CHAPTER 3 • Care?

47 8 0
                                    

ANGELLE

 SPELL ABNORMAL? L-I-N-K. Yeah, right. That Link guy is a totally crazy! Damn him.

"Couz, nakikinig ka ba?"

"Ha?"

Napapikit naman si Ate Jove at napakagat sa labi ng ma-kumpirmang preoccupied ang utak ko.

"Dalawang araw na ang lumipas, Couz. Move on ka na ro'n, kami nakapag-move on na nga eh." Saad ni Ate Jove at nag-cross arms.

I gulp. "You don't understand me, Couz. Hindi kasi ikaw ang nasa kalagayan ko kaya mo sinasabi 'yon," turan ko at napa-roll eye.

"I'm sorry, Couz. Gusto ko lang naman sabihin sa 'yo na tigilan muna ang pag-iisip do'n." Dahil sa sinabi niya napayuko ako at naramdaman ko naman na unti-unti ng nagtu-tubig ang gilid ng mata ko.

"Bakit gano'n si Link?" bigla kong tanong, napabuntong hininga naman si Ate Jove at lumapit sa 'kin sabay haplos sa likod ko.

"Gano'n ang mga lalaki, Couz. Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na ayaw ko kay Link para sa 'yo? Dahil ang mga hype beast hindi nako-kuntento sa isa." Napayakap ako sa kanya at humagulhol.

"Ayoko na mabuhay! Ayoko naaa! Bakit kailangan pa akong iwan ni Link?!" tanong ko, humiwalay si Ate Jove saka niya ako hinarap.

"Couz, you need to move on. Hindi kayo ni Link ang itinadha—"

"MAY SUNOG!"

MARAHAS akong napa-upo sa kama at gulat ang hitsura na napatingin sa taong naglakas-loob na sigawan ako sa mismong kuwarto ko.

"What the hell are you doing here!?" asik ko rito na ngiti lang ang iginanti. "I'm asking you! Why are you here? Did I give you permission to come here?"

Napangiwi naman 'to saka naupo sa kama ko. "Akala mo naman kung makapagsalita ka, parang hindi mo ako kapatid. Tch! Anyway, pumasok ako rito ng walang paalam dahil nagulat ako ng nagsa-salita ka habang tulog." Nagsa-salita ako habang tulog?

"Excuse me?"

"Sino si Link?" kumunot naman ang noo ko.

"Link? What about him?"

"Narinig ko kanina sinabi mong 'Ayoko na mabuhay! Ayoko naaa! Bakit kailangan pa akong iwan ni Link?' hindi ko pa siya nakilala?" shit.

Nag-sleep talk na naman ata ako.

"Don't mind him,"

"Tch! Naging ex mo ba 'yon?" tanong niya, ang daldal talaga.

Meet Angelica Shaine Musco, my sibling.

"Shut your mouth and don't ask me about that guy, leave!" padabog 'tong tumayo sa kinauupuan at tinaasan ako ng kilay.

"Makikilala ko rin si Link, easy lang naman mag-connect 'di ba?" inirapan ko naman 'to na ikinangiti lang nito bago lumabas.

Ugh! I really hate her guts, nah. Ever since ganito kami ni Lica, close kami pero gaya ng mga normal na mag-kapatid meron 'ding alitan pero ilang oras lang okay na rin. Gano'n lang talaga siya, masyadong maarte.

Ang Boyfriend Kong Hype Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon