CHAPTER 5 • Not Yet

37 9 0
                                    

ANGELLE

AFTER THREE WEEKS.

EVERYTHING is fine, nakapag-adjust na kami sa bago naming bahay at bagong pamumuhay. Simple pero masaya, si Papa tuwing linggo lang nakaka-uwi dahil nasa Makati siya nagta-trabaho bilang company driver at samantalang si Mama nandito lang sa bahay para alagaan kami. Malapit lang rin kami sa isa naming kamag-anak kaya tuwing boring sa bahay, namamasyal kami ni Ate Jove sa kung saan maraming pagkain. And Isiah? 'Well, sa ngayon nanliligaw pa rin siya. Kuntento naman kami sa estado namin ngayon sa isa't isa at alam kong hinihintay niya lang rin ako. Akala nga nila Mama kami na ni Isiah eh, pero sinabi ko naman sa kanila ang totoo na nanliligaw pa rin hanggang ngayon ito.

Tungkol naman sa mga hype beast? Hindi na kami nagpa-pansinan kahit nakaka-salubong nila ako sa daan. Bago ako nag-leave sa Group chat na Batang-Buras. Sinabi kong lalayo na ako sa kanila para hindi ako madamay sa mga problema na meron sila, um-okay naman sila dahil naiintindihan nila ang nararamdaman ko matapos ma-bastos ng girlfriend ni Link. And about sa hinayupak? Bumalik kami sa pagiging stranger/enemy, tuwing nagkikita kami wala ng pansinan gaya no'ng unang beses na nagkita kami. Okay na rin 'yon, para wala na akong problema at hindi ako muling madamay sa kanila.

"Angelle, are you listening?"

Shit.

"Huh?... ah, sorry. Ano nga ulit 'yon?"

Gosh, bakit ba napahaba ang iniisip ko? Hindi ko tuloy namalayan na kausap ko si Isiah sa kabilang linya.

"Ang sabi ko, may isang linggo pa tayong natitirang bakasyon kaya bakit hindi na lang tayo pumunta sa Beach resort ni Tito Ion."

Beach resort?

"Maganda 'yan, pero magpa-paalam muna ako kina mama at Papa."

"Yeah, ipagpa-paalam na rin kita para mas kumpirmado. Anyway, isama mo mga pinsan mo at mga friends mo diyan."

Friends? Sino, 'yong mga hype beast ba ang ibig niyang sabihin?

"I don't have friends, si Ate Jove na lang ang sabihan mo kung sino mga isasama niya." Saad ko.

"Okay, I'll see you tomorrow."

What?

"Bukas?"

"Yeah, bukas na tayo pupunta do'n para maabutan pa natin si Tito Ion bago siya umalis papuntang Macau." Seriously?

"But—"

Before I can finish my words, he cut me off.

"No, buts. Angelle, don't worry. Bago ako pupunta diyan, hihingi na ako ng permission kay Tita at Tito."

Ang bilis naman bukas kaagad?

"Okay."

"Mag-impake ka ng pang-dalawang araw okay?"

"Yeah,"

Pagkatapos namin mag-usap ni Isiah, pumunta ako sa kusina para kausapin si Mama at nang makapag-paalam dito. Um-okay naman siya pero alalahanin ko lang daw ang limitasyon ko, hindi ko naman nakakalimutan 'yon.

At bago ako mag-impake, tumawag na rin ako kay Papa at nagpaalam dito. Hindi lang naman si mama ang magulang ko, siyempre si Papa kailangan niyang malaman kung saan ako pumupunta. That's why I called him at nagpaalam, no'ng una hindi ito pumayag dahil malayo-layo raw at dalawa lang kami ni Isiah pero ng sabihin kong kasama naman sila Ate Jove. Pumayag na ito, at gaya ni mama nag-bilin 'to sa 'kin na ilang beses ko na atang naririnig tuwing nagpa-paalam ako.

Ang Boyfriend Kong Hype Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon