sisiputin ng dalawa. Malaman ko lang talaga kung saan sila nagpunta para indiyanin nila ako sa meeting place namin, lagot sila sa 'kin.

"Hi, Ate Ganda!" napa-angat naman ang ulo ko at napatingin sa batang babae na nasa harap ko.

May dala itong tray na punong-puno ng mga pagkain.

"Hi," ganti kong bati dito.

Siya 'yong batang babae na palaging inu-utusan ni Link para ibigay sa 'kin 'yong mga gusto niya ibigay.

"Pwede po ba kitang samahan?" tanong niya, ngumiti naman ako at tumango. "Salamat po," sabi niya at naupo sa kaharap ko na upuan.

Tumingin naman siya sa 'kin at saka kinuha ang bag niya at merong kinuha dito. Inilabas niya mula sa bag ang isang garapon ng stick-o sabay abot sa 'kin.

"Galing ba 'to kay Link?" tanong ko at tinanggap ang inaabot niya, tumango naman siya.

"Opo,"

Ngumiti naman ako at binasa ang sticky note na nakadikit sa tap ng stick-o.

"Stick-O: Cause I'm Stick-To-You."

Napangiti naman ako saka itinabi ang Stick-O at hinarap ang bata na kasalukuyang kumakain.

"Nasaan si Link?" tanong ko, umangat naman ang ulo ng bata at tumingin sa 'kin.

"Practice po,"

"Nakita mo bang kumain na sila?"

"Opo, bago po mag-break nakita ko ang mga player sa Canteen 1 doon po sila kumain."

Napatango naman ako at sumubo ng pagkain ko.

Ang Boyfriend Kong Hype Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon