NOTE

20 4 0
                                    


Hello, everyone! *pasabog confetti* at last, nakatapos 'din ako ng isang story! To be honest, matagal na akong gumagawa ng kuwento rito sa wattpad kaso kapag nagagawa ko na... iiwanan ko rin kasi nawawalan ako ng gana, promise! Ang hirap maging writer kung wala kang inspirasyon, nagawa ko kasi itong Ang Boyfriend Kong Hype Beast dahil dito sa mga dating-hype beast na nakilala ko. Actually kilala ko sila at hindi ko alam kung kilala ba nila ako? Haha.

Marami akong kuwentong ginawa noon na hindi ko natatapos lalo na kapag love story, magaling ako mag-imagine pero kapag inilalahad medyo palpak ako. Kaya nang ginawa ko ito, sinabi ko talaga sa sarili ko na hindi ko kailangan ng napakaraming mambabasa para lang matapos ito. Basta tatapusin ko ito, tapos!

Si Jimwell talaga ang unang naging inspirasyon ko sa kuwentong 'to. No'ng unang lipat kami rito, na-cute-an ako sa porma niya, hehe. Then ayon hanggang sa hindi ko na siya maging crush at malipat sa isa pa na hanggang ngayon... umaasa ako! HAHAHAHA. Totoong umaasa ako, pero okay lang nandiyan naman si Link.

Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa mga may-ari ng pangalan lalo na sa mga "hype beast" sana lang talaga hindi nila makita 'yong naka-pin doon sa computer, haha.

Para malaman niyong lahat, 'yong name ni Link na Johnxzel Linkin Serrano ay ikinabit-kabit ko lang, haha. 'Yong John nakuha ko kay Wendell, John Wendell kasi siya kung hindi ako nagkakamali at dinagdagan na lang ng ka-epalan. Ang Linkin naman ay kay Linkin Park, hehe. At 'yong Serrano, actually naisip ko 'yong "sira ulo" then napunta ako sa Serrano. HAHAHAHA. Ang laking baliw ko!😂

Then 'yong name ni Angelle na Angelle Renzlyn Musco nagmula ang Angelle sa Angle. Dapat Angle ang pangalan ni Angelle kaso naisip ko na ibigay sa ibang character ko ang name na Angle kaya mas nilawakan ko pa ang isip ko at naisip ang Angelle dahil kay Angelina. HAHAHAHA! Shit, ang dami kong ginawang kabaliwan dito. At 'yong Renzlyn, galing naman sa teacher ko sa English na si Ms. Renz. Dinagdagan ko na lang kasi para maging cool.

And thats the story kung paano ko nakuha ang mga pangalan nila. At ipinangako ko rin sa sarili na pagkatapos nitong kuwento ay ang pagtatapos na rin ng nararamdaman ko para kay — haha, basta. So, ayon. Maraming salamat ulit sa mga nagbasa! I love you never forget that❤

- QwynEra

Ang Boyfriend Kong Hype Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon