CHAPTER 34 • Cry out Loud

15 3 0
                                    

ANGELLE

TWO DAYS na lang peske naaaaaAaaaaaa! OMG? After Christmas, matanda na ako at ready to— ehem. Magtatapos pa ako ng pag-aaral. Kailangan ko pang mabilhan ng bahay si Papa at mama. Ayokong mag-asawa na wala pang naibibigay sa kanila. I know naman na laging sinasabi ni Papa na hindi niya kailangan ang kahit ano basta makapagtapos lang kami at magkaroon ng magandang buhay.

I can't imagine myself without them. Sila na ang buhay ko, kung may mawala man sa kanila. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa buhay ko.

Napabuntong hininga ako at napatingin sa kisame. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang ng sagutin ko si Link— ilang days na nga ba kami? Hays. Ayoko muna mag-alala ng mga bagay. Ang dapat ko isipin ngayon ay kung paano ako makakapagtago sa kanila? I mean, bibili kasi ako ng mga regalo para sa sa kanila. Ayoko namang makikita at malalaman nila kaagad ang ireregalo ko.

Napailing na lang ako at bumangon sa kama. Saka bumaba at naligo.

Pagkatapos ko maligo. Nagbihis na ako at inayos na ang sarili. Bago ako umakyat sa kuwarto ko. Chineck ko muna kung may tao sa sala dahil malas ako nando'n si Mama at Jr nanunuod.

Naghintay ako ng ilang minuto. Hanggang sa wala na si Mama at Jr. Nagkaroon ako ng pagkakataon para makatakas. Alam kong mapapagalitan ako ni Mama dahil hindi ako magpapaalam, pero wala akong magagawa. I need to do this shitty— para mabilhan ko sila ng regalo.

Pagkalabas ko ng pinto. Tumakbo na ako at dumaan sa eskinita para walang makakita sa 'kin. Urgh! Mukha akong baliw sa ginagawa ko. Aalis-alis ako sa bahay tapos hindi ko alam kung saan ako pupunta. Saan ba ako makakabili ng pang-regalo sa kanila?

"Hit you with a Ddu-Ddu-Ddu~"

Napahinto naman ako sa paglalakad ng mag-ring ang phone ko. Kinuha ko ito sa pouch na dala ko. Nang makita ko ang caller ID ng tumatawag namilog ang mata ko at nakaradam ng excitement. Kaagad kong sinagot ang tumawag.

"H-hello?"

Grr... bakit ako nautal?

"Hey, I missed you." Napangiti naman ako sa sinabi nito at ipinagpatuloy ang paglalakad.

"I miss you too. Bakit ngayon ka lang tumawag sa 'kin?" nagtatampo kong tanong dito.

"Um... Angelle, pwede ba tayo magkita?"  imbes na sagutin niya ang tanong ko. Inaya ako nitong magkita.

Napabuntong hininga na lang ako. "Okay, text me the address. But explain to me everything okay?"

"Okay,"

"Good, see you!"

Bago ko ibaba ang cell phone ay narinig ko pa siyang may mga sinasabi pero hindi ko maintindihan. Baka may kausap lang siya.

Nang ma-receive ko na ang message nito. Sumakay na ako kaagad para na rin makita ang kababata at best friend ko.

Yeah, si Isiah ang tumawag sa 'kin. To be honest, iba 'yong boses niya. Siguro kung hindi ko inalam kung sino ang tumawag hindi ko ito makikilala. Parang patay ang boses nito at napaka-lamya.

I really want to see him. Gusto kong malaman kung anong nangyari sa kanya these past few months?

HEAVEN'S PARK

Ang Boyfriend Kong Hype Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon